PROLOGUE

1396 Words
Prologue Labing walong taon. Namuhay akong mag isa. Sa isang lugar na walang nakakilala sa akin. Isang lugar na wala ni isang tao. Huni ng ibon, tunog ng mga kulisap, at tunog ng alon ang tanging naging kasama ko. Paano ako nabuhay? Paano ko nakakayanan? Wala akong choice. Madali na napakalungkot. Kahit walang nag aalaga sa akin Nakaya kong mamuhay ng ako lang. Na hindi ko naranasang may makita akong tao magmula ng magkaroon ako ng isip. Nakikita ko na ang kalagayan kong mag isa lang sa buhay at parang napa imposibleng mahanap ko ppa yun sa darating na mga taon. Nasa karagatan ako, sa subrang lawak nito, hindi ko alam kong saan ang hangganan nito. Hindi rin ako marunong lumangoy. Hindi ako marunong man lang mangisda kung gugustuhin ko. Para akong patay na buhay. Alam kong may pamilya ako. Kompleto ako ng libro, may speaker na konektado sa isang tv na nagtuturo sa aking magbasa, gayahin ang mga nakasulat at higit sa lahat, kompleto ako sa gamit. Kompleto ako sa pagkain, kompleto ako sa mga pang araw araw kong pangangailangan. Walang kulang sa akin pagdating sa materyal, pero kulang ako sa pagmamahal ng ibang tao. Maliban sa sarili ko. Napabuntong hininga ako habang nakatingin ako sa napamapayapang karagatan. Nasa isang isla ako na ako lang mag isa. Ni minsan, wala akong naalalang may nakita akong tao. Siguro nong panahong bata pa ako. May mga matatanda akong nakakasamang mag aalaga sa akin pero hindi naman ako kinakausap. Hindi ako sinasagot,hindi ako minahal. Hindi nila ako nakikitang kailangan ko man lang ng isang pamilya. A perfect family that awe with everyone but never on my side. My father owned a business related to luxurious Car and Garments, Shipments and Electronics Industry. Napakayaman daw namin gaya nang nababasa ko, napapanood ko sa telebisyon. My mother is a queen of her owned, My Half Sister and My half-brother doesn’t know that they have me as their Ate. They exist but not in my life. They live a normal life, but not in my world. Napaka unfair. Hindi ko alam kong bakit nila ako tinatago. Tanging palaging sinasabi, Hindi ako nararapat sa mundng ginagalawan nila. Kung gusto kong mabuhay, dito ako sa isalang ito, mag isa. Pero sa kabila ng lahat, nabago ang aking buhay sa pagtungtong ko ng labing walang taon. Sa araw din iyon, hindi ako makapaniwala na ang mga nababasa kong fairy tale, nangyayari ngayon. Nagkakatotoo, Nangyayari sa buhay ko. May dumatning na tao, isang lalaki. . Sinikap ko siyang tulungang makasampa sa kanyang maliit na banka habang nauubo pa. Abot ko ang dagat kaya hindi ako malulunod pero siya, kahit nasa banka siya, tila nalulunod na siya doon pa sa malayo. I am wearing my two piece. My favorite one kaya nakakahiyang makita niya akong nakayuko na sa kanyang bewang habang tinutulungan ko siya. “ Sorry Mister, Akala ko nahimatay ka kaya plano ko sanang Mag CPR. Yun dapat gawin kapag may nalulunod. Nababasa ko iyon at alam ko kung paano gawin. ”, nahihiya ko pang sabi. Kunot ang noo niya akong tiningnan habang sinisikap pa ring kalmahin ang sarili. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakakita ng isang lalaki. Sadyang napagwapo, matipuno, makapal ang kilay, may malalim at itim na itim na mata. Nagmukha siyang taong hihigupin ka ng buo pero ang lakas ng dating. Makinis ang balat, may kwentas pa ng ginto at halatang mayaman. Ito na ba ang pinapangarap kong may makasama ako habang buhay? “Why are you here?”tanong niya kaagad habang kinakalma ang sarili. Nagulat ako ng mag ingles siya. Aba’t ,alam ko ang ingles, kaya naman pala hindi niya ako nasagot sa sinabi ko dahil ingles ang gusto niya. “ I am swimming here. There!”, tinuro ko ang aking bahay at nakangiti siyang pinagmasdan. “ That is my home. I am only one in the home. You want to go inside? You want to live with me? Together?”nakangiti kong sabi. Habnag tinuturo ko pa siya at ako. “Why are you here? You should’ve be here! This is my property. “, nagtaka ako sa sinabi niya. Matagal na akong naninirahan dito.Ako yun. Hindi niya ba alam na tao ako at ako ang nakatira dito?. “EHh ano.. I am living here. I am human. And matagal na akong nandito. “, nakayuko kong sabi. Kita ko ang nang iinsulto niyang tingin. Napapailing na parang nawewirduhan sa akin. “Dont worry. I know english. ”, ngumiti ako sa kanya ng hindi siya nakasagot kaagad. Pero parang hindi niya ako narinig at busy sa pag tulak ng bangka gamit ang isang kahoy. “ Might as well, help me. So we can easily get in the shore. Yallah!”nataranta kaagad ako ng pasigaw niya iyong sinabi. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakarinig na may sumisigaw. Kaya napangiti kaagad ako at agad na kinuha ang isa pang kahoy at agad siyang tinulungan. Naging madali sa amin ang makapunta sa dalampasigan. Kinuha ko ang aking bohemian dress at agad na sinuot. Kita ko pa ang pag iwas niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. “You first time here?”.nakangiti ko pang sabi. “This is your first time. “. Sagot niya sa sinabi ko. Naguluhan ako sa sinabi niya. “No, it is not my first time. I live here long time ago. “pagtatama ko pa. Kumunot ang noo niya at agad na napapailing. " Your grammar sucks. But anyway, “, Napabuntong hininga siya. “ Nakakaintindi ako ng tagalog. Use that one. “, seryoso niyang sabi bago niya ako tinalikuran at agad na pumasok sa aking bahay. Nagulat man ay bigla akong nasiyahan sa naiisip. “ Dito ka na titira?”, masaya kong sabi. “ May kasama na ako?”,dugtong ko pa habang naglalakad na sa tabi niya. " Pinadala ka ba dito para sa wakas, hindi na ako mag iisa? " What are you talking about. This place is my own property now. How long you’ve been staying here? This is supposed to be empty. Why are you here?” ang tanong ko, sinasabayan niya ng tanong. Sumimangot kaagad ako. Sinagot ko na iyon kanina, paulit ulit naman siya. . Obvious naman na nandito ako dahil dito ako nakatira. “Sabi ko nga , nakatira ako dito. Ako lang mag isa. “ “How? Walang supermarket, walang mall, wala ni isang store na pwedy mong pagbilhan. Gagamit ka ng bangka bago ang susunod na island. Malayo at hind imo pweding languyin. But still, you are here, looking healthy and luxurious. When did you start living here? “, sa dami nang sinabi niya . Hindi ako nakasunod kaagad.Naguguluhan, mabilis ang pagkakasabi niya kaya hindi ko alam kong ano ang uunahin kong sagutin. Mabilis ang hakbang niya habang pinagmamasdan ang loob. “ Bata pa lang ako, nandito na ako. Sa isang lingo, may naghahatid sa akin ng mga gagamitin ko. . Nakamaskara at hindi ko sila nakakausap. Dito na ako nakatira simula pa noon. Kaya kung tatanungin mo kung bakit andto ako, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, may pamilya ako,may mga tao pagkatapos ng islang ito at hindi ako pwedy na pumunta doon. bawal akong pumunta doon. Ikakamatay ko kapag pumunta ako doon. Kaya sana, manatili ka na lang dito at samahan ako. “ hinihingal ko pa iyong sinabi. Nakasunod kaya siya? Ang bilis ko pa namang magsalita. Pero ang pagkakakunot ng noo habang nakikinig sa akin,nawala ito at napansin ang pagbabago ng kanyang reaksyon. “ Pwedy naman sigurong samahan mo ako dito di ba?”, matapang kong sabi kahit hindi ko naiisip kung papayagan bang may kasama ako. Kung papayag din siyang makulong dito kasama ko. “ Or kung ayaw mong tumira dito, isama mo ako kung saan ka man nakatira. I am sure, marami akong makakasama , makikilala doon. Pwedy ba yun? “, dugtong ko pa habang nakataas na ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Sumimangot ako ng maramdaman ang pagtanggi niya. Na kahit hindi niya sabihin, alam kong hindi siya papayag. "YOu can come with me then. But you will be my servant. ", Nang marinig yun mula sa kanya, na kaya niya akong alisin sa lugar na ito, tila ang sinsabi niyang maging servant ay hindi ko na naisip pa. .........................................................................................NEXT........................................................................................

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD