Chapter 5

1326 Words
Chapter 5 Margarette Santos Friday 9:49 PM Marge: May practice daw tayo bukas. Apol: What? Sabado kaya. Marge: Oo, whole day daw. Apol: Umay! Marge: Hahahaha! Sumali ka pa kasi. Sabi ko naman sa 'yo demanding ang dance club. Apol: Katamad naman kasi kung tatambay na naman ako sa bahay next week. Tiyak na magiging busy lahat kahit mga teachers. Marge: Sinabi mo pa! Pero may good news ako. Apol: Ano na naman? Baka binoboka mo lang ako. Marge: Hmp! Gusto mo ba malaman o hindi? Apol: K. Spill it! Marge: Marge sent a photo. Typing... Pinindot ko ang pic na sinend niya at binasa lahat ng pangalang kasali. Halos nasa dulo ang pangalan naming dalawa dahil Santos at Santiago ang apelyido namin. Pero hindi iyon ang pumukaw sa atensyon ko. Agad akong nagtipa ng mensahe kay Marge. Halos mapudpod pa ang daliri ko sa bilis ng type ko. Apol: FOR REAL? OMG! MARGE, I LOVE YOU NA TALAGA! KASALI RIN SIYA SA DANCE?! Marge: I know right. Hindi ko na ni-replyan si Marge after niyon. Nagtatalon na ako sa kama ko at pinanggigilan ang malambot kong unan. Nahiga na ako at pilit natulog. Hindi na ako makapaghintay na mag-umaga! PINAGDIKIT ko ang mga labi ko at ikinalat ang lip tint doon. Ngumiti ako sa salamin bago sinipat ang kabuuan ko. Isang fitted black sando ang pang-itaas ko. Bago pumunta ng school para sa practice ay pinatungan ko muna iyon ng maong jacket. Naka-leggings naman ako na itim at puting rubber shoes. Tinali ko ang buhok ko pa-ponytail para hindi ako mainitan mamaya. Dahil pagpapawisan lang din naman ako mamaya ay lip tint na lang din ang nilagay ko. Hindi ko na sana planong maglagay kung hindi ko lang naalalang kasali si Dom sa dance troupe. Ang San Isidro State University ay may dance troupe - ang SISU Dance Troupe. Meron ding dance troupes na by college sa tuwing may event sa loob ng campus. At ang mga kasali sa SISU Dance Troupe ay hindi pwedeng sumali roon. Madalas ay ginagawa lang kaming judges sa mga patimpalak. Open ang aming dance troupe high school student ka man o college. Kami ang representatives ng school kaya kailangan iyon. Lalo na kami ni Marge na rito sa school din magka-college. Sinigurado kong naka-lock ang apartment ko bago umalis. Nag-jogging ako papunta para mag-warm up - isa sa mga sinasanay naming mga myembro. Paniguradong puspusan ang magiging practice namin lalo na at may mga bago. Kailangan naming maging magandang halimbawa. Pagdating sa practice room ay ibinaba ko na ang itim kong backpack kasama ng mga bags nila. Napaaga yata ako dahil kami pa lang ni Janine ang narito, ang leader namin. "Aga natin ah, Bebe Apol?" sabi niya sa'kin. Bebe halos lahat ang tawag niya sa mga myembro. "Maaga ako nagising kaya dumeretso na 'ko rito," pagdadahilan ko. May katotohanan naman sa sinabi ko. "Truelalu ba? Balita ko eh may gusto ka sa isa sa mga new members natin eh." Itinaas-baba pa niya ang mga kilay sa dereksyon ko. Inirapan ko siya nang pabiro. "Alam mo naman pala, nagtanong ka pa," sabi ko. Tinawanan niya lang ako. "Hala sige! Basta practice kung practice ah? Bawal lutang kundi eh may kurot sa singit." Tumawa rin ako sa sinabi niya. "Oo naman 'no! Ipagpapalit ko ba naman ang dance troupe?" "'Nak ka ng! Ganyan dapat." Muli kaming nagtawanan at nagsimulang mag-stretching. Unti-unting nagdatingan ang mga kasamahan namin. Panay rin ang sulyap ko sa pinto, inaabangan ang pagdating niya. Halos mabali na nga ang leeg ko kasusulyap. Ayon kay Janine ay nasa lima ang mga bagong myembro. Tatlong high school freshman at dalawang college students. Paniguradong isa si Dom doon sa college. Napaiwas ako agad sa pinto nang dumating siya. Nakita ko pa ang malawak na ngisi ni Janine nang sundan niya ang tinitingnan ko kanina. "Dom! Nandito ka! Akala ko hindi mo tatanggapin ang invitation ko eh," bati ni Janine. So, siya pala ang nag-aya kay Dom. Mukhang close sila ah? Hindi ko narinig ang sinabi ni Dom pero nakita kong bumukas ang bibig niya na ikinatawa ng kausap. Napairap na lang tuloy ako. "Bes!" At itong best friend ko ay kararating lang. "Late ka na! Sabi mo before seven nandito ka na," nagtatampong sambit ko, bahagyang nakanguso sa dereksyon niya. Binigyan niya naman ako ng isang mabilis na yakap. "Nasiraan si Ate ng sasakyan. Nakisabay lang kasi ako." "Dapat tinakbo mo na," sabi ko. Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Ikaw tumakbo mula sa 'min hanggang dito! Kapag hindi lumuwa mata mo ewan ko na lang sa 'yo!" Nagtawanan kami bago niya ibinaba ang bag niya. "Hi, Apol!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ate Monica, ang ate ni Marge, na kapapasok lang sa practice room namin. "Ate Monica! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sabay beso sa kanya. Kumunot ang noo niyang binalingan si Marge. "Hindi mo ba sinabi, Marge?" "Hindi. Hindi naman siya nagtanong," ani Marge. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kapag hindi tinanong hindi na ipapaalam?" tanong ko. "Syempre. Malay ko bang interesado ka," sabi niya, natatawa pa. Binaling ko na lang ang atensyon kay Ate Monica dahil wala siyang kwenta kausap. "So, ikaw pala ang isa pang bagong college student. Daming time ah?" Natawa siya. "Need ko ng incentives. Hindi kasi ako nakapasok sa org ng CAFA kaya ito ako. Para na rin nagagawa ko ang isa ko pang hobby." Napanguso ako. "Sana all talented, Ate." Pare-pareho kaming mga naka-leggings, mostly sa mga babae ay ganoon o hindi kaya naman ay shorts. Ang pang-itaas naman nila ay maluwag na puting t-shirt gaya ni Janine. Tinulungan ko silang mag-warm up. Panaka-naka rin ang tingin ko kay Dom habang nag-wawarm up siya. Naka-itim siyang plain t-shirt at shorts na hanggang tuhod. Puting sapatos din ang pang-paa niya gaya sa 'kin. Nagsimula na kaming mag-practice nang makumpleto kami. Halos nasa bente rin ang bilang namin. Hindi naman nahirapan si Ken, ang choreographer namin, dahil mabilis naming nakukuha ang mga steps. May salamin sa harap namin na sakop ang isang side ng practice room kaya madali kong nakikita si Dom. Halos hindi ko na nga tinitingnan ang sariling galaw ko dahil sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Ang gwapo! Gaya ng halos lahat sa 'min ay matigas ang katawan niya. Matigas in a way na ang galing niya mag-lockings. Mas magaling pa siya sa choreo namin! Hindi ako bias. Magaling lang talaga ako mangilatis ng magaling o hindi sumayaw. At ang nakikita ko, mas magaling siya sa kahit sino sa amin dito. Bakit kaya ngayon lang siya sumali? Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa 'kin sa salamin. Kumunot pa ang noo ko dahil sa pag-iwas ko. Bakit ako iiwas? Hindi naman yata siya sa 'kin nakatingin. Malay ko ba kung kay Cass pala siya nakatingin! "Apol, paano 'yung ganitong step?" tanong ni Cass. Itinuro ko naman iyon sa kanya hanggang sa matutunan niya. "Salamat! Myghad! Kailangan ko na magbatak ng buto." Nagtawanan kaming dalawa. Nawala lang iyon nang makita kong nakatingin siya sa dereksyon namin. This time, hindi ako umiwas. Tiningnan ko kung sa 'kin ba talaga siya nakatingin pero siya naman iyong umiwas. Hindi ko na tuloy alam kung sino talaga ang tinitingnan niya. Assuming na ba ako kapag feel ko ako talaga iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD