4: Blackmail

1579 Words
"A—ANO? A— Anong pinagsasasabi mo d'yan?!" Pagak na natawa si Knight sa nahimigan niyang panginginig ng boses ng babaeng basta na lang sumukat ng singsing niya na nagkakahalaga ng sampung milyon. To be honest, kanina niya pa napuna talaga na bagama't kinulang sa tamang pananalita ang babaeng kaharap niya ngayon, maganda 'to. Hindi 'to pure blooded Filipina. Halata sa features nito, mas lalong sa mga mata nito na matingkad ang pagka-gray sa tuwing nasisinagan ng ilaw. Sa biglaang tingin ay itim 'yon, pero once na titigan mo sa malapitan— katulad na lang ngayon na inilapat niya sa ibabaw ng bubong ng kotse niya ang mga braso niya at nang-uusig na inilapit niya ang sarili niyang mukha sa mukha nito— kulay abo na 'yon at ang pagkaabo pa ay talaga namang nakakahatak ng kaluluwa... Muntik na nga niyang isipin na budol 'to kanina. What a shame for an almighty businessman like him. Nakakahiya na dahil lang sa singsing na may kalakihan man ang halaga ay hindi naman niya ikalulugi kung tutuusin, nagawa niyang manghusga ng kapwa. Nakakahiya para sa tulad niyang businessman na humakot na ng parangal patungkol sa mahusay na achievements sa larangan ng negosyo ang maniwala na nag-e-exist ang hallucination budol or whatever they called it, damn it. "Ano ang nakakatawa? A—Ang creepy mo na ah..." At para yata mas ma-emphasis ang huling sinabi, hinaplos ng babae ang sariling mga braso nang ipagkrus nito 'yon sa dibdib na animo naman ay may pinoprotektahan din sa kaniya sa ginawi nito. Napangisi siya, maano ba naman na mangsindak siya ng makulit na babae ngayon hanggang sa makumbinsi niya 'to sa alok niyang fake marriage rito. Nah, hindi niya naman hahayaan na tumanggi 'to. Hindi pa pinapanganak ang babaeng makakatanggi kay Knight Winters, alright, bigla na lang niyang naisip kanina na gamitin ang singsing na ayaw maalis sa daliri nito upang mapapayag niya 'to sa gusto niya but of course, kailangan niyang i-consider ang side nito. What if may boyfriend 'to? What if may asawa? May ka-live in partner? Maigi na ang sigurado. Parang sa negosyo lang 'yan, hindi pupuwedeng 'pag maisip mo, susunggab ka na. Kailangan mong timbangin ang mga bagay-bagay para hindi ka mapasubo, 'ika nga. "Sa g'wapo kong 'to, naki-creepy-han ka, miss?" aniya rito sa pa-cute na paraan. Er, akala niya ba sisindakin niya? Bakit nang makita niyang tila nahihintakutan na nga 'tong tunay sa kaniya ay bigla na lang nagbago ang timpla niya sa isang iglap. "A—Alondra. Alondra Palma ang pangalan ko," wika nito. Pagkatapos ay wala sa sariling napahimas 'to sa sariling leeg at napalunok. Iniwasan din nito ang mga mata niyang nakatuon dito. Napadiretso siya ng tayo. Okay, hindi niya gusto ang biglaang pagsalakay sa kaniya ng pakiramdam na parang kinatatakutan siyang tunay ng babaeng kaharap. Bilang lalaki, hindi 'yon counted na nakakaastig sa kaniya, ewan lang niya sa iba. Tumikhim siya. Nakuha naman niyon ang atensyon nito, tinignan siya. Pero sulyap lang 'yon, natuon na kasi ang tingin nito pagkatapos sa mga palad at sinimulan na naman nitong pilit alisin ang singsing sa daliri nito. "Hayaan mo na 'yan kung hindi maalis," aniya. Tiningala siya nito nang tila mapagod 'to sa pag-alis ng singsing ay sumusuko na 'tong naupo sa front seat ng kotse niya. "Nakakainis naman! Gusto ko lang naman na isukat talaga 'to at nagandahan kasi ako!" nagrereklamo nitong saad, ngunit nasa tono ang pakiusap. He let out a breathe before he speak again, "Look, about sa sinabi ko kanina sa 'yo, habang hindi pa matanggal 'yan sa daliri mo, subukan mo na muna ang alok na maging fake wife ko." Desperado na siya. Oo, desperado na siyang mapabalik si Gayle sa buhay niya. Matapos kasi nitong hindi tanggapin ang inalok niyang kasal para rito ay basta na lamang hindi na niya 'to makontak. Tinaguan na siya ng girlfriend. Hindi man lang 'to nag-effort na makipag-cool off. At dahil kilala niya 'to, alam niya sa naiisip niyang gagawin ay mapapalabas niya 'to. Mapalabas 'to sa mula sa pinagtataguan nito at mapapabalik sa buhay niya. Tama, gagawin niya ang lahat hanggang sa ma-realize ni Gayle na balikan siya. At tama rin ang idea na pumasok sa kukote niya kanina— pagpapanggapin niyang asawa niya si Alondra, tutal naman ay nasa daliri na nito ang singsing na inalok niya kay Gayle kagabi. Sa gagawin niyang 'to, mapagseselos niya na si Gayle, maibabangon niya pa ang natapakan nitong pagkalalake niya. Goddamn it, hindi naman niya hiniling dito na agad-agad ay pakasalan siya. Inalok lang naman niya 'to ng kasal kagabi upang maipabatid niya rito na wala na siyang babae na nakikitang mapangasawa kung hindi, ito na. Na wala na siyang ibang babae na nanaisin pa, na hindi na niya 'to gustong mawala pa sa kaniya. Kaso nga, nabigla niya yata 'to masyado kaya tumanggi 'to. At aaminin niyang isang malakas na suntok sa ego niya 'yon. "Fake wife? Naririnig mo ba ang sarili mo?" maang na tugon ni Alondra sa kaniya. Kunot na kunot ang noo nito. "Oo, malamang, ako ang nagsalita," he replied sarcastically. "Saka, hindi kita pinapapili rito ng oo o hindi, na para bang ako pa ang kailangan na mag-adjust sa katangahan mo kaya hindi maalis ngayon 'yan sa daliri mo. Pinapapili kita sa papayag kang maging fake wife ko habang hindi 'yan matanggal sa daliri mo o I will sue you. But unless of course, may sampung milyon ka ngayon na ibibigay sa 'kin." ALONDRA gritted her teeth. Tinignan din niya ng masama si Knight. Alam niyang kung bumubuga ng bala ang panlilisik ng mga mata niya ngayon ay kanina pa 'to bumulagta. Napakatuso nito. May pagka hudas! Ayaw man niyang isipin pero hindi niya maiwasan, bina-blackmail siya nito ngayon para sa pansariling benepisyo nito. Malinaw na nakarating 'yon at na-proseso ng utak niya. "Ginagawa mo 'to dahil dinig kong tinanggihan ng girlfriend mo ang alok mong kasal kagabi." Knight smirked. Lihim na nakagat niya ang sarili niyang dila bigla, ang daldal niya, baka mapahamak si Ailah! "'Yong si Ailah, saksakan talaga ng daldal." "Ikaw ang madaldal!" Well, oo, aaliwin niya na muna 'to para makalimutan nito 'yon. "Puro ka satsat d'yan, nakapamulsa ka pa, look at you, standing tall and proud, pero kung alam lang sana ng lahat na nagagawa mong mang- blackmail ng isang babae na 'di hamak na mas maliit sa 'yo, sigurado akong pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo." His eyes darkened. Kahit nagulat siya sa pagbabago ng ekspresyon ng mga mata nito ay hindi 'yon pinahalata ni Alondra rito. "Ano? Hindi ka makasagot dahil 'yon ang totoo! Bina-blackmail mo 'ko, pinipilit na maging asawa mo. Alam kong adult na 'ko at hinahanapan na 'ko ng lahat ng kaibigan ko ng asawa, alam ko rin na maganda ako, pero hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng girlfriend mo kung sakali?" Sa gulat niya, ang kaninang matiim na titig nito ay biglang nagbago— real quick nga e, parang naaliw 'to pagkatapos mainis sa kaniya...? "A—Ano ang nakakatawa? Baliw ka ba?" Nagatataka niyang tanong dito. Tumatawa na talaga ang kabalyero. Malakas 'tong tumatawa habang nakatingala, ang isang palad ay nakapamulsa, habang ang isa ay nakasapo sa sariling batok at minamasahe 'yon. Sinulyapan siya nitong muli matapos ang munting serye ng halakhak na pinakawalan nito. "So, iniisip mo talaga na bina-blackmail kita ngayon dahil maganda ka?" Napaamang siya. Sa dami ng mga sinabi niya, 'yon pa talaga ang naalala nito! Hudas talagang kabalyero! "O, e, maganda naman talaga ako ah! Wala pang taong nagsabi na pangit— ako..." Hayun na naman ang kabalyero sa mabilis na kilos nito, hindi na naman niya nahulaan na lalapit 'to sa kaniya, sa puntong ang mukha ay sobrang lapit. Pero buti na lamang at sa pagkakataong 'yon, hindi siya napaamang at napapikit, hindi niya naipakita na nagulat siya sa aksyon nito, bagkus ay sakto nga rin lang ang eyeballs niya sa eyeballs nitong tila inaarok ang kaluluwa niya sa pamamagitan ng pagtitig nito sa kaniya. Kung napuna man nito na naipagsalikop niya ang mga palad niya sa gulat niya rito at nahaplos niya rin ang singsing nito, hindi niya masabi. Hindi niya masabi dahil ewan ba niya kung saan nanggaling ang parang kung anong hangin o ano, na umikot sa sikmura niya bigla... "Maganda ka nga," ani Knight, pinaghayon ang mga mata sa kabuuan ng mukha niya, "ang mga mata mo ay kulay abo, ang ilong mo ay matangos at maliit, hugis puso ang maliit mong mukha, at ang labi mo... ganyan ang papangarapin na labi ng isang babaeng katulad mo, mapula kahit walang bahid ng kung ano..." "A—Ahm..." "Pero— flat ka. Walang korte ang katawan mo." Napasinghap ay napanganga siya sa sinabi ni Knight. Dinagdagan pa nito ang sinasabi! "Tapos ngayon ay hindi mahirap hulaan na kahit ganyan kaliit ang katawan mo ay malakas kang kumain." "H—Huh...?" "Wake up, Ms. Alondra Palma, hindi ang tipo mo ang gugustuhin ko at aabot sa puntong iba-blackmail ko, maging asawa ko lang." Napapikit na lang si Alondra nang pitikin ni Knight ang ilong niya— masakit 'yon ah! "Ouuuch!" daing niya, bago niya naramdaman ang palad ni Knight sa binti niya, ipinasok na nito 'yon sa loob ng kotse nito at saka pabalagbag na isinara nito ang pinto ng kotse. "Please fasten your seatbelt, Ms. Palma." 'Yon lang ang narinig niyang huling salita mula rito, bago naramdaman na lang niyang kailangan niyang tumili dahil kaskasero pala ang kabalyero!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD