When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Wala na siyang nagawa kundi ang aminin sa ina ang dahilan at kung bakit nangyari sa kanya iyon. Mula sa umpisa hanggang sa humantong siya sa bahay ni Mr. Santos, ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Nag-iyakan silang mag-ina nang dumating ang kinakasama nito na may pagtataka sa tingin sa kanilang mag-ina. "Ano'ng nangyayari?" naguguluhang tanong nito sa ina. Doon ay nagpahid naman ng luha ang ina saka hinarap ang kinakasama nito, pagkakataon naman na 'yon ni Grace na pumasok na muna sa kanyang kuwarto at mula roon ay dinig na dinig ang tinig ng ina habang sinasabi sa kinakasama nito ang kanyang kalagayan. Wala siyang narinig na salita buhat sa lalaki. Bagay na ipinagpasalamat niya, akala niya ay sasabihin nitong wala siyang pinagkaiba sa kanyang ina. Minabuti ni Grace na magkulong na lama