CHAPTER THIRTY-SEVEN [Jeno's POV] Panalo ang Slamirine High. Panalo ang team namin. Nagkaroon ng overtime kaya inextend ng five minutes ang oras. Sa loob ng five minutes na yon, nagawa naming makapag-shoot ng sunod-sunod. Pagdating sa basketball, si Mir at Sherwin ang pinaka-magaling. Wag kayong nagpapaniwala kay Warren, sinasabi niya kasi na siya raw yung kaelib-elib saming lima. Muka niya. Sinadya niya atang hindi i-shoot yung bola sa unang free throw para ma-cheer siya ni Lyan ko. Galawan talaga nung epal na yun, nakakainis. 2 days past; Maaga ulit akong pumasok ng school para mag-abang sa gate. Hindi ko alam kungsan ang bahay ni Lyan kaya dito ko nalang siya hinihintay. "Anong ginagawa mo diyan Jeffrey? Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong nung teacher namin na kakapasok lang. Ano