4

608 Words
Pilit na binabalewala ni Fellie ang nararamdaman paghanga sa lalaking bampira na nanatiling maang na nakatitig sa kanya. Sa buong buhay niya kahit noon tao pa lang sya hindi pa siya nakakita ng isang napakagwapong lalaki. Oo,sa pagmomodelo niya may mga gwapo siyang nakakasalamuha at nanligaw sa kanya pero iba pa rin ang kagwapuhan taglay ng lalaking nasa harapan niya. Tulad niya na may pangil pero iba ang kulay ng mga tao. Naging biktima din kaya ito Roisa? Agad na naalerto siya ng ngumisi ang lalaki na ngayon ay balik sa normal nitong anyo. Mas lalo ito gumwapo sa paningin niya. No,Fellie! Hindi ka dapat humanga sa isang tulad niya na pumapatay ng tao para lang mabuhay! Kung kaya lang niya pigilan sa ginagawa ni Roisa ang pagpatay nito sa mga tao na kinukuha niya para lang makainom ng dugo ay hindi niya magawa dahil sa utang niya ang buhay niya rito. Yeah,labag sa kalooban niya ang ginagawa niya pero kailangan niyang tumanaw sa babaeng iyun ng utang ng loob! Inayos nito ang suot na jacket na kulay itim. Pinagpagan nito ang nadumihan dahiL sa alikabok. He's so tall. Matangkad siyang babae pero matangkad pa ito sa kanya kaya kailangan niyang tingalain ito. Maganda din ang pangangatawan nito. Fitted and lean. He looks so powerful and..dangerous. "Hindi ko akalain na may kalahi pala ako sa mundong ito,"nakangisi nitong saad na kinapukaw niya. Mataman na tinitigan siya ng mga mata nito na kasingdilim ng gabi. " Pero hindi mo ako katulad na papatay ng tao para lang makainom ng dugo,"angil niya rito. Tumawa ito ng mahina na kinamangha niya. Kahit sa pagtawa nito nakadagdag iyun ng kagwapuhan nito! Oh,come on,Fellie! Pinagkrus nito ang mga braso sa malapad nitong dibdib. He look so intimidating now. "Sabihin mo,magandang binibini. Sino ang may gawa sayo niyan? Na maging isang halimaw?" nakangisi nitong saad na kinaawang ng bibig niya. Ano raw? Tinawag ba siya nitong halimaw? "Bakit? Mali ba ang sinabi ko? Halimaw ang tawag satin ng mga tao kapag nalaman nila kung ano tayo," sarcastic nitong saad. Pinaningkitan niya ito ng mga mata na ngayon ay nasa dating kulay na. Her brown eyes. "Siguro nga..pero sayo tama lang na itawag sayong halimaw," mariin niyang saad. Nabura ang ngisi sa mukha nito at napalitan iyun ng panganib na pagdilim ng mukha nito. Agad na kinabahan siya pero pinatili niyang blanko ang emosyon sa mukha niya. "Pinapatay ko ang dapat mabura sa mundong ito na walang ginawa kundi gumawa ng kasamaan," mariin nitong saad. Natigilan siya sa sinabi nito. Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya. "Para sakin hindi mo pa rin dapat gawin yun. May pag-asa pang magbago ang mga tao," pagdepensa niya sa pagkapahiya niya rito. Ang pagdilim ng anyo nito ay napalitan muli ng pagngisi. May pagkamangha ng makikita sa madidilim nitong mga mata at iyun ang dahilan kung bakit naiilang na syang tumitig sa mga mata nito. Stay cool and blank,Fellie! "You know what,I like you..pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Hindi pa man siya nakakareak naisandig na siya nito sa pader at nakakulong siya sa pagitan ng mga braso nito na nasa magkabilang gilid niya. Nanlalaki ang mga mata niya sa bilis ng nangyari. Napasinghap siya ng maramdaman ang malamig nitong bibig sa leegan niya. "Nang dahil sayo hindi ko na matitikman ang dugo ng tao ..kaya.." putol nito sa sasabihin habang nasa leegan pa rin niya ang mukha nito. Push him,Fellie!..sigaw iyun ng utak niya pero hindi niya magawa. "Your blood scent is so fuvking good!" anas nito sabay baon ng pangil nito sa leeg niya. Oh no,Fellie! Why you let him do that to you?! I don't know!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD