Chapter 15 SA CR NG girls kami nagpalit ng damit nina Marge at Ate Monica. Maaga namang umalis sina Janine at ang iba pa naming mga kasamahan dahil may kaniya-kaniya silang mga gala. Pati sina Ken ay kasama ang mga kalalakihan na kakain sa labas. "Kakain ba talaga?" pang-aasar ni Margie kay Ken. "Oo, kakain lang. Ano pa ba?" aniya, nakangisi sa dereksyon ng kaibigan ko. "Kung alam ko lang, iinom kayo at mambababae," sabi ni Marge, nakatawa na naman. "Hindi 'no! Hindi kami gano'n," sabi naman ni Patrick, isang college freshman. "Hoy, Patrick, baka kung anong kalokohan ang tinuturo niyo sa mga bata!" bulalas ni Ate Monica patukoy kina Mark at Joshua na kasing-edad lang namin. "Hindi nga! Paranoid much. Kakain lang talaga kami," sabi ni Ken. Hindi ko na napakinggan ang sunod nilang p