Chapter 35

1412 Words

NAIINIP NA SA HACIENDA ANG MGA KAIBIGAN KO kaya naman ay naisipan ko silang dalhin sa plaza. Si Eliza ang nag tour sa akin sa lugar na ito. Sunday ngayon at sabi ni Elisa ay may banda dito sa ganitong araw dahil sa nalalapit na kapistahan. Nagsisimula ng dumilim kaya naman paparami na rin ang mga tao. Naghanap kami ng makakainan kaya lang ay ayaw ni Sylvia dahil marumi daw ang mga tinda dito. Hindi ko lang sa kanya masabi na masarap ang mga pagkain dito at baka magtanong pa ng kung anu ano at malaman pang si Eliza ang kasama ko. Pag initan pa niya ang dalaga. Sa isang fast food chain kami pumasok para dito kumain, mapagtyatyagaan pa daw niya ito sabi ni Sylvia kaysa sa mga pagkain na nasa tabi – tabi. Maarte talaga siya sa lahat ng bagay. Sa second floor na kami naka hanap ng mauupuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD