Chapter 39

1339 Words

WALA KAMING IMIKAN NI SYLVIA habang nasa sasakyan. Baka masigawan ko pa ito sa sobrang galit ko sa kanya.. Pumunta ng office ng walang pasabi tapos kung umakto akala mo ay nasa isang silid kaming dalawa na kami lang ang tao. At kung makapag-utos pa ay daig pa ang amo. Sa America ay wala naman katulong kaya marunong siya dapat magligpit dahil ako ay natutunan ko iyon doon ng mamuhay akong mag-isa. Mayaman ang pamilya namin pero hinayaan ako ng magulang ko na matutong kumilos sa loob ng bahay. Hindi ko man ginagawa dito sa hacienda dahil madami ditong kasama at sila mismo ay hindi pumapayag na kumilos ako sa bahay. Wala na talaga akong magagawa sa pananamit nito dahil lahat talaga ng damit niya ay maiiksi at fit sa katawan. Oo, kasi modelo siya pero ngayon na nandito siya ay inilugar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD