Chapter 38

1427 Words

PAGKATAPOS NG PALITAN NAMIN NG MESSAGES NG kapatid kong si Henry ay nagpasya na akong mag ready para sa pagpasok sa opisina. Agapan ko para mas mauna ako kay Elisa, gusto ko sana maka-usap ito pero paano ko uumpisahan. Pagdating ko ng opisina ay natanaw ko agad ito pagpasok ko pa lamang ng pinto. Mas maagap siya sa akin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadaan ako sa harapan niya. “Good morning Sir!” bati nito sa akin. Binati nga ako pero nakatungo naman siya. “Good morning Elisa!” sa isipan ko lamang dahil para naman wala sa loob niya ang pagbati sa akin. Pumasok ako sa aking kwarto at nagtaka ako kung bakit naka baba ang blinds. Malamang ang utility dito ang nagbaba. May utility kasi ang company pero madalas si Elisa ang gumagawa sa mga kailangan ko dito tulad ng kape

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD