Nang makarating sa plaza ay mahaba na nga ang pila. Pupungas pungas pa ang anak habang kalong ito. Nangangalay na siya at pagod nang sa wakas ay sila na ang sasalang upang ipaheck up ang anak. Mabuti na lamang at tuluyan na itong nagising. "Mommy," anang pa nito nang lalapitan ito nang isang volunteer worker. "Yes baby. Nandito lang si mommy," alo dito. "Ate, saglit lang ah. Busy pa si doktora," ani ng isang nurse habang kinukuhanan nang vital signs ang anak. "Okay lang," aniya saka ngumiti rito. Nang maya-maya ay nakita na ang isang matandang nakatayo sa harapan nila. Nabigla siya nang makita ang mukha nito. Mukha kasing nakita niya na ito ngunit hindi niya matandaan. Maya-maya ay nakita niyang natitigilan ito habang nakatingin sa kanyang anak. "Aheeemmmmm..." tikhim niya na nag