Chapter 7

1208 Words
HENRY'S POV NAKATANGGAP ako ng tawag from Miss Remy ang head ng HR Department ng Sandoval Corp. Inc. na nasa Santa Fe. Ako kasi dito sa Manila at may head din ng HR Department dito. Nakalagay daw ang pangalan ko as character reference. I asked her, kung sino ang applicant. When I heard, Elisa’s name ay natuwa ako at the same time ay may pag-aalala. The last time I checked on Manang nasa Manila daw ito dahil tinanong ko si Manang kung nadadalaw ba ito sa bahay. Hindi daw dahil narito daw sa Manila at nagtatrabaho. Hindi ko siya minessage dahil gusto ko siya ang magsabi sa akin. Ngayon palaisipan kung bakit nasa Santa Fe siya ay nag-apply for work. Alam na kaya niya? Na nasa hacienda na si Kuya Heinz? Nagkita na ba sila? Kay Miss Remy ako kumuha ng information. Tinanong ko ito kung alam b ani Elisa na si kuya ang magiging boss nito? Sagot ni Miss Remy ay hindi daw. Kaya sinabi ko na tanggapin ito sa position na inapplayan ng dalaga at huwag sasabihin kung sino ang magiging boss nito. Pina-invite na rin niya ito para sa welcome party na gagawin sa Sunday. Hindi na lang niya muna ito dadalawin sa bahay ng dalaga na nakasanayan na niyang gawin sa tuwing umuuwi siya ng Santa Fe. Masaya siya na magkasama ang dalawa sa trabaho. Pero ang ugali kasi ng kuya niya na napaka-sungit kahit halata naman na nag-aalala siya sa dalaga ay pilit nitong itiniatago. Magugulat ang kuya niya kapag Nakita si Elisa dahil mas lalong gumanda ang dalaga. Hindi niya lang talaga magawang mahalin ang dalaga ng higit pa sa mag-bestfriend. Ewan ko ba, lahat naman ng qualities na gugustuhin mo sa babae ay nasa kanya na. Pinaka-gusto niya kay Elisa ay napaka-simple at mabuting tao kahit na ang sabihin ay wala itong kaibigan kundi sila ng kuya niya at madalas masungit pa kaya lumalabas na sila talaga ang best of friends. Kung malalaman lang ng kuya ko ang mga secrets naming ni Elisa ay baka mabugbog pa ako n’on. Ibinebenta ko kasi siya kay Elisa, at sa hacienda sa kwarto niya pinapatulog ko si Elisa. Wala naman pati siya at hindi ko alam kailan siya mag-stay dito o hindi na. Pero nitong sinabihan siya ni Daddy na gusto na nitong mag-retire bilang President ng Sandoval Corp. Inc. wala na siyang choice kundi ang bumalik dito at pamahalaan ang sangay ng Sandoval Corp. Inc. na nasa Santa Fe. Ngayon doon na siya mag-stay. Iyon kasi ang pangarap ni kuya ang manirahan sa Santa Fe kaya high school pa lang kami ay nabanggit niya iyon kay Daddy. At totoo naman dahil nang I offer ni Dad sa kanya iyon ay walang pag-da-dalawang isip na tinanggap niya ang offer. Para ngang excited pa si Kuya Heinz. Alam ko rin na nag-ka-ka-labuan si Kuya at ang girlfriend nitong si Sylvia. Naikwento ko ito kay Elisa pero hindi ko sinasabi sa kanya na ayaw ko kay Sylvia. Kapag nag-ba-bakasyon sila dito sa Pilipinas noon, niyayaya ko si Kuya na umuwi ng Santa Fe. Kita ko ang ningning sa kanyang mga mata kapag nabanggit ang Santa Fe, kaya lang dahil kay Sylvia ay hindi kami natutuloy. Hindi daw ito makakatagal doon sa probinsya. Kaya ang ending madalas ako na lang ang umuuwi pag-ka-alis nila kuya. Alam ko na sa tuwing umuuwi ako ay may ibang hinahanap ang aking kaibigan. Tipid lang ang mga sinasabi ko sa kanya about kay Kuya. Pati nga social media account ni Kuya ay hindi ko sinabi sa dalaga. Puro tagged post lang din naman dahil hindi naman mahilig ang kuya niya doon. Naka masaktan lang ito sa mga makikitang pictures nil ani Sylvia. Pati nga ang alagang kabayo ni kuya ay si Elisa ang nag-aalaga pati rin naman si Jack ay inaalagaan nito, Sabi nga niya sana daw ay maikot naming tatlo ang Santa Fe, na kaming dalawa ay laging ginagawa iyon kapag umuwi ako doon. Minsan malihim din ang isang iyon. Naitago niya sa akin na nagkasakit ang Papang niya ng malubha. Na nagtrabaho pala siya at hindi agad naka-pag-aral ng Kolehiyo. Nagkataon naman ng mga panahon na iyon ay abala ako sa pag-aaral. At kapag umuuwi ako ay nag-li-leave pala ito sa trabaho para hindi ko mahalata. Wala akong nagawang tulong kundi ang mabigyan ng magandang position ang Papang niya sa kakasimulang factory noon sa Santa Fe. Hindi na rin dapat malaman iyon ni Elisa dahil qualified naman ang Papang niya para sa position. Sinecure ko lang na sa kanya iyon mapunta dahil may iba pang applicants. Pabor sa akin na nilagay ako ng kaibigan ko sa character reference dahil lahat ng tungkol sa kanya at pagdating sa attitude ay kilala ko siya. Kaya ko siyang idepensa na hindi ako mapapahiya. Graduate siya ng kolehiyo at ang mga unang taon niya dito ay sariling pera ang pinangtustos niya. Nakaka-proud lang na may kaibigan akong tulad niya. Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nagkita kami sa Sunday at malaman niya na si Kuya Heinz ang bagong Presidente ng Sandoval Corp. Inc. at ang mamahala ng hacienda. Ako ang position ko ay Vice President lang pero dito sa Manila ako ang tumatayong CEO. Hindi na natuloy agad ang pag-uwi naming sa Santa Fe. Dapat noong Wednesday ay susunod kami kay Kuya. Nagkataon naman na may biglaang imprtatnteng meeting si Daddy sa malaking investor. Ngayon sana uli kaya lang ay ako naman ang may kailangang tapusin hanggang bukas. Pinapauna ko na nga sila Mommy at susunod na lamang ako pero ayaw naman nila. Sabay na lang daw kaming tatlo at mag chopper na lang kami. Kami kasi ni kuya mas gusto naming mag-byahe ng by land. Nakakatuwa kasi ang mga dinadaanan naming. Naaaliw kami sa ganda ng Santa Fe. Si Mommy dahil may edad na sila ni Dad hindi na advisable ang matagalang byahe. Kung chopper saglit lang mga 30 minutes ay nasa Santa Fe na kami. Saturday na ang punta naming tatlo dahil Sunday naman ang event. Sabi ni Manang ay abala naman daw si Kuya sa paglilibot doon. Pinapaayos daw ang daan papunta sa falls dahil puro na talahib at may surprise daw si Kuya na ginagawa sa falls. Ano iyon? May secret din sila ha! DI bale malalaman ko din iyon sa Sabado. Favorite spot naming ang falls. Kaming tatlo nila Elisa. Kahit masungit si Kuya lagi rin naman siyang dumidikit sa amin. Kaya tatlo pa rin kaming mag-ka-kaibigan. Hindi ko alam kung napapansin ni Elisa ang mga nakaw na tingin sa kanya ni Kuya Heinz. Ako kasi nakikita ko iyon pero hindi sapat para sabihin ko sa kaibigan ko. Ayaw kong mabuhay ito sa false hope. Pero kung may magagawa ako para mapa-amin ang kuya ko sa feelings niya for Elisa, I am 100 percent willing to participate. Si Manang ang tinatanong ko dahil hindi naman sumasagot si Kuya sa mga tawag ko. At napaka-iksi lang kung sumagot man ito. Kaya si Manang na lang ang kinukulit ko. Hindi ko rin binanggit na nasa Santa Fe na si Elisa, malalaman lang ni Manang iyon kapag si Elisa ang mismong pumunta sa hacienda. I’m so excited for Sunday. Kahit anong suotin ni Elisa ay pihadong mapapanganga ang kuya Heinz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD