HEINZ'S POV
NAGPASYA akong mag-ikot muna ng hacienda kaysa magtulog. Na miss ko talaga ang lahat dito.
Pinuntahan ko si Spade ang aking kabayo sa kwadra nito. Mas lalo itong gumwapo. Ang ganda ng tindig nito, tulad ng mga ginagamit sa karera.
Kilala pa ako nito kahit 10 years kaming di nagkita. Kilala niya ang haplos ko. Ilang sandali lang ay sinakyan ko na ito. Sinamahan ako ni Alfon sa pag-iikot. Siya ang nag-aalaga sa mga kabayo lalo na kanila Jack at Spade.
Sa pag-ikot namin madami na nga ang nagbago. Pero hindi sa palibot ng aming bahay dito. Napapaligiran ang aming bahay ng iba’t ibang puno kaya naman napaka presko pa rin sa loob ng aming bahay. Ngunit kahit presko ay pinalagyan na rin ni Daddy ng aircon ang mga rooms. Iba na daw ang klima dito.
Noong bata pa kami kasama namin si Elisa na natutulog sa may terrace ng bahay. May papag doon kung tawagin nila Manang, gawa sa kawayan iyon. Presko kasing higaan.
Dalawang papag iyon isa para sa amin ni Henry at ang isa ay kay Elisa at Manang. Sa pagbabantay niya sa amin minsan nakakatulugan na rin niya. Paggising namin may nakahanda na itong masarap na meryenda. Paborito namin ang luto ni Manang na banana que at maruyang saging. Saging na saba iyon na may flour at kaunting asukal saka pampa-alsa .
Kailangan naming matulog dahil kung hindi, walang laro sa hapon. Simple pero masaya. Pinapayagan naman si Elisa ng magulang niya dahil si Manang na ang nagsasabi sa magulang nito at inaalagaan naman talaga si Elisa dito sa amin. Hanggang sa school kaming tatlo lagi ang mag-ka-kasama. Madalas pala silang dalawa ni Henry dahil magkaklase sila.
Ang alam nga sa school ay mag-nobyo ang dalawa dahil lagi silang sweet. May mga oras na sila lang dalawa ang nag-uusap at bale wala ako sa kanila. Bilang matanda kailangan ay intindihin at unawain ko sila. ‘Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Manang sa akin. Minsan naririnig ng dalawa kaya lumalaki ang mga ulo.
Nalungkot din ako noong umalis na kami dito at pinalipat na kami ni Daddy sa Manila dahil ako ay mag-ko-kolehiyo na.
‘Yon pala ay sa ibang bansa ako papag-aralin. Pero si Henry ay dito lang sa Pilipinas, ayaw daw nito sa America. At dahil bunso ginamit nito ang kanyang charm kay Mommy.
Noong una, nahirapan akong mag-adopt sa culture doon but as time goes by ay na-enjoy ko na rin. May mga kaibigan din kasi akong Pinoy doon. Hindi ko sure kung totoo ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na susunod daw sila dito para madalaw ako at makarating dito sa amin sa Santa Fe.
Tatlo sila na makukulit kapag mag-ka-kasama. Si Josh, Andrei, at si Ben. Bigla ko tuloy namiss ang tatlong ugok. Nakilala ko sila since College days. Kaya ko nakilala si Sylvia dahil kaibigan ito ng girlfriends ng mga ito. Tuksuhan lang tapos ayon isang gabi may nangyari sa amin ni Sylvia at kinabukasan kami na daw.
Maganda si Sylvia, mestisahin rin siya. Maganda ang mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Magaling din siyang makisama kaya nag-ja-jive naman sila ni Mommy sa tuwing umuuwi ako na kasama siya.
Kaya lang sa relasyon hindi naman puro ganda lang, Madalas kasi napaka immature nila pagdating sa relationship lahat pinag-se-selosan. Noong bago pa lang kami inaamo ko pa ito kapag nag-ka-ka-tampuhan kami. Ngunit habang tumatagal hindi ko na ito sinusuyo.
