CHAPTER TWENTY NINE- THE MONOLOGUE CONTEST “Anong nangyari sa iyo?” kunot ang noong tanong ni Natalia sa kanya kinaumagahan. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan. Hindi na kasi niya sinabi rito ang naging pag-uusap nila ni Mikay kagabi. Nang pumasok kasi sila sa bahay at tulog na ito dahil maaga pa itong pupunta sa city para kumuha ng kanilang order na mga ukay ukay. May live selling kasi sila mamaya. “Meron bang nangyari?” balik na tanong niya rito. Pasimple lang silang nagkatinginan ni Mikay samantalang si Natalia naman ay binigyan siya ng hindi naniniwalang tingin. “Alam mo, gutom lang iyan kaya kumakain ka na.” Dahil magkatabi lang sila ng upuan ay inabot niya ang pritong talong at nilagyan ang plato nito. “Sa laki ng eyebag mo, sigurado akong may something na nangyari,” hindi pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books