Deimos Napoleon Smirnov

576 Words
Deimos Napoleon Smirnov Hearts Aligned Series #3 Zolani Viatrix Rusco Kinagat ko nang mariin ang aking ibabang labi habang nakayuko. Naikuyom pa ang aking kamao dahil pinipigilan kong huwag masigawan ang lalaking ’to. Naiinis ako. Basta na lang kasi niyang kinuha eyeglass ko. Ang daming puwede niyang inisin, bakit ako pa? Nananahimik ako rito at busy sa pagdidilig ng mga halaman. “Zolani Veatrix Rusco,” mahinang wika niya sa aking pangalan. Nagsimula akong makaramdam ng pagkapikon. Nauubusan na ako ng pasensya pero hindi ko naman kasi siya puwedeng sigawan dahil anak siya ng Boss namin. Kaya kahit papaano ay Boss pa rin namin sila. Minsan lang naman sila bumisita rito kaya nakakagulat na ngayong bumisita pa siya rito, saka naman niya ako guguluhin. “Bakit po, Sir Napoleon?” kalmadong wika ko at nag-angat ng aking ulo para makita siya. Ngumiti ako nang kaunti kahit na alam ko naman na magmumukha na ’tong pilit. “Ano po ang gagawin ko?” Alam ko kung anong klaseng buhay ang mayroon sila. Kaya kahit gusto kong magalit, natatakot ako para sa buhay na mayroon ako. Kailangan kong pigilan ang lahat dahil isang pagkakamali ko lang, papatayin na nila ako. Mayaman naman kami pero hindi kasing yaman nila dahil sa illegal at legal nilang mga business. Sakto lang ang pamumuhay namin. Nakakabili rin naman kami ng mga branded na gamit saka tinuruan naman kami ng mga magulang namin na huwag maging maluho ay gamitin sa tama ang pera. Hindi naman talaga kami kasama sa bahay ng mga Smirnov. Tumutulong lang kami lalo na sa pag-aalaga ng mga halaman. Binabayaran din naman nila kami kahit hindi naman kami isa sa mga employee nila rito. “Zolani,” bulong muli niya sa aking pangalan. Madilim ang kaniyang mukha habang sinasabi ang aking pangalan ngunit makikita sa kaniyang mga mata na may naglalarong kasiyahan doon. Napoleon is handsome. Maganda rin ang kaniyang pangangatawan dahil sa training nila magmula pa nang sila ay bata. Dahil nga kailangan nilang maging malakas at maliksi, una nilang pinapalakas ang kanilang stamina. Puro sila workout noon. Namamataan namin sila rito sa kanilang bahay sa tuwing namamasyal sila rito at kung mag-eensayo. Kaya naging maganda ang kanilang pangangatawan dahil sa workout nila palagi. Nakakatakot sila pero mabait naman sila sa amin. Hindi nila ginagamit ang kanilang kapangyarihan para kumitil ng buhay ng mga kilala nila. Alam kong kaya nilang pumatay ng inosente pero never nilang ginawa ’yon dito. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit nakakaya kong titigin siya sa asul niyang mga mata. “Do you have a boyfriend?” tanong niya bigla na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niyang itinanong sa akin ang bagay na ’yon. Wala naman akong boyfriend pero bakit personal na tanong ang kaniyang ibinabato sa akin? Tumikhim ako at tinanggal ang inis sa aking puso. Siguro, ibibigay niya rin naman ang salamin ko. Kailangan ko rin kasi ’yon dahil sensitive ang mga mata ko. Mabilis kasi akong mapuwing. “Wala po,” sagot ko at sinamahan pa nang marahang iling. Wala pa naman kasi talaga akong boyfriend. Wala pa akong balak. Hindi naman pinoproblema ng mga magulang ko kung mayroon man akong boyfriend o wala. Ang mahalaga lang naman sa kanila ay maayos ang buhay ko. “That’s good. You’re still young to have a boyfriend,” sambit niya na nagpaawang ng aking labi. Young? Hindi naman na ako bata! Nasa legal age naman na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD