AN: Bigyan natin ng boses si Geraldine alam ko na masisiyahan silang mabasa ka. sana'y maging mabait sila sa comment nila sa'yo. ---------------------------------------------------------------------------- Geraldine P.O.V "Punyeta!" sigaw ko sabay bato ng cellphone ko dahil hindi ko makuntak si Duke. Nanghihina na napaupo ako sa kama dahil sa pagod kakabato ng mga gamit na mahawakan ko. "f**k you ka Duke! Matapos mo akong iwan sa party at mapahiya doon, hindi kita makuntak ngayon?" Muling sigaw ko. Habang natuyo na ang luha ko sa pisngi ko kung anu-ano ang tumatakbo sa isipan ko. Tandaan mo Duke, walang ibang makikinabang sa'yo kung hindi ako lang! Hindi sila at lalong hindi si Lia! Hindi ako papayag na mahumaling ka na sa malanding babae na 'yon! Gagawin ko ang lahat pumange