Abala ang lahat sa nakasanayang gawain sa araw-araw, napakapayapa ng lugar at masasabing para sa mga taga naninirahang angkan na naroon ay kontento na sila sa gano'ng pamumuhay.
Lingid sa ka-alaman ng may paparating na panauhin na magpapabago sa katahimikang kanilang paninirahan doon.
"Inang, maglalaro lang po kami ni Javar. Maari po ba?" Abala si Magayon sa paglilinis ng kanilang bakuran nang magpaalam ang anak.
"Oh sige, 'wag kayong lalayo na dalawa ha," bilin pa nito sa anak bago pinayagan.
"Opo Ina, hindi po kami lalayo!" Nakangiting tumakbo na palayo si Amir upang puntahan ang pinsang si Javar.
Si Datu Akbhari naman ay naglilibot kung kumusta ang lahatat para malaman ang kaayusan ng kanilang tribo. "Magandang umaga, Datu," bati ng bawat madaraannan nito.
"Magandang umaga rin sa in'yong lahat. Kumusta naman ang mga alaga nating mga hayop at pananim? Wala naman ba'ng problema?"
"Wala naman po, maganda po ang kalusugan ng ating mga anang hayop pati na rin po ang mga pananim ay masagana naman po ang ani," ani nang isang babae. Tumango naman si Datu sa at napanhito sa nalaman.
"Mabuti naman kung gano'n, hindi magugutom ang lahat. Pag-igigan niyo pa ang pag-aaalaga para marami tayong maani."
"Opo Datu," ani pa ng babae. Nagpatuloy si Datu sa pagbisita sa iba pa nang biglang humahangos si Magno na tumatakbo palapit kay Datu.
"Datu! Datu Akbhari!"
"Bakit? Anong nangyari't nagmamadali ka?" tanong ni Datu at kalmado lamang ito upang makinig Sa sasabihin ni Magno.
"M-may mga papalapit, palagay ko ay dito sa atin ang tungo!" Naging alisto naman si Datu.
"Kung sino man sila ay handa ko silang harapin. Ipunin mo ang tribo at ang mga bata ay papasukin sa kabahayan, 'wag palabasin," ani nito kay Magno na agad naman sumunod sa iniyo nito. Umuwi naman si Datu upang puntahan ang mag-ina niya habang wala pa ang mga taong sinasabi ni Magno.
"Iron," tawag niya kay Magayon. Lumingon ito sa kan'ya habang naglilibot ng bahay. Saglit itong tumigil sa ginagawa at lumapit sa kan'ya.
"Bakit Iron? May kailangan ka ba?"
"Nasaan si Amit?"
"Ah...nado'n kasama si Javar, nagpaalam siya kanina sa 'kin na maglalaro silang magpinsan. Bakit?" tanong nito kay Datu.
"Pauwiin mo na muna sila, may paparating umano sabi ni Magno. Mahirap na't hindi tayo sigurado sa mga iyon." Tumango naman si magayon at agad na umalis upang sunduin ang mga bata.
Lumabas na siya upang paghandaan ang paparating na panauhin. Naroon na rin naman ang lahat kung kaya't kina-usap niya ang mga ito. "Makinig kayong lahat! Ang sabi niagno ay may mga praying kung kaya't maghanda kayo, maging alisto. Hindi natin alam kung ano ang pakay nila sa atin, alam kong dito sila patungo.
"Nasabihan ko po sila Datu Akbhari, nakahanda na po ang lahat," tugon ni Magno.
"Mabuti kung gano'n."
Maya-maya lang ay na ng mga ito ang mga paparating, puro lalaking ito nakaitim at kita nila ang mga iba't ibang mga armas na bitbit ng mga ito. Hinintay ni Datu Akbhari na makalapit ang mga ito upang malaman ang kanilang sad'ya.
"Magandang umaga mga, kaibigan," bati ng isang lalaki nang malalapit na sila Lina, Datu.
