Chapter 20 FINALS NA! Sobrang busy na namin na hindi ko na madalas makasama o makita man lang si Dom. Hindi ko na rin siya madalas makausap sa tuwing may meeting dahil talagang wala kaming time. Miss ko na siya! Tapos hindi pa siya nag-rereply masyado sa 'kin kahit PM man lang. Hmp! Iyon na nga lang ang way para makapag-usap kami tapos kahit seen man lang, wala! Sabi naman ni Marge, ganoon talaga kapag college na. Ganoon din kasi ang ate niya. Ni minsan na lang sila magkita kahit na nasa iisang bahay lang naman sila. Mararanasan na rin daw namin iyon kapag kami na nasa posisyon nila. Pero kahit na! Na-mimiss ko pa rin siya. Iba pa rin iyong dati. Iyong lagi niya akong sinasamahan sa canteen kahit na may sariling canteen ang mga college. Iba pa rin iyong lagi kayong magkausap online.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books