Hello guys! Maraming-maraming salamat po sa patuloy na suporta niyo at talaga namang lubos akong natutuwa. Love you all!! --------------------------- Kasalukuyang mahimbing nang nakatulog ang bunsong anak niya ng magpasya na siyang lumabas ng kuwarto upang silipin pa ang dalawang anak kung ito'y natutulog na. Dahan-dahan na pinihit niya ang seradura upang hindi ito marinig ng dalawa. Pero nagkamali siya dahil parehong gising pa ang mga to dahil sa cellphone na hawak. "Joaquin! Lucas! Bakit hanggang ngayon gising pa kayong dalawa? Anong oras na." Sa gulat ng dalawa halos mabitawan ang parehong cellphone na hawak at hindi malaman kung saan ito itatago. 'Sorry mo'm," Mahinang wika ni Lucas habang si Joaquin 'ay nakatingin lamang sa kan'ya. Lumapit naman siya dalawa na halos mag