Napatigil si Grace sa sinabi nang lalaki. 'Isang daang libo,' aniya sa utak. Nagtatalo ang isipan kung papatusin ang sinabi ni Mr. Santos tutal ay ito lang din naman ang una at huling lalaking nakaangkin sa kanyanf katawan. Nakita ni Dexter na natigilan ang babae sa kanyang sinabi. Bagaman hindi ito lumingon ay alam niyang bibigay ito, sa mga katulad nito, pera lang naman ang katapat. Para sa kanila, Diyos ang pera, para sa kanila basta may pera handa nilang gawin ang lahat. 'Ganoon naman ang babaeng bayaran, hindi ba?' kutya ni Dexter sa isipan. Nang wala pa rin siyang narinig mula kay Grace ay muli siyang nagsalita. "Alam mo pa rin naman siguro ang papunta sa dati kong apartment. Hihintayin kita bukas ng gabi," saad pa ni Dexter. Matapos magsalita ay nakita niyang muling nagpatuloy