CHAPTER THIRTY ONE RACHEL'S POINT OF VIEW "J-Jeno," kinakabahang tawag ko. Nilingon ako ni Jeno at binigyan ng isang ngiti. Napayuko tuloy ako dahil sa pag ngiti niyang iyon, "Pasensya na nga pala kanina. N-Nagkamali ako" nahihiyang saad ko. Yung performance namin kanina sa Mapeh ang tinutukoy ko. Nagkamali kasi ako dahil sa sobrang kaba. Naramdaman kong ipinatong ni Jeno ang kanyang kamay sa itaas ng aking ulo. Nang maipatong ito'y bigla na lamang niyang pabirong ginulo ang buhok ko, "Lahat naman tayo nagkakamali. Okay lang yun, wag ka na humingi ng pasensya. Isa pa, maganda naman ang ginawa mo" aniya na ikina-angat ko ng tingin. "S-Sorry pa din.." Ngumuso ito animoy isang bata na nagtatampo, "Wag kang mag so-sorry kung wala ka namang ginawang masama, baka makasanayan mo" aniya. Ibi