Chapter 31

2102 Words

"Another package for you, Miss Sofia." Kalalabas ko pa lang sa elevator nang salubungin ako ni Amelia. Hapon na at pauwi na ako. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang malaking paper bag na hawak n'ya. "Dalawang beses nang may nagpapadala sa 'yo nito, Miss Sofia. Ayaw mo ba talagang tingnan kung ano? Malay mo, malaman na natin kung sino ang sender." Umiling lang ako at isinenyas ang kamay. Siguradong makikita ko na naman ang paper bag na iyon sa opisina ko bukas. Iyong nauna kasing kapareho niyon ay nandoon lang din. Walang nakalagay na pangalan o kahit address ng sender kaya hindi maibalik. Aece told me to throw it on the bin. Parang ayoko nga lang gawin iyon. "Namumutla ka yata, Miss Sofia. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Amelia. Nawala na ang atensyon n'ya sa paper bag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD