When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MAAGA PA LANG ay gising na ako, kung late ako kahapon ay maaga naman ako ngayon. Gusto ko lang pumasok ng maaga. Ready na ang breakfast at nasa komedor si Manang. "Manang , pwede mo po ba ako padalhan ng pagkain po mamayang lunch para sa dalawang tao?" tanong ko dito. "Sige ipapahatid ko na lang kay Cardo mamaya bago maka - pananghali," tugon nito sa akin. Good for two ang pinadadala ko para sa aming dalawa ni Elisa. Dahil siya ang nagdala kahapon ng pagkain , ako naman ngayon. Sana lang ay wala siyang baon mgayon. Seven - thirty pa lang ay nagtungo na ako sa opisina. Nagdala na ako ng sasakyan at ako na rin nag - drive. Malapit lang naman ang opisina at wala rin naman akong meeting sa labas. Akala ko ay mas mauuna ako kay Elisa sa opisina, pero naroroon na ito at inaayos ang table ko.