Nagtawanan silang dalawa sa mga ginawang kapilyuhan. Muli ay humantong sila sa isang mahabang mesa na hitik sa pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga ng mga ito ang kanilang pagdating. "Naku! Salamat balae sa mainit na pagtanggap," natatawang turan nang ina habang asikasong asikaso sila nang mga naroroon. "Wala iyon balae," ani nang mama ni Dexter. "Kulang pa nga ito. Sa hirap na pinagdaanan niyo para dito sa apo natin." "Wala iyon balae. Dito pa lang ay bawing bawi na kayo," di mapigilang tawa nang ina. "Mas mabuti sigurong dumito na muna kayo," suwestyon naman nang papa ni Dexter na tuwang tuwang sinusubuan pa ang apo. "Guys. Don't spoil her too much," awat ni Dexter sa magulang dahil hindi magkandatuto ang nga ito upang asikasuhin ang apo nila. Labis-labis ang nadaramang kasiyahan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books