CHAPTER TWENTY TWO Tuesday, 3:47AM; "Warren!" napabalikwas ako sa sigaw na narinig ko. Hay nako naman! Napasabunot ako sa buhok ko nang makita si ate sa harapan ko at sa tapat ng higaan ko. Bumalik ako sa pagkakahiga at nag talukbong ng kumot na agad namang hinila ni ate. Nakipaghilahan ako sa kanya ng kumot pero sa huli sumuko na lang ako. "Ano bang kailangan mo ate?" asar kong sambit. "Tumayo ka diyan!" sigaw niya. Napa kamot ako sa ulo ko pero tumayo na lang din ako. Hinigit niya ko sa palapulsuhan at marahas na pinaupo sa swivel chair. Kaasar. Ang aga-aga nanggugugulo! "Ano bang gagawin mo?" nayayamot kong tanong. "Wag kang sumigaw!" pasigaw niyang suway sa akin. "Ikaw kaya itong sumisigaw!" sigaw ko pabalik. "Ang aga-aga ay nagsisigawan na kayo" sabay kaming napalingon ni ate