"Magandang umaga rin, maari ba naming malaman kung ano ang in'yong pakay dito sa amin?".hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Datu agad na niyang tinanong ang mga ito ngunit ngumisi lang ito sa kan'ya,
"May gusto lamang kumausap sa in'yo ang aking Amo. Puwede ba malaking dalawa ang muna?" Agad na akong my Datu Gusto niya na kung ana man ang sasabihin nito ay malaman din agad ng mga ka-tribo niya.
"Pakisabi na dito na lamang kami mag-usap. Gusto kong marunong ng mga nasasakupan ko kung ano man ang kan'yang sasabihin," matatag nitong sabi sa lalaking kaharap.
"Oh sige, kung iyan ang gusto mo. Saglit lamang at ipapatawag ko ang aking Amo," may binulong ito sa kasama at agad na ring tumalima. Ilang saglit lng ay bumalik na ito kasama ang isang lalaking may edad, mataman lamang itong tinitigan ni Datu Akbhari. May mga alahas itong suot, intimidyante sa unang tingin ngunit nang makalapit na sa kan'ya ay malapad itong ngumiti.
"Magandang umaga sa 'yo kaibigan at sa in'yong lahat," panimulang bati nito.
"Ako nga pala si Don Ignacio Pimentel isang negosiyante at kasama ko ang aking mga tauhan."
"Ano ang Iyong sad'ya?" tanong ni Datu.
"Hmmn... Ayaw mo naman na pag-usapan na muna natin dalawa kaya sasabihin ko na rin ang aking pakay. Gusto ko ang luha na ito! Ang in'yong tinititirhan." Pinalibot pa ni Do'n ang paningin sa paligid kasabay ng kumukumpas na naman.
"Kaya gusto kong makausap ka, pero maaari ko ba na malaman ang Iyong pangalan kaibigan?" tanong naman ni Don kay Datu.
"Ako si Datu Akbhari. Ko ang pinuno no Tribong ito," pakilala naman agad nito kay Don na inilagay pa ang kamay kay Datu Akbhari
''Ikinagagalak long makilala ka, Datu Akbhari. Narito rin ako dahil may i-aalok ako sa iyo, para na rin naman ito sa lahat."
"Ano iyon?
"Gusto kong bilhin ito sa in'yo, magkano ba ang Iyong gusto para makapag-simula na kayong muli," anito. Nagtagis naman ang panga ni Datu. Ano ang nasa isip ng kaharap nito't gustong siyang silawin sa pera, walang katumbas and pinamana pa ng kanilang mga ninuno.
"Pasensiya kana Don Ignacio ngunit hindi ako pumapayag sa alok mo! Hindi mahala sa amin ang maranyang buhay. Kontento na kami sa ganito laman at kahit ano pa ang iyong sabihin ay hindi pa rin ang sagot ko." Ang nito sa labi ni Don nawala.
"Ina-asahan ko na iyan ang isasagot mo sa akin, ngunit gusto ko rin na malaman mong hindi ang tumitigil hangga't Hindi makukuha, ang gusto. Kaibigan," mapang-uyam nitong sabi.
"Pero sige, bibigyan kita ng panahong are pag-isipan mo ang alok ko sa 'yo," dagdag pa nito.
"At hindi rin magbabago ang sagot ko," tipid na sagot ni Datu Akbhari.
"Siya sige! Tingnan natin kung sa aking pagbabalik kung gano'n pa rin. Aalis ako sa ngayon Datu Akbhari, ngunit Sa pagbabalik ko ay tiyak na akin na itong lugar nin'yo." Tinapik pa nito ang balikat ni Datu bago nagpasiyang umalis.
"Hanggang sa muli, at iyon na rin ang huli." Hindi na sumagot si Datu at Hinintay na lamang nakaalis ang grupo ni Don Ignacio.
Hindi siya makakapayag sa gusto nito.