Prologue

834 Words
Marahan siyang bumangon para kumuha ng tubig sa kusina. Mabuti na lang at nakabili na siya ng gamot para sa trangkaso kanina sa maliit na sari-sari store doon sa labasan. Mahimbing naman ang tulog ng kanyang anak na alam niyang nagtatampo sa kanya dahil sa naging asal niya kanina. Mabuti na lang at nahanapan niya ng palusot na agad naman nitong pinaniwalaan. Iyon nga lang, halos hindi na siya lumabas ng kwarto mula kanina at nagpumilit na siya na lang ang mag-aasikaso kay Viggo. Wala namang magawa si Willa dahil mas may karapatan siya sa kanyang anak. Paglabas niya ng kwarto ay sinalubong siya ng nakakabinging katahimikan at nakakabulag na kadiliman. Naghintay muna siya ng ilang minuto para mag-adjust sa dilim ang kanyang mga mata bago tumungo sa kusina. Tahimik na ang buong paligid. Wala na halos siyang marinig maliban sa ingay na gawa ng mga pang-gabing insekto sa labas ng bahay ni Yheven. Kahit kasi may trabaho na ay ito pa rin ang nagma-manage sa farm ng pamilya nito. His family owns the biggest agro-industrial business dito sa Capizo, a fact na nalaman lang niya nang dalhin sila nito sa farm para dito na tumira. Pagdating sa kusina ay kumuha siya ng baso at nilagyan iyon ng tubig na galing sa dispenser. Sabi kasi nila, hindi raw effective ang gamot kapag malamig na tubig ang iinumin mo. Kung pwede lang na hindi siya magkasakit ay gagawin niya ang lahat huwag lang siyang dapuan kahit sipon lang. Hindi siya puwedeng magkasakit at maging mahina dahil kailangan siya ng kanyang anak. Naulanan kasi siya kahapon dahil wala na siyang masakyan pauwi kaya napilitan siyang maglakad ng halos isa at kalahating kilometro. May mga tricycle naman ngunit aabutan siya marahil ng pagputi ng uwak bago siya makakita dahil kaunti lang talaga ang dumadaan doon. May kalayuan kasi mula sa main highway ang farm nina Yheven dahil poulty farm at mga baka ang negosyo ng mga ito. Kapag malapit sa maraming tao ay siguradong marami ang magrereklamo dahil sa amoy kahit na sosyal at di aircon naman ang mga kulungan.   Pabalik na sana siya ng kanilang silid nang may narinig siyang mahinang ungol. Napatigil siya sa paglalakad para pakinggan muli ang paligid baka kasi guni-guni lang niya ang narinig. Matapos ang ilang segundo na wala ulit siyang narinig ay napailing na lang na muli siyang humakbang.   “Ahhh! Sh*t!”   Muli na naman siyang napahinto. Sa pagkakataong iyon ay sigurado siyang may naririnig nga siyang ungol at galing iyon sa kuwarto ni Yheven! Biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Parang ang bigat-bigat ng kanyang mga paa na ihakbang ang mga iyon palapit sa pinto.   “Harder, baby! Yeahhh! You are so good!”   Ngayong nasa harap na siya ng pinto ay mas lalong lumakas ang mga naririnig niya at hindi siya nagkakamali, boses iyon ni Willa. Ang artistang palagi nitong kasama sa taping. Natutop niya ang mga bibig para hindi siya makagawa ng kahit anong ingay. Biglang nanginig ang buo niyang katawan at nanlamig ang kanyang noo.   “You are so noisy when I eat you, Willa and I like it.” Boses iyon ni Yheven.   “Stop talking at kainin mo ako hanggang sa mabusog ka, Yheven,” malanding wika naman ni Willa na sa boses palang ay halatang nasasarapan na nga sa kung ano man ang ginagawa ni Yheven dito.   “Your wish is my command, baby.”   “Ohhh, fuc*kin’ sh*t, baby! Ang galing mo talaga.”     At muli na naman niyang narinig ang mas malakas pang ungol ni Willa.   Mas lalo niyang hinigpitan ang pagtakip sa kanyang bibig para pigilan ang paghikbi.Hindi niya namalayan na naluluha na pala siya sa sobrang sakit ng nararamdaman. Parang kahapon lang ay siya ang kaulayaw nito sa gitna ng palayan habang nasasambit na niya ang lahat ng pangalan ng poon sa sobrang sarap pero ngayon, iba na ang umuungol dahil sa galing nitong mag-romansa.   Nang hindi na niya kayang pakinggan ang mga ungol na ginagawa ng dalawa sa loob ng kuwarto ay patakbo siyang bumalik sa silid nila at mahigpit na niyakap ang natutulog na anak. Kinagat niya ang mga labi para supilin ang kanyang pagsigok. Ayaw niyang magising si Viggo at makita siyang umiiyak. Siguradong magtatanong ito kung bakit at ayaw niyang magsinungaling dito.   Pinilit na lamang niya ang sariling makatulog kahit na sigurado siyang mahihirapan siyang gawin iyon. Alam niyang galit si Yheven sa kanya dahil sa nagawa niya rito at mukhang may balak itong gumanti ngunit ngayon palang ay parang nadudurog na ang kanyang puso sa sobrang sakit. Kahit anong pilit niya na paniwalain ang sarili na hindi siya apektado ay sarili niya na rin mismo ang umaamin na nasasaktan siya. Oo, siguro nga ay nagseselos siya. Siguro nga ay tama ang sinabi ni Natalia sa kanya, na may nararamdaman pa rin siya para kay Yheven. Para siyang papel na pinunit sa isang libong piraso. Sa sobrang sakit ay tila ba nahulog ang puso niya at hindi niya alam kung paano iyon pupulutin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD