ELISA'S POV
MAAGA AKONG gumising para maka-pag-handa ng maaga papunta sa opisina ng mga Sandoval. Paglabas ko ng aking silid ay naka handa na ang pagkain sa hapag-kainan.
“Elisa anak, maupo ka na dyan at kumain ka ng maigi. Kailangan busog ka, hindi mo alam kung anong oras ka matatapos doon.” Sabi ni Mamang.
“Kayo po Mang? Sabay na po tayong kumain. Nasaan po pala si Papang?” tanong ko kay Mamang.
“Maagap umalis ang Papang mo, saka nauna na kaming kumain. Sinabayan ko ang Papang mo kanina. Sabi pal ani Papang mo hanapin mo si Miss Remy,” turan sa akin ni Mamang.
Alam ko kung saan ang Building ng Sandoval Corp. Inc. pero hindi ko pa napapasok ang loob niyon. Hindi naman pumupunta doon ang magkapatid noon. Sa malaking bahay lang sila naglalagi dahil nasa Manila ang parents nilang dalawa.
“Mang tapos na po akong kumain, aalis na po ako.” Paalam ko kay Mamang na nagsasalang ng labahin sa washing machine. Si Papang lang ang nag-wo-work si Mamang ay sa bahay lang. Simple lang ang buhay naming mag-anak. Si Papang ay nagtatrabaho sa mga Sandoval. Ngayon ay sa factory siya ng gawaan ng alak na basil. Madami na ang taga-rito na nagkaroon ng magandang buhay dahil sa trabaho na nagawa simula ng magkaroon ng mga factories dito.
Pagkarating ko sa Sandoval Building ay hinanap ko si Miss Remy. Siya pala ang head ng Human Resource Management Office dito. Akala ko ay basta staff lang ito dito. Hindi nabanggit ni Papang na may mataas pala itong katungkulan.
Pinapasok ako nito sa opisina niya at siya na rin ang nag-interview sa akin. Isa si Henry sa inilagay kong reference person. Kaya natanong ako ni Miss Remy kung paano ko nakilala si Henry. Nagkwento ako sa kanya ng ilang bagay tungkol sa amin ni Henry. Hindi ko naman mailagay ang pangalan ni Senorito Heinz dahil wala naman siya dito sa bansa. Paano siya tatawagan? Saka mas kilala siya ni Henry kaya ito ang nilagay niya.
Natapos ang interview ko at tatawagan na lang daw ako kung tanggap ako o hindi. Urgent hiring ang position ng secretary kaya may chance ako dahil wala pa daw nag-aapply kahit nag-post daw sila. Kaya hoping ako na matanggap ako para sa nasabing position.
Nagpasya na lang akong maglakad habang pauwi. Namiss ko rin ang probinsya ng Santa Fe kahit dalawang buwan pa lang siya dito nawala. Ang ganda talaga dito at tahimik. Kaya kung magkakapamilya ako sa future ay dito ko gusting tumira. Kaya lang matanda na ako, 25 years old na ako. Tapos wala pa ang lalaking gusto ko. May mga nanliligaw naman sa akin dito pero hindi ko pinapansin dahil wala akong matipuhan. Sabi ni Henry kapag may nagustuhan ako ay kailangan niya munang estimahin kung papasa sa kanya. Hindi niya daw ako pwedeng basta ipagkatiwala sa iba. Daig pa ang magulang ko noon.
Kaya maraming nag-isip na boyfriend ko ito dahil napaka over protective sa akin. Kailan ko kaya uli ito makikita, Namimiss kong gumala sa Santa Fe na kasama itong nangangabayo. Nililibot naming itong dalawa gamit ko si Spade at siya si Jack. Marinig lang ako ni Spade ang boses ko ay agad itong lumalapit sa akin. Gusto ko sanang puntahan ito ngayon kaya lang ay naka palda ako. Sa ibang araw na lang. Pinag-patuloy ko na ang paglalakad hangang sa marating ko ang bahay.
Tapos na si Mamang maglaba kaya ako na ang nagsampay kahit gusto ni Mamang na magpahinga na muna ako. Wala naman akong gagawin kundi ang maghintay ng tawag ni Ma’am Remy. Sana ay matanggap ako dahil nahihiya ako kanila Mamang kung magiging tambay lang ako.Iginapang pa naman nila ang pag-aaral ko.
Hindi ako kaagad naka-pasok ng kolehiyo dahil wala kaming pera. Nagkasakit si Papang at kailangan niyang maoperahan sa puso kaya nabaon kami sa utang. Sinabi ko kanila Mamang na pwede naman ako mag-aral kahit may edad na ako. Kaya naghanap din ako ng trabaho para kahit paano ay makatulong sa magulang ko. Pero nila Mamang ginalaw pala ang pera na ibinibigay ko sa kanila, itinabi niya ito. At iyon ang ginamit ko para makapasok sa kolehiyo. Iyon din ang taon na nagkaroon ng mga factory dito at napasok si Papang. Maganda na ang nagging position niya kaya naman nagtuloy-tuloy na ang pag-aaral ko at nakabayad kami sa mga utang. Hindi ko ikinuwento kay Henry iyon kaya nagtampo ito sa akin. Hindi man lang daw niya ako natulungan sa panahon na kailangan ko ng kaibigan.
Wala akong kaibigan dito, simula ng bata ako ay wala akong mga kaibigan. Kung hindi pa Nakita ng mag-kapatid na inaaway ako ng mga bata ay hindi ako magkakaroon ng mga kaibigan, Kahit masungit si Senorito Heinz ay kaibiigan pa rin ang turing ko sa kanya. Si Henry kasi ay napaka-down to earth. Hindi kko naramdaman na anak ito ng mayaman kung ituring ako. Minsan naisip ko ang swerte ng babaeng mamahalin ng kaibigan ko.
Saka ko na lang pasyalan si Manang sa malaking bahay ng mga Sandoval. Para an rin akong anak ni Manang at siya naman ang pangalawa naming magulang. Ang bait ni Manang lagi kaming ipinagluluto ng masasarap na pagkain. Lalo na ng maruya na paborito naming tatlo. Pinapatulog pa kami ni Manang tuwing hapon, Naka bukod ang higaan ko sa dalawa. Sila ang magkatabi at ako mag-isa sa papag pero kapag makulit kami binabantayan kami ni Manang habang hawak ang kanyang pamalo. Minsan nga nauuna pa itong matulog sa amin eh. Minsan na rin kaming napalo ni Manang ng itago naming ang wallet niya. Si Henry talaga ang naka-isip noon pero damay kami ni Senorito Heinz. Madam inga lang ang kay Henry kaya umiyak ito. Sinabi naman ni Manang ang reason ng pagpalo kaya nagtanda na kami noon na huwag mangi-alam ng gamit ng iba kahit pakalat-kalat pa ito. Ilagay sa safe na lugar para pag may naghanap ay madaling makukuha.
Kung hindi kaya umalis ang mag-kapatid dito, magiging close din ba kami ni Senorito tulad naming ni Henry? Magustuhan niya kaya ako at hindi niya makikilala ang girlfriend niya. Sabi ni Henry modelo daw ang girlfriend ng kuya niya. Niloloko pa ako na mas Maganda pa daw ako doon kung mag-aayos daw ako.
Hindi kasi ako konportable na maglagay ng kung anu-ano sa mukha. Powder at minsan nakakapaglagay ako ng lipstick kapag trip ko lang pero bihira iyon. Mapula naman ang labi ko, kagatin ko lang ay pumupula na ito agad.
Hindi ko namalayan ang oras hanggang maramdaman ko na nag-va-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Tumatawag si Miss Remy. Ibinigay nito ang kanyang number para daw kung gusto kong mag-follow up ay imessage ko lang siya.
“Hello po Ma’am Remy!” magiliw kong sagot dito.
“Hi Miss Aragon! I called you to inform you that you passed the interview. You are hired as secretary. You will be reporting on Monday at 8 in the morning. Pero bago iyon magkakaroon ng welcome party sa bagong President ng Sandoval Corp. Inc. and you are invited para makilala mo ang magiging boss mo.” Paliwanag nito sa akin. “By the way formal ang event sa Sunday. You need to wear formal attire. See you then,” at ibinaba n anito ang tawag.
Hindi pa rin siya makapaniwala na natanggap na siya sa bagong trabaho in just one day may work na siya uli. Kung anuman ang naranasan niya sa Manila ay hindi niya iyon mararanasan dito dahil sa pamilya ng kaibigan niya ang Sandoval Corp, Inc. Sino kaya ang papalit na Presidente kay Senor Honrado ang daddy ng mga kaibigan niya. Mabait din ang mag-asawa ng minsan siyang ipakilala ng mag-kapatid sa magulang nila. Ito nga din ang sumagot sap ag-aaral niya noong high school kahit umalis na ang dalawa sa Santa Fe. Private school iyon at mahal ang tuition. Kaya noong College ay tinanggihan na niya dahil wala na rin naman ang mga kaibigan niya. Hindi niya lang akalain na may mangyayaring masama sa Papang niya.
May pera pa naman siyang naitatabi kailangan pala niyang pumunta sa bayan at maghanap ng damit na maisusuot sa welcome party.
“Mamang, “ tawag niya sa kanyang ina kaya naman napalabas bigla ito.
“Bakit anak anong nangyari?” tanong nito na nag-aalala.
“May trabaho na po ako uli, at sa Monday na po ako mag-uumpisa,” masaya kong balita dito. Kaya tuwang tuwa din si Mamang.
“Pupunta po muna ako sa bayan Mang, hahanap po muna ako ng maisusuot para sa paty na gagawin sa Sunday. Ipapakilala daw po ang papalit kay Senor Honrado kaya may welcome party daw po. Alis na po muna ako Mang para hindi po ako gabihin.” Paalam ko na kay Mamang.
“O sige, huwag kang mag-pagabi at mag-iingat ka. May pera ka pa ba? Meron ako dito baka kailangan mo.” Napakabait talaga ng Mamang ko.
“May pera pa po ako dito Mang. May naipon pa po ako.” Sagot ko dito at para makaalis na rin ako.
May mga nagpaparenta ng damit sa bayan, kailangan ko ng makahanap para malabhan. Dalawang araw na lang at Linggo na kaya hindi na niya pwede pang ipagpabukas.
Imemessage niya mamaya si Henry para ibalita sa kanya ang pagpasok ko sa Sandoval Corp, Inc. Sa ngayon need ko ng mag-madali at para maabutan ko pang bukas ang palengke.