"Ibig sabihin ay hindi mo muna ipapasyal ang mga anak mo sa kompanya?" Si Kuya Leon ang nagprisintang mag-drive sa akin ngayon. Sigurado raw kasi s'yang hindi pa ako nakakapag-adjust sa traffic dito sa Pilipinas. "Pinoprotektahan ko lang ang mga anak ko, kuya." "And how about him? Karapatan n'yang malaman na may mga anak kayo, Sofia. Hindi iyong ang alam n'ya ay may relasyon kayong dalawa ni Aece and worst, he's thinking na anak n'yo ang kambal." "Alam ko naman iyon." And yet, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Markiel ang tungkol sa kambal. Galit sa akin ang taong iyon bukod sa hindi ko na alam kung paano s'ya magre-react ngayon. Hindi ko naman puwedeng sabihin iyon casually. At paano kapag nangyari ulit ang mga nangyari noon? Paano kung hindi na ako kundi ang mga anak ko na