Kaya kapag hindi kami okay, ay kahit pala kami okay minsan nagagawa ko na ang makipag-landian sa ibang babae. Hindi ko alam kung may panahon ba nasabi ko kay Sylvia na mahal ko siya. I like her, yes pero hanggang doon lang at wala ng iba. Hindi ko siya makita as a wife material kaya isa din iyon sa dahilan para hindi totally mahulog ang loob ko sa kanya.
Minsan nga feeling ko we’re f*****g buddies lang eh. Kapag kailangan naming I release ang init ng aming katawan ay okay kami. Madalas ganoon lang, si Sylvia ang naka-una sa akin. Totoo dahil hindi na siya virgin ng may mangyari sa amin. Ako ang virgin at siya ang first ko sa kama pero hindi ko sinabi sa kanya iyon. Siya ang nagturo sa akin kaya ngayon masasabing bihasa ako pagdating doon. Madaming babae kaming nakikilala lalo na at gumigimik kami ng mga kaibigan ko. Syempre for the boys iyon wala namang nagsasabi sa mga girlfriends namin kung ano ginagawa naming apat kapag magkakasama kaming gumimik.
Ang layo na pala ng naountahan naming. Nandito kami sa mataas na bahagi at kitang – kita dito ang Santa Fe. Maganda itong gawing tourist spot. Makikita din ang mga factories na ilang taon pa lang nagsimula.
Ilang minuto lang ang aming itinagal sa lugar na iyon. Babalik na lang ako sa ibang pagkakataon.
“Alfon, alam mo ba ang lugar ng falls?” tanong ko dito sa binata. Alam ko pa naman kung saan iyon kaya lang baka nagbago na ang daan.
“Opo Señorito Heinz alam ko po. Pero bawal po kami doon.” Tugon nito sa akin. Totto iyon dahil Pinaki-usapan ko si Daddy na ilimit ang mga pwedeng pumunta doon.
“Sige samahan mo ako na pumunta doon ngayon. Gusto ko itong masiilip. Kasama naman kita kaya makikita mo ang ganda ng lugar na iyon. Pasensya na dahil napaka-espesyal ng lugar na iyon sa amin.” Turan ko dito.
Pakiramdam ko halos mag-ka-edaran lang kami ni Alfon. Ang mga magulang nito ay trusted na rin ng family namin kaya hanggang sa ka-anak-anakan ay nandirito pa rin. Libre silang magtayo ng bahay sa designated place na ibinigay ni Daddy sa mga nandirito sa Santa Fe.
Medyo madamo at matataas na ang talahib sa dinaanan namin ni Alfon. Kailangan kong ipalinis ang daan patungo sa falls, para kahit mag-isa ako ay hindi naman nakakatakot ang daraanan. Mahirap nab aka may mga ligaw na hayop dio o kaya ay baka binabahayan na ng mga ahas at sawa.
Narating namin ang lugar at di napigilan ni Alfon ang mapahanga. “Ang ganda pala ng lugar na ito, Senorito,” baling nito sa akin.
“Yes this place is truly amazing. Kaya naman ay hindi namin ito maishare sa iba. I’m sorry for that Alfon.” Wika ko dito. Alam ko na hindi lang ito ang falls dito sa Santa Fe meron pang falls na mas Malaki dito at accessible sa lahat.
“Okay lang po iyon Señorito, meron naman falls po doon sa kabilang dako po nito. Mas Malaki po iyon dito. Pinag-kaiba lang po tahimik po dito at napaka-ganda ng paligid bukod sa falls.” Magalang nitong wika sa akin.
Gustohin ko mang tumalon sa tubig ay hindi na lang muna. Medyo dumidilim na. Kaya niyaya ko na si Alfon na bumalik na kami sa aming bahay.
Ang dami ng nagbago sa lugar ng Santa Fe, si Elisa kaya? Nagbago na rin o may ipinagbago na?