Chapter 5

1445 Words
Jasmine POV Naalimpungatan siya dahil sa lamig na naramdaman niyang dumapo sa kanyang noo. Unti unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang kanyang Nanay na parang may nilalagay sa noo niya. "Nay!" mahinang turan niya rito. "Kamusta na pakiramdam mo, Anak?" tanong nito sa kanya. Doon lang niya napagtanto na nilalagnat pala siya. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang refrigerator dahil sa sobrang pagkalamig. Idagdag pa na may nakapatong na malamig sa kanyang noo. "Ang taas ng lagnat mo kaninang madaling araw. Mabuti na lang at tiningnan ka kanina ng kapatid mo dahil may itatanong sana sayo." sabi nito. "Yung trabaho ko, Nay." sabi niya. Baka kasi hanapin siya dahil hindi siya nakapagsabi sa boss niya na hindi siya makakapasok ngayon. "Pinadaan ko na si Jr para ipaalam ka. Magpahinga ka na lang muna, Anak, at kung hindi bababa ang lagnat mo hanggang mamayang tanghali ay dadalhin ka na namin sa hospital." bakas sa mukha at boses nito ang pag aalala. Bibihira kasi siya lagnatin. At sa tuwing lalagnatin siya ay lagi siyang dinidiliryo. At nung huling beses lang ay nanganib pa ang buhay niya. Kaya ganon na lang mag alala ang Nanay niya. Gusto man niya itong yakapin pero nanlalamig ang buong katawan niya at nanlalambot ang mga buto niya para tumayo. Bumabaluktot na siya sa sobrang ginaw niya. Pakiramdam niya ay magiging yelo na siya. Namuo ang luha sa kanyang mata. Dahil ganito rin ang naramdaman niya nang huli siyang lagnatin at muntik pang bawian ng bahay. Kaya naman nakiusap na siya sa Nanay niya na dalhin na siya sa hospital. Dali dali namang naghanda ang kaniyang mga magulang para dalhin siya sa hospital. Kahit hinang hina at lamig na lamig na siya ay ramdam niya ang pagbuhat sa kanya. Hindi niya matukoy kung sino ang bumuhat sa kanya. Hanggang sa mawalan na siya ng ulirat. Pagkagising niya ay inilibot niya ng kanyang paningin sa paligid. Nasa hospital na siya. Dahil iisang hospital lang meron sa bayan nila ay dito siya dinala. At nasa unang palapag lamang siya. Pero hindi niya matanaw ang mga magulang niya. May nakakabit na swero sa kanya at tanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang nurse station. Gusto niyang tawagin ang isang nurse pero parang nanunuyo ang lalamunan niya at walang lumalabas na boses. Ilang sandali pa ay dumating na ang Tatay niya. "Gising ka na pala, Anak." nakangiting sabi nito. "Gusto mo bang kumain?" tanong ng Tatay niya. Dahil hirap siya magsalita ay tanging pag iling lang ang isinagot niya rito. Kahit nakangiti ang Tatay niya ay bakas rito ang pag aalala sa kanya. "Tubig." bulas niya na hirap pa niyang bigkasin. Agad naman siyang binigyan nito. "Alam mo, Anak, sabi ng Doktor kanina, mabuti raw at nadala ka namin agad dito." Nginitian niya ito. "May masakit pa ba sayo, Anak?" Dahil hirap siya magsalita ay itinuro na lang niya ang kanyang lalamunan. Agad naman nitong naintindihan. "Magtatanong lang ako sa nurse kung ano pwedeng gamot dyan, ha." pagkasabi nito ay iniwan na siya at nagtungo na ito sa nurse station. Bahagya siyang napangiti. Napagtanto niya na ang swerte niya sa pamilya niya. Hindi man marangya ang buhay nila ay sagana naman sila sa pagmamahalan. Kahit may edad na ang mga magulang niya ay inaasikaso pa rin siya ng mga ito. Nagulat siya nang biglang may humawi sa telang nakaharang sa higaan niya. Pang maramihan kasi ang kwarto niya kaya may mga harang ang bawat kama roon. "Jasmine!" bungad ni Henry na kasama niya sa trabaho. Nanliligaw ito sa kanya. At kahit ilang beses na niya itong tinanggihan ay patuloy pa rin ito sa panliligaw sa kanya. Wala pa kasi sa isip niya ang pagboboyfriend. Kilala na rin ito ng pamilya niya dahil dumadalaw ito paminsan minsan at dahil may sarili itong motor ay hinahatid din siya nito minsan pag sabay ang labas nila sa trabaho. Gusto ko itong tanungin kung ano ang ginagawa nito sa hospital kaso nahihirapan siyang magsalita. "Kamusta ka? Nabalitaan ko kasi na dinala ka rito sa hospital kaya pinuntahan kita pagka out ko sa trabaho." paliwanag nito na parang nabasa ang nasa isip niya. Lumunok siya at bahagya siyang napapikit nang maramdaman niya ang kirot sa lalamunan niya na siya naman na pagkataranta ni Henry. "Okay ka lang? Anong masakit sayo?" sunod sunod na tanong nito. "Masakit ang lalamunan niya. Kaya hirap siya magsalita." sabi ng Tatay niya mula sa likuran ni Henry. "Magandang gabi po, Tito." bati nito sa Tatay niya sabay mano rito. "Magandang gabi rin." sabi ng Tatay niya. "Natuyuan lang daw ang lalamunan mo kaya sumasakit." sabi sakin ng Tatay ko saka ako inabutan ng tubig. "Kamusta po ang lagnat niya, Tito." "Okay naman na siya sabi ng Doktor kanina." "Mabuti naman po kung ganon. Medyo nag alala po kasi ako kanina nung sabihin nila sa trabaho na nagpunta raw po si Tita sa shop, eh, wala pa po kasi ako kanina kaya nabanggit po sakin." "Okay na siya. Inoobserbahan na lang kung makakalabas na siya bukas. Tsaka wag kang mag alala at magpapakasal pa kayo. Natatawang turan nito. Bigla siyang napaubo sa sinabi ng Tatay niya kaya sumakit nanaman ang lalamunan niya. Nung nalaman pa lang nila na gusto nitong ligawan siya ay boto na ang mga ito sa kanya. Kaya ganon na lang kung magbiro ang mga ito. At kaya naman patuloy ito sa panliligaw sa kanya kahit ilang beses na niya itong tanggihan. Ilang sandali pa ay inaya na ng Tatay niya si Henry sa labas para makapagpahinga pa raw siya. Nang di na niya matanaw ang mga ito ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Agad naman siyang nakatulog dahil sa dextrose na dumadaloy sa katawan niya. Naalimpungatan siya nang may marinig siyang umiiyak dahil may pumanaw na pasyente sa kwarto nila. Pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya si Henry sa tabi ng kama niya sa bandang kanan niya. Tulog na tulog. Wala ang mga magulang niya at ito lang ang nagbabantay sa kanya. Tatapikin na sana niya ito nang bigla niyang maalala na baka kakaidlip lang nito. Kaya napatingin siya sa nurse station dahil may orasan doon kaya nakita niya na umaga na pala. Ilang sandali pa ay nagising na si Henry. "Gising ka na pala?" bungad nito habang nagtatanggal ng muta. "Gutom ka ba? O naiihi?" "Okay lang ako." sabi niya medyo nahihirapan pa rin magsalita. "Asan si Tatay?" tanong niya rito. "Pinauwi ko na sila kagabi." saagot nito. "Sila? tanong niya sa isip niya. Ibig sabihin ay nandoon ang Nanay niya pero hindi man lang niya ito nakita. "Nagrequest na rin ako ng day off ngayon kaya ako na nagbantay sayo. Baka papunta na rin sila ngayon." sabi nito na napatingin sa relong suot nito. "Salamat." aniya. Napaisip siya. Mabait naman ito at may galang sa mga magulang niya. Wala rin itong bisyo. Kasundo na rin nito ang kapatid niya. Gwapo rin ito. Lalo pang nagpapagwapo rito ang suot nitong salamin. Maputi rin ito at matanggad. Kaya di niya lubos maisip kung bakit hindi siya naiinlove rito. Marahil ay dahil sa hindi pa niya ito priority sa ngayon. "May tubig ba dyan?" tanong niya rito. "Nauuhaw ako." May dinampot ito sa baba. "Ito." sabi nito sa hawak na isang bote ng tubig. Dahil may nakakabit na swero sa kaliwang kamay niya ay di niya ito mabubuksan kaya ito na ang kusang nagbukas para sa kanya. Aabutin na sana niya ang bote ng tubig nang ilapit na nito sa bibig niya. Kaya iniawang na lang niya ang mga labi niya para makainom na rin siya. Naubos niya ang laman ng bote ng tubig. Pakiramdam niya ay isang linggo siyang hindi uminom ng tubig sa pagkauhaw niya. Nagulat naman ito dahil naubos nga niya ang tubig. "Wala ka na bang ibang nararamdaman?" tanong nito pagkatapos niyang uminom. "Wala na." sagot niya. "Salamat sa pagbabantay. Hindi ka pa pumasok dahil lang sakin." "Okay lang yun. Ikaw pa ba, eh, ang lakas mo sakin." nakangiting sabi nito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga magulang niya. May mga dala itong pagkain. Hindi nila kasama ang kapatid niya. Marahil ay sinabihan nila ang kapatid niya na wag na magpunta. Ayaw rin niya na hindi ito pumasok dahil lang sa kanya. Lalo na ilang buwan na lang ay gagraduate na ito. Pagkatapos namin mag agahan ay sakto naman ang pagdating ng Doktor at pinayagan na rin siya na umuwi pagkatapos siyang suriin ng Doktor. Kaya naman inasikaso na kaagad ng mga magulang niya ang bills niya. Naiwan si Henry sa tabi ko at ito na rin ang nag ayos ng mga gamit nila na dapat dalhin palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD