Chapter 1

1429 Words
Jasmine POV Napabalikwas ng pagkakaidlip si Jasmine sa pagyugyog sa kanya ng kasama niya sa trabaho na si Ericka. Kasalukuyan pa lang siyang nasa kalagitnaan ng kanyang lunch break. Dahil may isang oras naman siyang break at iniidlip niya ang mga natitirang minuto sa break niya pagkatapos kumain. "May naghahanap sayo" sabi ni Ericka nang magmulat siya ng kanyang mga mata. Napakunot siya ng noo. Sa ilang taon kasi niya sa trabaho ay ngayon lang may naghanap sa kanya. Lumaki kasi siya na walang malalapit na kaibigan. Kahit nung nag aaral pa siya ay hindi siya nakikihalubilo masyado. Ngayon ngayon lang siya nagkakaroon ng kaibigan mula nang magkatrabaho siya. "Sino raw?" tanong niya rito at kibit balikat lang tanging isinagot nito. Nag inat muna siya bago nagtungo kung saan naroon ang taong naghahanap sa kanya. Nasa labas ito kung saan siya nagtratrabaho. At dahil salamin lang ang pader nito ay nakita na niya agad yung taong naghahanap sa kanya. Nakatalikod ito at naka t-shirt at short lang ang suot nito. Sa tanya ay nasa 50's na ito. Kumunot ang noo niya sa kadahilanang hindi niya ito kilala. Nang makalapit siya rito ay agad niya itong tinanong kung sino ito. "Sino po sila?" maalumanay na tanong niya rito. Humarap ang lalaki. "Ikaw ba si Jasmine?" balik tanong nito sa kanya. "Opo. Ako nga po." sagot niya. "Ako pala si Robert Jimenez." pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay nito. Nakipagkamay naman siya. "Tatay mo ba si Wilfredo Solidad?" "Opo. Bakit po?" "Nasa hospital kasi siya." nagulat siya sa sinabi nito. "Nabangga ko kasi siya kanina." Construction worker lang ang Tatay niya at bibihira ito magkaroon ng trabaho. dahil may edad na rin ito. Sinabihan na niya ito na wag na magtrabaho mula nang magkatrabaho siya pero mapilit ito at paminsan minsan lang naman daw siya magkatrabaho. Hindi man kalakihan ang sinasahod niya bilang isang service crew pero sumasapat na rin para sa pang araw araw nila at napagpapaaral rin niya ang kapatid niya. "Kamusta po siya?" tanong niya rito. "Okay naman siya. Hinihintay na lang yung findings sa kanya. Iniwan ko na siya sa hospital para puntahan ka. Tinanong ko kasi kung may number siya sa pamilya niya para matawagan ko at maipaalam yung nangyare pero wala raw siyang cellphone. Kaya tinanong ko na lang kung saan may malapit siyang kamag anak. At ikaw nga yung tinuro niya. Since malapit lang naman kaya pinuntahan na kita." pagpapaliwanag nito. "Malubha po ba yung lagay niya?" tanong niya rito. "Okay naman na siya. Nagaalala lang kasi ako sa tatay mo. Baka kasi may hindi pa okay sa pagkakabangga ko kaya minabuti ko nang dalhin siya sa hospital. Tsaka wala ka ng babayaran sa hospital." "Salamat po." sagot niya sabay ngiti rito. Nginitian rin siya nito. "Aalis na rin ako. Sabi pala niya wag ka na mag undertime, hihintayin ka na lang daw niya sa hospital." "Maraming salamat po." pagkasabi niya ay nagpatiuna na rin itong umalis. Isang magandang sasakyan ang pagmamay ari nito. Dahil ilang oras na lang din ang duty niya ay di na siya nag undertime tulad ng sabi ng lalake kanina. Dahil isang hospital lang naman ang meron sila sa bayan nila ay agad na siyang nagtungo roon. Iisang hospital lang pero malaking hospital ito. Meron itong anim na palapag. Maluwang din ito. Sa pinakababa ay para sa mga taong kapus sa buhay. At yung limang palapag ay para sa may kaya naman sa buhay. Pagkarating niya sa hospital ay agad siyang nagtanong sa nurse station kung saang kwarto ang Tatay niya. Laking gulat niya nang sabihin ng nurse na nasa pangalawang palapag ang Tatay niya. Naalala niya ang sinabi ng lalake kanina na bayad na ang lahat. "Tay, kamusta po kayo?" agad na tanong niya sa Tatay niya nang makarating siya sa kwarto nito. "Ayos lang ako, Anak." sambit naman nito. "Sinabi ko na kasing wag na kayo magtrabaho. Kaya pa naman at di pa naman tayo kinakapos." "Oo na. Titigil na ako. Wag mo na lang mabanggit sa Nanay mo ang nangyare." "Tingin niyo di niya malalaman?" tanong niya rito. "Sa dami ng kakilala ni Nanay ay malamang bukas malalaman din niya." Hindi sikat ang Nanay niya pero marami ang nakakakilala rito sa lugar nila. Higit na mas kilala ang Nanay niya kesa sa Tatay niya. Umayos nang pagkakaupo ang Tatay niya sa kama saka hinawakan ang kamay niya at may inabot itong maliit na sobre. "Huling sahod ko na yan, Anak." saad nito. "Nagpaalam na ako kanina sa boss ko. Idagdag mo na yan sa pang tuition ng kapatid mo." Bumuntong hininga muna siya saka naupo sa tabi nito. "Tay, sa inyo na yan." nakangiting sabi niya rito. "May natitira pa naman ako dito tsaka magsasahod na rin ako sa susunod na araw. Ang mabuti pa ayain mo na lang si Nanay. Mamasyal na lang kayo kasi alam ko matagal niyo nang di nagagawa yun." Mula nang magkaisip siya ay di na nakapamasyal ang mga magulang niya na silang dalawa lang. Palaging silang magkapatid lang ang pinapasyal ng mga ito. "Tay, totoo po ba yung sinabi nung lalake sakin kanina?" pag iiba niya sa usapan. "Ang sabi kasi niya nabangga niya raw kayo? Eh, wala naman kayong galos?" Ngumiti ito bago sumagot. "Boss ko yun, Anak." sagot nito. "Nagmagandang loob siya nung bigla akong mahilo habang nagtratrabaho." Puno ng pagtataka sa mata niya sa sinabi nito. Kung boss niya ito bakit iba ang sinabi nito sa kaniya? "Bakit iba yung sinabi niya sakin, Tay? Tsaka binayaran niya yung bill niyo tapos binigay pa sahod niyo?" "Basta ang sabi ko sa kanya wag niya sabihin sayo na nahilo ako. Baka yun yung naisip niya." Habang palabas sila ng hospital ay hindi pa rin niya maiwasang mapaisip. Sobrang bait naman ng boss ng Tatay niya para tulungan ito. Nang makauwi na sila sa bahay ay agad na sinalubong ng Nanay niya ang Tatay niya. Marahil ay alam na nito ang nangyare sa kanyang ama. "Hay, sa wakas at umuwi ka rin." anito. "Kanina pa ako nag aalala sayo. Ano bang nangyare at ngayon ka lang?" Nag aalalang tanong nito sa Tatay niya. Nagkatinginan sila ng Tatay niya. Ang buong akala niya ay alam na nito ang nangyare. "Hinintay ko lang kasi yung sahod ko, Mahal." pagsisinungaling nito. "Eh, bakit sabay kayong dalawa na nakauwi?" tanong muli ng Nanay niya. "Nagkasabay po kasi kami sa may sakayan, Nay, kaya sabay po kami." pagsisinungaling din niya. Mabuti na lang at hindi pa nakakarating sa Nanay niya ang tungkol sa nangyare sa Tatay niya. Kung hindi ay magdamag nanaman silang makakarinig ng kung ano ano sa Nanay niya. Mabunganga ang Nanay niya pero hindi naman ito nananakit. Isang araw lang ay okay na ulit ito. Ayaw lang nito na nagsisinungaling sila. Pero dahil sa nangyare sa Tatay niya ay nagawa nilang dalawa ang maglihim. "Ate, may kailangan akong bilhin para sa project namin next week." sabat ng kapatid niya. Mabuti na lang at sumabat ang kapatid niya. Hindi na mapapahaba pa ang pagtatanong ng Nanay niya. 4th year college na ang kapatid niya kaya lahat ng hilingin nito ay binibigay niya basta para sa pag aaral nito. Ayaw niyang hindi ito makapagtapos. Dahil huminto siya sa pag aaral para lang makapagtapos ito dahil hindi na kaya ng mga magulang nila na pag aralin silang dalawa. "Bukas ko na lang ibigay, ha." nakangiting sabi niya rito. "Thank you, ate." tuwang tuwang sambit nito. "Jr, siguraduhin mo lang na hindi sayang ang paghihirap namin sayo." sabi ng Tatay niya sa kapatid niya. " Lalo na yang Ate mo. Huminto yan para lang sayo." "Tay, pangako po hinding hindi ko sasayangin lahat ng sakripisyo ninyo." sagot naman ng kapatid niya. "Hintayin niyo isang araw isasabit niyo yung pangalan ko dyan sa labas ng bahay ATTORNEY WILFREDO SOLIDAD JR." sabi nito. "At ikaw rin ang susunod na mag aaral ulit, Jasmine." sabat ng Nanay niya. "Hindi na ho kailangan, Nay." sagot niya. "At bakit hindi?" tanong ng Tatay niya. "May trabaho na ho ako." "Mag aaral ka ulit" sabi ng Nanay niya. "Sige ho, pag iisipan ko ho." sabi niya para hindi na mangulit ang mga ito. Mula nang magkatrabaho siya ay nawala na sa isip niya na mag aral muli. Mataas man ang pangarap niya ay mas minabuti na niyang ipagpaubaya na lang sa kapatid niya ang mga pangarap niya. Nang matapos silang maghapunan ay agad siyang nagtungo sa kanyang silid para magpahinga. Pagkapasok niya ay humiga siya sa kama. Patagilid siyang humiga. Mas madali kasi siyang makatulog pag nakatagilid siya kaya agad siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD