Cinderella Gone Bad

Cinderella Gone Bad

book_age18+
4.3K
FOLLOW
21.8K
READ
fated
badgirl
bitch
bxg
female lead
cheating
lonely
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Kahit pa sumuko na ang lahat na hanapin si Zachary sa pag-aakalang patay na ito ay hindi pa din sumuko si Kira na umasang babalik pa ang nobyo. Patuloy pa din siyang naniwala na buhay pa si Zachary at babalik din ito. Ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap niya sa nobyo ay nakatagpo din siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ng matalik na kaibigan nitong si Sander. Sa tagal na palagi silang magkasama ng binata ay nahulog din ang loob ni Yakira kay Sander na kaibigang matalik ng kanyang nawawalang boyfriend.

Ngunit paano kung bumalik ang pinakamamahal niyang lalaki na matagal ding nawala? Sino ang pipiliin ng dalaga sa dalawa? Mas matimbang pa din ba ang pag-ibig niya sa dating boyfriend o mas mahal na niya ang kaibigan nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
001 Hinanap ng paningin ni Sander si Kira sa loob ng isang kilalang bar sa makati. Agad siyang nakaramdam ng iritasiyon ng makitang may kalandian nanaman ang matalik na kaibigan. Kada na lang ba niya makikita ito ay may kasama itong ibang lalaki? Sandali niyang tinitigan mula sa malayo si Kira. Hindi niya napigilang mapailing sa nakikitang lagay ni Kira ngayon. As usual lasing nanaman ang dalaga. Ibang iba na ito sa Kirang nakilala niya nuong high school. Mula sa pananamit at pag aayos hanggang sa pag uugali, sobrang layo sa Kira na minahal niya. Mula pa nung high school ay may nararamdaman na siya para sa dalaga ngunit hindi niya kayang sirain ang relasyon nito at ng matalik din niyang kaibigan na si Zach, kaya naman ikinimkim na lang niya sa sarili ang nararamdaman para sa dalaga. Ngunit nang mawala si Zach sa buhay nito nag karuon siya ng konting pag asa na baka pupwede na siya para kay Kira pero mas mahihirapan pa pala siya sa pagkawala ni Zach. Imbis na makalimutan ito ng dalaga mas lumalim ang pag mamahal ni Kira kay Zach na dahilan kung bakit siya nag bago ng husto. She became b***h dahil sa pag aakalang babalikan siya ni Zach kapag nakita nitong may nilalandi siyang iba. Pero kahit ilang beses siyang makipag landian at harutan sa kung sino sino hindi pa din bumabalik si Zach para ilayo siya sa lalaking kasama niya. Instead si Sander ang palaging gumagawa nun para sa kanya. Hindi napapagod ang binata na hanapin siya sa kung saan saang bar gabi gabi just to make sure na ligtas siyang makakauwi sa kanya. Hindi niya maatim na may mangyaring masama sa dalagang minamahal niya nuon pa man. Minsan gusto na lamang niyang mapagod at sumuko pero mas lumalamang pa din yung pag nanais niyang matugunan ng dalaga ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya kakayaning makita ito kasama ng iba. Minsan na niyang tiniis ang nararamdaman niyang sakit nang maging girlfriend ito ng dalawa niyang kaibigan. Yun ang dahilan kung bakit hindi siya boto kay Kira nuon para sa mga kaibigan niya dahil alam niya sa sarili niya na may nararamdaman na talaga siya para dito. Nuong una pa lamang niya itong makita sa cafeteria ay may kakaiba na siyang naramdaman para dito na hindi niya kailan man naramdaman sa mga babaeng naikama niya nuon. Lumapit na siya sa pwesto ni Kira at agad na hinatak ito patayo na dahilan para mag reklamo naman ang kasama nitong lalaki. Mag sasalita pa lang sana ang lalaki nang agad niya itong sinapak ng malaks sa mukha. Nabubwisit siya na mas pinili pa ni Kira na makipag landian sa mga lalaking tulad nito kaysa sa kanya. Hinila niya palabas ng bar ang dalagang gegewang gewang na sa labis na kalasingan. Ipinasok niya sa sasakyan niya ang dalaga. "Zach? Sabi ko na nga ba dadating ka eh." Yumakap si Kira sa binata. Ganito palagi ang nangyayari kapag sususnduin niya si Kira na lasing na lasing. Aakalain nitong siya si Zach at pagkatapos ay makakatulog. Dinala ni Sander si Kira sa condo niya at inihiga ito sa kanyang kama. Tinitigan niya muna ito sandali habang natutulog bago siya pumasok sa kanyang banyo at nag shower. Pag labas ay nag suot lamang siya ng pang ibaba bago lumapit sa kanyang kama kung saan nahihimbing si Kira. He kissed her on the forehead bago siya tumabi dito. "Good night Kira." Bulong niya dito. Sumilay ang isang pagod na ngiti sa labi ng babae habang nakapikit pa din. "Good night Zach.." Mahinang sabi ng babae. Napa buntong hininga na lang si Sander bago ipinikit ang mga mata. Medyo nasasanay na din siya na sa tuwing malalsing ito ay aakalain nitong siya si Zach. Y A K I R A Nagising ako nang may maramdaman akong bagay na tumutusok sa may hita ko. Inis na idinilat ko ang mga mata ko ngunit agad na tumambad sa akin ang natutulog na mukha ni Sander. Hindi na bago sa akin ang magising na katabi si Sander pero ngayon ko lang yata siya nakatabi ng nakahubad at halos wala ng suot bukod sa kanyang apng ibaba. Mula sa kanyang malapad na dibdib ay bumaba ang tingin ko sa kanyang p*********i at duon ko lang napag tanto na ang bagay pala na gumising sa akin ay ang kanyang.. OMG! Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong mapatili. Nasa harapan ko ang tayong tayong.. damn it! Bakit ba naka boxer lang ang lalaking 'to? Babangon na sana ako nang biglang may brasong pumulupot sa bewang ko para pigilan ako sa pag bangon. "Eehhhh!" Napatili ako nang maramdaman kong dumikit nanaman iyon sa akin. Agad na nag mulat si Sander at inis na tinignan ako. "What the hell woman?" Iritadong tanong niya. "You fvcking ass get your hands off me!" Tili ko pero hindi pa din ako binitawan ni Sander at mas lalo lamang humigpit ang yakap sa bewang ko. "Eeeewww!" Muli akong napatili dahil mas dumikit sa akin yung you know niya. "Ano ba Snader! Ang baboy mo! Lumayo ka sa akin iwww! Yung ano mooo ano ba!" Agad namang naintindihan ni Sander ang ibig kong sabihin kaya agad niya akong binitawan at mabilis na tinakluban ng unan ang pang ibaba niya. Tumawa ako ng malkas sa inakto niya. "Ohh, gising na si birdie! Good morning birdie." Pang aasar ko sa kanya habang di pa din mag kamayaw sa kakatawa. Hindi ko alam kung anong nakaktawa basta bigla na lang akong natawa sa hitsura niya ngayon na mukhang pahiyang pahiya sa akin. "You witch!" Anito bago bumangon sa kama habang nakatakip pa din ng unan yung pang ibaba niya. Pilyang hinablot ko yung unan na tumataki sa baba niya at tumawa. "Hi there again birdie!" Sabi ko. Agad na tumakbo si Sander papunta sa CR nang may namumulang mukha. "Bye birdie!" Hirit ko pa bago niya maisara ang pinto ng banyo niya. Napahawak ako sa tiyan ko. Ang sakit ng tiyan ko kakatawa. OMG! Hindi ako makapaniwala na ganun pal akalaki ang kay Sander, kaya siguro marami ang naloloko ng hayop na yun. Ang gwapo kaya ni Sander tapos ang ganda pa ng katawan tapos akalain mo yun may mahaba pang sandatang tinatago. Mapapakanin ka na lang talaga pag nakita mo siya. Kaya nga ang daming na iinsecure at naiinggit sa akin dahil ako palagi ang kasama ni Sander. Ewan ko ba sa lalaking 'yun, tila wala na yatang balak magka-jowa. Pag labas nia ng banyo ay nag dirediretso siya sa kusina kaya naman agad ko siyang sinundan. Mukhang nag tatampo ang loko sa ginawa kong pang aasar sa birdie niya. Nag hahanda siya ng almusal namin nang yumakap ako sa kanya mula sa likod. "Are you mad?" Tanong ko habang nakayakap sa kanya. Kung hindi mo kami kilala ni Sander aakalain mo talagang may relasyon kaming dalawa dahil sa pagiging sweet namin sa isat isa. Hindi siya sumagot kaya tumingkayad ako upang maipatong ko ang baba ko sa balikat niya. Hindi pa din siya umimik kaya naman hinalikan ko na siya sa pisnge parang biglang nanigas ang katawan niya ng gawin ko yun. "Sorry na... Hindi ko na aasarin ang birdie mo." Sabi ko pero nanatiling walang imik si Sander hanggang sa maluto ang niluluto niyang itlog at bacon. Umalis na ako sa pagkakayakap sa likod niya at naupo sa harap ng lamesa. Ipinag sandok niya ako ng fried rice at naupo sa katapat kong upuan. "Wala ka ba talagang balak pansinin ako?" "Kumain ka na lang dyan. May pasok ako kaya ihahatid na kita agad sa bahay niyo." "But.." "No buts, Yakira." Napasimangot ako at tahimik na inubos ang pagkaing inihanda niya. Hays. Galit ba siya dahil sa pang aasar ko? Ang babaw naman pala niya. Hindi ko akalain na magagalit siya simpleng bagay na yun. Pag tapos kumain ay nag tangka ulit akong kausapin siya. "Sandy, kausapin mo naman ako oh." Mahinang sabi ko sabay yakap sa bewang niya. Agad naman niya akong itinulak kaya inis na binalingan ko siya. "Ano bang problema mo?" Galit na sabi ko. "Nothing. Iuuwi na kita." "Sander naman!" "Yakira wag ka ng makulit." "Alam mo nakakainis ka na! Bakit ka ba nag kakaganyan?" "Bakit ikaw Yakira? Bakit ka ba ganyan?" Natigilan ako ng mag taas siya ng boses. "Hanggang kailan mo ba balak sirain ang buhay mo? Hindi mo pa din ba matanggap na hindi na babalik si Zachary kahit na anong gawin mo? Kailangan mo pa ba talagang ihain yung sarili mo sa kung sino sinong lalaki para lang balikan ka ni Zach? Kira gumising ka! Patay na si Zach kahit anong gawin mo hindi na siya babalik!" Agad na tumulo ang mg aluha sa mga mata ko. Mabilis at malaks na sinampal ko si Sander. "How dare you!" "Kira! ANO BA! Hanggang kailan ka ba mag kakaganito? Hanggang kailan ka aasa na babalikan ka ng taong imposible ng bumalik! Ako yung nandito Kira oh! Why can't you see me?" "Hindi kita mintindihan." Sabi ko at handa na sana siyang talikuran nang mag salita siya ulit. "Hindi mo ba talaga ako kayang tignan? Hindi mo ba talaga makita na gusto kita- hindi mahal kita Yakira." Agad akong napabaling muli sa kanya at muli nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Alam ko. Alam ko naman matagal na. Pero hindi ko siya kayang mahalin tulad ng pag mamahal ko kay Zach. Hindi ko kailan man kayang palitan si Zach sa puso ko. Hindi ako napapagod na umasang babalik pa siya isang araw dahil alam ko naman na hindi niya ako iiwan basta basta. Babalik yun kahit sobrang imposible alam kong babalik siya sa akin. "Wag mong sirain ang pag kakaibigan natin Sander, please." "Bakit? Hanggang ngayon ba siya pa din ha Kira? Si Zachary pa din ba?" "Wala ng iba." Mapait na ngumiti siya habang may mg luhang bumabagsak sa mga mata niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kon bawiin ang sinabi ko para wag na siyang masaktan pero alam kong pag ginawa ko yun ay mas lalo lamang siyang aasa na may pag asa pang mahalin ko siya. Imposible yun dahil si Zach lang talaga ang mahal ko at ipinangako ko na yun sa sarili ko. "Ihahatid na kita." Aniya sabay punas sa mga mata niya. Nang lalabs na sana siya ay mabilis ko siyang niyakap upang pigilan siyang lumabas. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matiis na makita siyang nasasaktan. Basta ayoko lang. Ayokong pati siya ay madamay sa pag durusang nararamdaman ng puso ko ngayon. Siya na lang ang kaisa isan taong paulit ulit na umiintindi sa akin. Dahil alam ko na napagod na din sila nanay na intindihin ang ugali ko. "Please ayusin natin 'to, Sander. Ayokong pati ikaw mawala sa akin." "Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Hindi ko din naman kasi kaya." Aniya. Mas lalong humigpit yung yakap ko sa kanya habag patuloy lang sa pag agos yung mga luha sa mga mata ko. "Tulungan mo ako Sander.. tulungan mo kong kalimutan siya. Please.. Tulungan mo akong mawala yung sakit sa didib ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na yung puso kong umasang babalik pa siya pero hindi ko kayang kalimutan na lang siya ng basta basta. Hindi ko kaya.. kaya please, tulungan mo ako. Wag na wag kang aalis sa tabi ko, ipangako mo. Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawawala sa akin." "Kahit hindi mo sabihin yan, hinding hindi ako lalayo sa tabi mo." Mas lalo akong naiyak nang sabihin niya iyon. "May isang hiling lang sana ako sayo Kira." "Ano?" "Pwede sa akin mo na lang gawin yung mga bagay na ginagawa mo sa ibang lalaki. Kung gusto mong makipag landian sa iba para bumalik si Zach, pwede bang sa akin mo na lang gawin. Hindi ako aasa wag kang mag aalala. Hindi ko lang talaga kaya na makita kang may kasamang iba. Kaya gamitin mo ako.. use me para makalimutan mo si Zach. Hindi ako mag rereklamo kung nasasaktan na ako. Ayos lang sa akin Kira wag lang sa iba. Wag lang sa iba please." Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niyang iyon. Mahal na mahal niya ako. Bakit ba hindi na lang siya ang mahalin ko? Bakit ba hanggang ngayon si Zach pa din ang hinahanap ko. Limang taon na siyang wala bakit hindi ko pa din siya makalimutan? Bakit napaka hirap sa aking kalimutan ka Zach? Dapat na ba talaga kitang kalimutan? Hindi ka na nga ba talaga babalik tulad ng sabi nila? Hnaggang kailan ako mag hihintay sayo? Bumalik ka na please.. miss na miss na kita. ,

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.4K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
602.1K
bc

His Revenge

read
56.0K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.9K
bc

Bewildered Love [SPG]

read
56.6K
bc

Just Another Bitch in Love

read
35.4K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
536.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook