ELISA'S POV
PABALIK ako ng probinsiya ngayon. Nag-resign na ako sa trabaho, bahala na kung ano ang sasabihin nila Mamang at Papang. Alam ko na maiintindihan nila ako kung bakit ako umalis sa pinapasukan ko.
Pag-ka-graduate ko ng College ay nagpasya akong subukan na mag-trabaho sa Manila. Tapos ako sa kursong Bachelor of Science in Secretarial Administration. Mag ka edaran kaming dalawa ni Henry pero ako ay ka-ka-graduate ko lang last year . Nag stop kasi ako at ilang taon natengga bago makapag College.
Si Henry ay nagpapatakbo na ng kanilang negosyo at ako ay hindi pa noon tapos. Sinabihan nga ako ni Henry kapag need ko daw ng work ay sabihan ko lang siya. Ayaw ko naman ng ganoon, ang gusto ko yung hindi ko kilala ang magiging boss ko. Baka espesyal treatment pa mangyari kapag si Henry ang maging boss ko. Kaya naghanap talaga ako ng trabaho dito sa Manila. Ilan pa lang pinag-pasahan ko ng resume ko ay agad akong tinawagan ng Villadiego Corporation. Unang tumawag sa akin ang Villadiego Corporation. Maganda ang offer dito at ang mga benefits na pwedeng matanggap ng isang empleyado kaya naman tinanggap ko agad ito.
Secretary ang position ko sa Villadiego Corporation. Personal secretary ng CEO ng kompanya na walang iba kundi si Anthony Villadiego. Binata pa ito at kilalang babaero. Kahit sa office nito ay iba iba ang dinadala nitong babae. MUkhang doon pa nga sila gumagawa ng mga kababalaghan.
Okay naman ang mga kasamahan ko, may mga kaibigan na rin ako sa kompanya. Kahit mahirap ang buhay sa Manila ay nakipag-sapalaran ako. Hindi ko na ito nabanggit kay Henry na nasa Manila na ako at dito na nagtatrabaho. Mag-iipon muna sana ako bago ko ipaalam kay Henry. Gusto ko kasi kapag nagkita kami ay mailibre ko siya. Napaka-bait kasi ng bestfriend kong ito. Kahit mag-kalayo kami ay lagi niya akong naalala lalo na tuwing birthday ko. Hindi man siya makarating ay si Manag Nita ang nag-aabot sa akin.
Kaya sigurado ako kapag nalaman niya ang nagyari sa akin sa Villadiego Corporation ay baka sugurin nito iyon lalo na si Sir Anthony hindi pa naman nagkakalayo ang pigura nilang dalawa. Boyfriend material si Henry, wala ka ng hahanapin pa sa kanya. Para nga itong modelo eh. Pero hanggang doon lang sila, best of friends simula bata pa sila. Alam ni Henry kung sino ang gusto ko. At pasalamat ako sa kaibigan ko dahil tinuruan niya ako ng martial arts, silang dalawa ni Senorito Heinz ang kuya nito.
Simula pa lang masama na kutob ko sa boss ko. Iba kung tumingin ito sa akin kahit balot na balot na ang katawan ko. Para ako nitong hinuhubaran lagi kung tumingin ito. Minsan nga ay nasagi ako nito pero hindi binigyan iyon ng pansin dahil medyo maliit nga para sa dalawang tao ang daanan. Pakiramdam ko ay ikiniskis niya ang kanyang alaga sa likuran ko. Nag-patay malisya ako dahil baka sabihan pa ako nito na assuming. Pinalampas ko iyon dahil gusto ko ng trabaho. Pero itong huling ginawa nito ay hindi ko na pwedeng I ignore. Pwede ko pa nga siyang kasuhan kaya lang ay abala ito at baka kailanganin ko ng malaking pera.
Isang hapon pagdating nito sa opisina ay tinawag ako. Pinaupo niya ako sa upuan na nasa harapan ng table niya. Noong una ay may ipinapasulat ito sa akin na mga schedules. Tumayo ito at lumapit sa pintuan at pasimpleng ini lock ang pinto. Akala niya hindi ko Nakita ang ginawa nito dahil nasa hawak kong notebook ang paningin ko. Nakayuko ako pero ang mata ko ay sumusunod sa mga yabag niya. Pagka-lock niya ng pintuan ay patuloy itong nagsasalita, at ako ay patuloy na nagsusulat. Pumunta ito sa aking likuran hanggang maramdaman ko na hinawakan niya ako sa aking mga balikat at unti unting iniyuko ang kanyang ulo at bumulong sa akin.
“You are so beautiful, Miss Aragon. I think you’re still a virgin. Gusto mo ba na makarating sa langit kasama ko?” dinig na dinig kong sabi niya at sinimulan akong halikan sa aking tainga. Amoy alak ito kaya siguro malakas ang loob na gumawa ng ganitong kalokohan. Pero hindi ako katulad ng mga dinadala niyang babae dito sa opisina. Inilayo ko ang aking tainga at ulo sa mukha nito, kaya nainis ito at agad hinila ang aking buhok para mapatingala sa kanya na nasa likuran ko pa rin.
“Anong pinag-ma-ma-laki mo? Ang arte mo naman, baka mamaya kapag natikman mo ay hanap hanapin mo?” sabi nito sa akin na ngumi ngisi pa na parang tulad ng kontra bida sa TV.
“Bitiwan mo ako kung hindi ay sisigaw ako,” banta ko dito at tinawanan lang ako.
“Hindi mo ba ako nakikilala? O nakalimutan mo na ako may ari nitong kompanya?” nagmamalaki pa nitong wika sa akin.
“Hindi ako natatakot kahit ikaw pa ang may-ari nito! Bitiwan mo ako kung ayaw mong masaktan!” Muli kong binantaan ito. Tinawanan lang ako nitong muli at mas hinila pa ang buhok ko. Inilalapit nito ang kanyang mukha sa akin, para bang hahalikan ako nito kaya bago pa lumapat ang kanyang lab isa akin ay buong pwersa kong ibinigay sa dalawa kong kamay habang hawak ang notebook. Ito ang isinalubong ko sa kanyang mukha at nabitawan ako nito. Agad akong tumayo at hinarap ko ito. Sabay tulak sa upuan para masipa ko ito sa kanyang alaga. Napa upo ito sa carpet na humuhiyaw sa sakit. Isa pang tadyak sa mukha ang ginawa ko dito. Wala na akong paki-alam kung siya ba ang may-ari. Mali ang ginawa niya sa akin. Labag ito sa aking pagkatao kaya marapat na gawin ko ito sa kanya.
Agad akong lumabas sa opisina at narinig ng mga kasamahan ko ang pagsigaw nito. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at umalis sa building ng Villadiego Corporation. Pagkadating ko sa tinutuluyan kong apartment ay nag compose ako ng resignation letter at ipinadala ko thru email na naka address sa HR department. Sinabi ko ang ginawa ng Anthony Villadiego na iyon. Bahala sila kung ibibigay nila ang huli kong sweldo pero ayaw ko ng umapak pa muli doon.
Pagka-email ko ng aking resignation letter ay nag-paalam na ako sa land lady ko. Wala na akong dahilan pa para mag-stay dito. Sa Santa Fe na lang ako maghahanap ng bagong trabaho at makakasama ko pa sila Mamang at Papang.
Nakasakay na ako ngayon sa bus pabalik sa aking kinalakhan na probinsiya. Dito ko nakilala sila Henry at Senorito Heinz na masungit. Mag kaiba sila ng ugali ni Henry. Lagi kasing seryoso ito, marahil ay mas matanda sa amin ito ng tatlong taon. Pumunta si Senorito Heinz sa America at wala naman akong balita sa kanya, nag gawa pa nga ako ng social media account para mahanap ko ito pero sawi ako. Sabi ni Henry tumatawag daw ang binata sa Mommy nila at sabi din niya sa akin ay may girlfriend na ito doon. Kapag umuuwi naman ito ng Pilipinas ay hindi ito nagpupunta ng Santa Fe dahil ayaw ng girlfriend nito. Isa iyon sa dahilan kaya gusto niyang mag work sa Manila para kapag dumating ito ay Madali siyang makakapunta kanila Henry para makita ito. Hindi pa alam ni Henry ang plano kong ito, nahihiya rin kasi ako sa kanya. Pero 10 years na ng huli kong makita si Senorito Heinz.
Kahit nga ang kabayo niya ay lagi kong binibisita noong nasa Santa Fe pa ako. Kinakausap ko ito na parang si Senorito Heinz lang ang kausap ko. Kilala pa kaya niya ako kapag nagkita kami? Ano na kayang hitsura niya? Kasi itong si Henry minsan ay hiningian ko ng picture ng binata ay laging nalilimutan daw niya. Kaya wala akong idea kung ano ang hitsura na niya ngayon. Noong bata pa kami mas lamang ito kay Henry, mas gwapo ito at alam iyon ng kaibigan ko. Minsan nga nagtatampo kasi bakit daw pinupuri ko ang kuya niya eh siya ang bestfriend ko dapat daw nasa kanya ang loyalty ko.
“Ay oo nga pala, best friend mo lang ako. Si kuya nga pala ay mahal mo.” Pang-asar nito sa akin. Totoo naman iyon mahal ko si Senorito Heinz simula pa noon. Kaya ganoon na lang ang iyak ko ng umalis sila. At kaya pala ganoon ay dahil hindi ko na siya makikita pang muli. Dahil kung importante ako sa kanya gagawa siya ng paraan para makita akong muli.
Kaya kapag nalulungkot ako nagsasabi ako kay Manang kung pwede akong mahiga sa papag na tinutulugan ng dalawa. At kapag nandito naman si Henry ay dito ako nakikitulog at sa kwarto ni Senorito ako nagkukwarto. Doon ay may picture ito na malaya kong napagmamasdan. Kinakausap ko pa nga eh dahil namimiss ko na siya talaga.
Si Henry ang nag suggest na sa kwarto na lang ng kuya niya ako matulog kaya tuwing uuwi ito ng Santa Fe ay ipinag-pa-paalam niya ako kanila Mamang at Papang na doon matutulog.
Minsan nga ng matulog ako dito ay napanaginipan ko si Senorito Heinz, sobrang weird ng panaginip ko. Naliligo daw kami sa falls at parehas kaming dalawa na walang suot na kahit anong saplot at naghalikan kami hanggang sa may nangyari sa amin. Mabuti nagising ako. Pawisan ako ng magising at hiihingal. Ewan ko ba madalas ko siyang mapanaginipan siguro lagi ko kasi siyang iniisipp.
Malayo pa ang byahe, nag stop over muna ang bus kaya nagpasya akong bumaba para mag CR at pagkatapos ay bumili ako ng makakain nakaramdam na rin ako ng gutom.
Mabibigla sila sa pagdating ko dahil hindi naman ako nagpasabi sa mga ito. Ayaw kong mag-isip ang mga ito kaya naman pagdating ko na lang doon.
Pagdating ng bus sa terminal ay sasakay na ako ng tricycle at ito ang maghahatid sa akin hanggang sa aming bahay.
Nasa labas si Mamang kaya Nakita agada ko nito. “Anak?” Gulat ito ng makita ako. “Opo Mamang si Elisa po ito.” Sagot ko dito. “Bakit biglaan naman ang pag-uwi mo? Teka kumain ka na ba? Tara doon na tayo sa loob at makakakain ka muna. Matutuwa ang Papang mo kapag nalaman niyang dumating ka.” Patuloy na saad ni Mamang. Masaya din ako na Nakita ko muli si Mamang at tama ang desisyon kong umuwi na lang dito.
“Namiss ko kayo Mamang pati si Papang.” Yumakap pa ako dito at di ko mapigilan ang maluha.
“Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa iyo?” Tanong nito sa akin at sinuri pa ang katawan ko.
“Mang, nag-resign na po ako sa work ko,” wika ko dito sa mababang boses.
“Bakit anong nangyari?” mababakas mo ang pag-aalala sa mukha nito.
“Kasi po Mang, pinag tangkaan po niya ako. Kaya ayun tinadyakan ko po sa alaga niya pati mukha niya.” Galit kong sagot pero hindi kay Mamang kundi sa manyak kong nagging boss.
“Tama ang nagging desisyon moa nak. Kung malapit iyan dito ay pinuntahan ko na at puputulan ko siya ng putotoy,” sabi nito na nanggigil na rin.
“Relax na po Mang okay na po. Hindi na niya ako magagawaan ng masama dahil umalis na po ako doon. Dito na lang po ako sa Santa Fe maghahanap ng trabaho,” habang hinahaplos haplos ko ang likod ni Mamang para kumalma.
“Sino maghahanap ng trabaho?” tanong ni Papang na hindi nya alam na ako ang nagsalita akala niya ay may bisita si Mamang. Kakagaling lang nito sa trabaho.
“Papang nariyan ka na po pala,” niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi. “Ako po Pang, dito na po ako sa Santa Fe at dito na lang po ako maghahanap ng mapapasukan.” Wika ko dito. Hindi ko na muna binanggit ang tungkol sa pag-alis ko sa trabaho ko sa Manila dahil baka mas magalit ito. Hindi papaya ito na may mangyari sa kanyang unica hija.
“Tamang tama ang dating mo, may bakanteng trabaho sa opisina ng mga Sandoval at secretary ang kailangan. Sandali maitext na si Remy para ma-consider ka.” Kinuha nga nito ang cellphone at agad na nagmessage. Sumagot din naman si Miss Remy at pinapapunta ako bukas. Ang swerte ko naman kahit minalas ako sa dati kong amo ay heto at sa bayan pa namin, at sa pamilya pa ng bestfriend ko.
Pinagpahinga na ako nila Mamang at Papang dahil sa layo ng byinahe ko at maagap pa ako bukas pupunta sa opisina ng Sandoval para madala ang mga papel ko. Sana ay matanggap ako.