HEINZ'S POV
PAGKATAPOS naming maghapunan ni Manang ay nagtungo na ako sa aking kwarto. Tiningnan ko ang aking cellphone at tiningnan ang sinasabi ni Manang na tumatawag daw si Mommy.
May mga missed calls nga at meron ding international calls. Nakapatay ang aking social media account, sinadya ko ito para may reason ako kay Sylvia na mahirap ang signal dito. Noong araw iyon pero hindi sa panahong ito. Nagawa ko pa ngang makipag-video chat sa mga friends ko. Kaya nasabi nila na pupunta sila dito sa mga susunod na lingo o buwan. Walang exact date. Pagkatapos ng aming usapan ay I ti nurn off ko ang wifi ng phone ko.
Agad ko naman kinuha ang aking wallet at inilabas ko ang isang papel dito at pinag-masdan ito. Lagi ko itong ginagawa bago ako matulog at kapag nasiyahan na ako ay itatago ko na itong muli. Kung sa iba cellphone ang pinaka-iingatan nila sa akin ay ang wallet. Okay lang na kahit tingnan mo pa ang phone ko ay hindi ako natatakot. Huwag lang ang wallet ko.
Kanina ko pa iniisip ang sinabi sa akin ni Manang na nagkukulong ang dalawa sa kwarto, at dito pa natutulog sa bahay ang dalaga. Sanay na ako sa bulungan nila, wala ng bago doon kung iyon ang sinabi ni Manang. Pero yung nakakulong sa kwarto, iba iyon at bakit pinapayagan ni Manang na ganoon? Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin kay Manang iyon in a nice way. Baka kasi magtampo naman ito sa akin.
Noong araw magpunta man kami sa isang room tatlo kami, kahit na madalas sila lang ang nag-uusap at magtatawanan. Minsan pa nga nahuhuli kong tinitingnan nila ako tapos tatawa silang dalawa. Ang weird minsan ng dalawang iyon.
Ako pa ang sasabihan ng masungit. E di sila ng dalawa ang close. Sila na ang nice couple. Narinig ko nga minsan sa kaklase nilang dalawa na napaka-sweet ng mga ito sa loob ng classroom, Bantay sarado daw ni Henry kaya walang makapanligaw sa dalaga kahit madami ang nag-ka-ka-gusto sa dalaga. Bakod na bakod ito.
May mga times na nanonood kami ng movie, kahit nasa gitna naming si Elisa kay Henry ito naka-sandal. Nag susubuan pa sila kapag may kinakain. Second year high school pa lang sila noon at ako naman ay fourth year na. Wala naman akong nagugustuhan sa mga kaklase namin, tulad sila ni Sylvia kahit na sabihing mayayaman sila kaya ganoon kumilos hindi ako na-aattract sa kanila.
Kakaiba lang si Sylvia dahil siya naman ang naunang lumapit sa akin at siya ang nagbigay ng motibo at dahil mahina na ang control ko sa katawan ng gabing iyon ay may nangyari sa amin ng dalaga. Nagulat pa ako ng magising ako na walang saplot at katabi ko siya sa higaan. Kaka pakilala pa lang siya sa akin nung gabing iyon pero napunta agad kami sa kama. Dahil sa ginawa niya hinanap din ng katawan ko ito. At kapag wala siya ay nahahanap ko ito sa iba. Pero parang may kulang lagi. Mas Mabuti pa sa panaginip ko lagi akong satisfied. Kaya lang imposibleng mangyari iyon sa totoong buhay.
Hindi ko masasabing nightmare iyon kahit paulit-ulit kong napapanaginipan. That’s the sweetest dream na gusto kong laging balik balikan. Panaginip na sana ay hindi natatapos. Kung sa paraan ko siya makakasama kahit matulad ako kay sleeping beuty na matulog ng 100 years at gugustuhin ko rin. Baka sa panaginip magkaroon ng katuparan ang lahat ng pinapangarap ko.
Kung hindi kaya kami umalis dito sa Santa Fe ano kaya ang nagyari sa amin. Sa isang banda ng isipan ko sana kung nandito din ako sa bansa kasama rin nila ako na nangangabayo at iniikot ang buong hacienda. Sana kasama nila ako sa loob ng kwarto para mabantayan ko kung ano ang ginagawa nila.
Sana noong hindi na lang kami umalis, para hindi umiiyak si Elisa. Sana nagpa-iwan na lang ako dito. Madaming sana pero wala na ng magagawa ang mga sana. Sana nandito si Elisa sa Linggo para kasama naming siya sa maituturing kong isa sa highlights ng aking buhay. Ang pamahalaan ang buong hacienda dito sa Santa Fe.
Saan kaya siya sa Manila? Walang nabanggit sa akin si Henry, Wala din itong ikinukwento sa akin. Kapag ako ang nagtatanong, may ibabato din siyang tanong. Sasagutin ako nito ng, “Bakit moo itinatanong? Ano mo ba siya?” Kaya hindi na ako nagtatanong. Baka gusto niya lang na siya ang updated sa buhay nito dahil wala namang kami pero sila meron.
“Ilang taon na kaya sila? Mabuti hindi niya nabubuntis si Elisa. Pero minsan may narinig siya sa Mommy niya na itinutukso ito sa kapatid niya habang mag-ka-usap kami sa skype.
Habang girlfriend niya si Elisa ay meron din siya sa Manila. Baka nakakaramdam si Elisa ng ginagawa nitong kalokohan kaya sumunod ang dalaga doon. At sa Manila wala ng nagbabantay sa kanila . Malaya nilang magagawa ang lahat ng gugustuhin nila. Sa isiping iyon mas lalong nagpupuyos ang aking kalooban, lalo ko yatang tinotorture ang sarili ko sa ganitong isipin.
Kahit saang bahagi ng bahay, ibaling ko ang aking paningin ay nakikita ko ang mukha ni Elisa. Nakikini-kinita ko ang mga ala-ala noong mga maliliit pa kami. Minsan tinuturuan naming ito ni Henry ng karate, bago kami pumunta dito ay nag-train kami ng martial arts ng kapatid ko. At dahil babae si Elisa gusto naming matuto siya paanong protektahan ang sarili niya. Tinuruan namin siya noong araw na nakilala namin siya dahil may umaaway sa kanya. Mabilis naman itong matuto kaya isa iyon sa ginagawa namin s aumaga o kaya sa hapon. Ang matutunan niyang ipagtanggol ang sarili niya lalo na sa mga lalaking masasamang tao at magtangka sa buhay nya.
Hindi ko na siya simula ng umalis kami dito. Hindi ko alam kung anon a ang hitsura niya. Kung mapayat ba siya, mataba o kung sexy? Pero kahit ano pa man ang hitsura niya ay kaibigan ko pa rin siya. Hindi na magbabago iyon. At baka nga maging sister-in-law ko pa siya kapag ikinasal na sila ni Henry.
“Bakit parang hindi ka masaya Heinz?” sabi ng isipan ko. Masaya ako para sa kapatid ko kapag nangyari iyon dahil nakikita ko na masaya silang dalawa sa tuwing magkasama. Bagay sila at aminado ako doon.
Kung saan-saan na napunta ang isipan ko. Siguro bukas unahin kong kausapin si Mang Sixto para mapa-ayos ang daan patungo sa falls. At mapalagyan kahit maliit lang na kubo para kung sakali na biglaan kong maisipan na pumunta doon ay may gamit ng naka-ready ganoon din ang mga pagkain na matagal masira kahit wala sa refrigerator.
Hindi naman masisira noon ang natural beauty ng lugar. Dahil hindi naman ito pinapapuntahan sa ibang tao. Exclusive ito para sa amin. At kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko maisheshare ang lugar ito. Para lang ito sa akin, kay Henry at kay Elisa.