"That was not you, Sofia." Muli kong sinampal nang mahina ang pisngi. Naalala ko na naman kasi iyong sandali kong pagkawala sa sarili noong huling beses na nagkita kami ni Markiel. Ni hindi ko lubos maisip kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. Hindi naman ako OA, nagkataon lang talagang sobrang natuwa ako that time. To the point na hindi ko na napigilan ang sarili. Tinalon ko talaga s'ya. That's a bit awkward, yeah, pero mas inaalala ko iyong balikat n'ya. Hindi naman daw naapektuhan, he assured me. Isa pa sa ipinagtataka ko ay naging maayos talaga ang takbo ng araw na iyon. Wala naman kaming ibang ginawa at pinuntahan. Kalahating araw na naroon lang kami sa loob ng baseball booth, just eating and playing, but with whatever reason, I found it fun. He taught me how to hit and