Chapter 1

1378 Words
HEINZ'S POV NAGISING ako na pinagpapawisan. Napanaginipan ko na naman siya. Ilang beses na itong nangyari. Dumating ako kaninang tanghali dito sa Santa Fe. Nauna na ako kanila Daddy dahil mas gusto ko ang ambiance dito. Napakasarap ng sariwang hangin. Ako si Heinz, anak ni Honrado at Conchita Sandoval. Halos sa pamilya namin ang buong lugar ng Santa Fe. Kakauwi ko lang galing America. Kahapon ako dumating at natulog lang ako sa Manila. Kaninang umaga ay inihatid na ako ni Mang Cardo dito sa Santa Fe. Dito kami lumaki ng aking kapatid na si Henry. After ten years ngayon lang ako muling nakatapak dito. Sa America ako nag-aral ng College at nag-masteral na rin ako. Sa tuwing umuuwi ako ng bansa ay di rin ako nakakapasyal dito. Sumasama kasi ang on and off girlfriend ko na si Sylvia Montes. Sylvia is a Filipino citizen who grew up in America and where her family chose to live. Sylvia has adopted the culture of America. Umalis ako ng bansa na hindi kami okay. Alam ko na hindi lang ako ang lalaki niya. At ganoon din ako. May nakaka-fling din ako kapag wala siya sa paligid ko. Hindi ako makapunta dito dahil sa kanya. She said she couldn't handle the provincial life. I want to grow old here with my future wife. And build my own family here. Kung saan malayang makakapaglaro at makakatakbo ang magiging mga anak ko. Tulad naming magkapatid noong mga bata pa kami. Marami kaming memories ng kapatid kong si Henry kasama ang kaibigan naming si Elisa. Kumusta na kaya Siya? Ano na ang hitsura niya ngayon. Sabi ni Manang nasa Manila daw ito at doon nagtatrabaho. Hindi na ito nababanggit ni Henry. Possible na nagkikita Sila dahil nasa Manila ang bahay namin doon. Sa gitna ng siyudad. Nililigawan ito ni Henry noon pa man. Kaya sigurado ako na baka sila na nga eh. Tahimik lang ang kapatid ko. Di bale malalaman ko pagdating nila dito. Hindi pa rin kami nakakapag-usap nito. Busy ito sa business ni Daddy sa Manila. Doon siya at dito naman ako. Naalala ko noon pinagtutulungan pa ako nung dalawa, ni Henry at ni Elisa. Magkakampihan tapos sa huli sila pa magsusumbong kay Manang. Kesyo ang tanda ko na daw tapos pinapatulan ko daw sila. Kapag pinagalitan na ako ni Manang sabay pa akong pagtatawanan. I'm 28 years old at yung dalawa ay parehas 25 years old. Kaya mas magkasundo sila. Madalas nagbubulungan Sila pag tinanong ko wala daw. Wag na akong makisali. Kung hindi lang magagalit sila Mommy at Daddy noon ko pa gusto saktan ang isang iyon. Makasabi silang matanda na ako, tatlong taon lang ang difference ng age namin. Si Manang ang bantay dito sa hacienda. Siya ang mayordoma dito kaya hindi siya hirap sa trabaho niya. Noon lang siya laging stressed sa amin kapag nag-aaway kami ni Henry o kaya ay nagkukulitan. Si Manang Nita ay tumanda ng dalaga sa paninilbihan sa aming pamilya. Kaya hindi na rin iba ang turing namin dito. Mahal na mahal din kami ni Manang. Parang tunay na anak din ang turing niya sa amin. Wala na ang magulang nito at dito sa Santa Fe rin siya lumaki. Ang magulang nito ang dating katiwala nila lolo at lola, kaya naman ng tumanda na si Manang siya naman ang pumalit sa mga ito. "Heinz, kumain ka na muna. Natulog ka ng hindi ka pa kumakain. Ipinaghanda pa naman kita ng paborito mong tinola gamit ang native na manok," wika nito sa akin. "Okay po Manang sunod na po ako," tugon ko dito. "Dalian mo at lalamig na ang sabaw," paalala pa nito. Kaya naman ay tuluyan na akong tumayo at sumunod dito. Ang dami kong nakain, ang sarap talaga ng native na manok. Kahit bilyonaryo ang pamilya namin ay natuto kaming mamuhay dito ng simple. Noong bata pa kami ni Henry ay nakikisali kami sa mga batang naglalaro. At doon namin nakilala si Elisa. Inaasar ito ng mga kalaro niya, kaya umiiyak. Hinamon ko pa ng suntukan yung mga bata kaya napagalitan ako ni Manang. Masama daw makipag-away. Pero pag yung dalawa ang nang-away sa akin, okay lang. Kapag gaganti ako bawal. Ang gulo nila kaya hinayaan ko na lang yung dalawa sa tuwing iniinis Ako. Masaya ang kabataan namin dito. May mga lugar dito sa hacienda na kami lang tatlo ang nakaka-alam. Lalo na kapag gusto naming magtago. Kahit si Manang noon ay pinagtataguan namin. Minsan nga akala namin iiyak ng naisipan naming itago ang kanyang wallet. Nandoon daw kasi nag kanyang mahahalagang IDs . Mahirap daw kumuha ng bagong ID kapag nawala iyon. Hinalungkat na niya ang buong silid niya at posibleng pinuntahan noong araw na iyon pero hindi pa rin niya nakita. Kaya ng sinabi namin it's a prank, pinadapa kaming tatlo at pinalo kami sa puwetan. Pagkatapos naman niya kaming paluin ay ipinaliwanag niya bakit kailangan niyang gawin iyon. Kailangan daw tandaan namin na masama yung ginawa namin na pagtatago ng gamit ng iba. Alam nila Mommy at Daddy iyon dahil sila ang nagbigay ng permiso kay Manang na disiplinahin kami ng tama. Kapag may mali kaming ginawa ay dapat parusahan kami. Kaya kahit napapalo kami ay hindi kami nagtatanim ng sama ng loob dito. "Iho sa Linggo na pala ang party na inihanda ng Daddy mo para maipakilala ka sa mga nasasakupan ng Santa Fe." Imporma sa akin ni Manang. " Kaya nga po Manang, gusto ko lang naman simple o kaya kahit wala na. Basta kasama ko lang kayo masaya na po ako," tugon ko kay Manang. Totoo naman iyon kasi kilala na naman ako ng mga taga Santa Fe kaya lang inimbitahan din nila Daddy ang mga kaibigan nila sa business world. Ako ang mamamahala sa lahat ng pagkakakitaan dito sa hacienda at ang planong pagpapalago ng mga businesses namin dito sa Santa Fe. May mga itinayo na rin kasing factories dito. Noon kung ibinebenta ang mga na harvest na tubo, ngayon kami na ang nag-pa-processed ng mga ito. Bukod sa asukal ginagawa din itong alak. Kaya mas dumami ang trabaho dito sa hacienda. Isang factory pa lang iyan. Lahat ng mga prutas na nahaharvest dito ay kami na ang nagpoproseso hindi tulad noon na may mga umaangkat sa amin ng mga sariwang prutas at mga gulay " Manang, secured pa rin po ba ang falls?" tanong ko dito. Hindi kasi ito pinupuntahan ng ibang mga taga dito dahil alam nila na madalas kaming mag stay sa lugar na iyon. Para itong isang sanctuary namin kapag gusto namin makapag-isip ng tama. At mapag-isa. Ito ang falls na nakita ko kanina sa aking panaginip. Parang totoo ang lahat pero impossible iyon dahil si Elisa ay para kay Henry. " Oo naman iho, hindi yon ipinapagalaw ng Daddy ninyo," sagot muli nito sa tanong ko. " Mabuti naman po kung ganoon. Iyon ang isang lugar dito na ayaw kong masira. Gusto ko itong mapanatili na animo ay virgin falls. Kung may virgin islands ito naman ang virgin falls dito sa Santa Fe. " Kumusta na po si Spade? Naalagaan po ba ng maayos?" muli kong tanong dito. " Ayos naman, bisitahin mo baka namimiss ka na noon, bihira ang sinasamahan niyon," tukoy nito sa aking kabayo. Si Spade ang paborito kong kabayo. Meron ding sariling kabayo si Henry. Si Jack ang kulay itim na kabayao. Si Spade ay kulay puti at may kulay brown itong hugis spade sa pagitan ng dalawang mata nito. Kakabili lang ni Daddy sa mga kabayo noong bago Ako umalis sa lugar na ito. Dito kami nag-aral ng high school sa bayan ng Santa Fe kasama si Elisa. Si Elisa ay anak ng mag-asawang nagtatrabaho dito sa hacienda. Alam ko nasa pabrika na ang ama ng dalaga. Nag-iisang anak lang si Elisa kaya nga ng mapalapit ito sa amin, tuwang - tuwa si Manang dahil kumpleto na daw ang alaga niya. May lalaki at babae. Halos dito na tumira si Elisa. Naalala ko pa ng umalis kami dito ni Henry at umuwi na ng Manila, iyak ito ng iyak. Mamimiss daw niya kami. Ganoon din kami ni Henry. Ibang - iba ang lugar na ito sa bahay namin sa Manila. Akala lang ng iba iyon pero para sa akin mas masarap manirahan sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD