CHAPTER 2

1238 Words
AN: Salamat po pala sa paghihintay at pasensya na kung natagalan ito. Salamat rin sa mga supporters ko lalo na sa dalawa na ito. SH3480 abigailmanalili73 ========================================= DUKE Habang busy ako dito sa loob ng opisina ko dahil sa sandamakmak na papel ang nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakagandang mapapangasawa ko na si, Geraldine. "Hon! Bakit narito ka?" Masayang bulalas ko at tatayo na sana ako upang lapitan siya. Ngunit mabilis na itong lumapit sa akin at kumandong sa hita ko, napangiti na lang ako. "I miss you, Hon." Malambing na wika nito at mabilis na hinalikan ako sa labi na tinugon ko naman. Lumalim ang halik na 'yun at naglulumikot ang kamay ni Geraldine sa malapad na balikat ko. "Hon, hon." natatawa kong sambit dahil ayaw niyang paawat sa paghalik sa akin. "Ayaw mo ba?" Malungkot na sambit nito. "No! I mean gustong-gusto ko, huwag mo sabihin 'yan, ok? I love you." nakangiting bigkas ko at dinampian ko ulit siya ng halik sa labi at niyakap. "But.. I want you, hon." mahinang bulong nito sa punong tenga ko. "Hon, nangako ako na sa babaeng pakakasalan ko na. Hindi ko muna siya gagalawin, dahil gusto ko sa mismong araw ng honeymoon natin 'yon gagawin." paliwanag ko at muli ko siyang hinalikan. Ngumuso naman siya na kinatuwa ko dahil naiinis na naman siya. "Importante pa ba 'yun? Yung iba nga buntis na bago sila ikasal." nakasimangot na salita niya. "Hon, importante ka sa akin at alam mo na nagbago na ako dahil sa gusto ko ng magseryoso sa babae. At ikaw 'yun, ok?" masuyong paliwanag ko at niyakap siya dahil nakasimangot. "Fine! I'll go na lang may pupuntahan pa ako. " Napamaang naman ako dahil sa sinabi niya at dire-diretso siyang lumabas nang pinto. Napahawak na lang ako sa sentido ko dahil sa alam kong masama ang loob ni Geraldine sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at nawalan ako ng ganang magtrabaho. Mabilis na tumayo ako at balak kong habulin, ngunit nakarating na ako sa ground floor walang Geraldine ako'ng nakita. Kinapa ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko at kinuntak ko agad ang number niya. Ilang ulit kong tinatawagan ang number ngunit hindi ito nagri-ring. Naaasar na mabilis akong tumakbo papunta sa parking area upang sundan siya. ------ Dito sa loob nang bar ako napadpad dahil inabot na akong dis-oras ng gabi sa paghahanap. Nakakailang basong alak na ako dahil sa pag-iisip dahil ngayon lang ito nangyari. Kung saan-saan ko hinanap si Geraldine pero hindi ko nakita. Hindi rin matawagan ang number niya kaya naman napapamura na ako. Mga kaibigan niya wala rin alam kung nasaan na siya. Muli kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko ulit ang number, gano'n pa rin. Halos gusto ko ng ibato ang cellphone ko nang biglang tumunog ang messenger ko. Lia Silis Gud eve, Duke Typing... Nabuhayan naman ako ng loob nang mabasa ko message ni Lia, dahil baka siya alam niya kung saan nagpupunta ang kaibigan nila. Duke Salvado.. Lia, hingin ko ang phone number mo. Asap! Typing... Mabilis naman siyang nag-reply kaya natuwa ako. Tinawagan ko agad ang numero na binigay niya at nag-ring naman ito. "Hello, Lia. Pasensya ka na kung nakaistorbo ako sa'yo. But, i need to know kung saan pa ang puwedeng pumunta si, Geraldine?" Tanong ko agad dahil ayokong magsayang ng oras. "Walang problema, pero teka bakit anong nangyari?" Tanong naman nito sa akin. "Hindi ko kasi makita si, Geraldine. Wala naman kaming pinagawayan, kanina ko pa kasi siya hinahanap at sumasakit na ulo ko dahil hindi ko siya makita." Napapapikit na paliwanag ko dahil sa epekto na rin ng alak na nainom ko. "O-ok, teka iisipin ko muna kasi matagal na rin kaming hindi nagkakasama ni Geraldine. Pero mag-iisip ako sandali lang ha?" "Ok, ok." sagot ko lang at hindi mapakali ang kamay ko sa lamesa. "Duke, sa lola niya nagpunta ka na ba? O kaya doon sa kaibigan niyang si Grace." Pilit na iniisip ko naman ang sinabi ni Lia, sa lola niya nagpunta na ako pero wala siya doon. Pero yung sinabi niya na si Grace parang hindi siya pamilyar sa akin. "Hey, Lia. Puwede mo ba akong samahan doon sa sinasabi mo na, Grace? Huwag kang mag-aalala ihahatid kita pauwi." Salita ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko sa pag-iisip. Nasaan ka na, Geraldine? "O-o, ok lang. Sige-sige nasaan ka ba ngayon at pupuntahan kita, Duke?" Sinabi ko kung nasaan ako at hindi naman pala siya ganun kalayo dito sa bar kung saan ako umiinom. Sakay ng kotse ko tahimik kami sa biyahe at gulong-gulo na ang isip ko dahil sa kakaisip kung saan ko hahanapin ang girlfriend. "Makikita mo rin siya, alam mo 'yung babae na 'yon gala talaga siya." natatawang basag na salita ni Lia. Nilingon ko lang siya at tahimik na binalik sa daan ang aking atensyon. Hon, where are you now? Kasalanan ko ito sana pinagbigyan ko siya, hindi niya lang alam kung gaano ako nagtitimpi sa tuwing didikit siya sa akin. Nagbago na ako at gusto ko ng galangin ang mga babae lalo na sa minamahal ko, i'm sorry, Hon. Nakarating kami sa sinasabi niyang Grace pero wala rin doon si Geraldine, malungkot na sumakay kaming muli sa kotse. "Lia, puwede mo ba akung samahan kahit sandali?" Maya'y tanong ko sa kaniya. "Ha? O-oo naman. W-wala naman ako'ng pasok sa trabaho bukas." sagot ni Lia na nakangiti. Tumango lang ako at at binalik ko sa bar kung saan ako umiinom kanina dahil hindi pa rin ako nakakabayad doon dahil sa bigla akong umalis. "Kasalanan ko kung bakit hinahanap ko ang kaibigan mo ngayon." panimulang salita ko habang unti-unti kong iniinom ang alak. "Bakit ano ba ang nangyari, pero maiintindihan ko kung hindi mo sasabihin. At isa pa malay mo bukas nandiyan na siya ulit," nakangiting sagot ni Lia. Napailing na lang ako habang na sa malayo ang tinatanaw ng mata ko. "Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kaniya. Mahal na mahal ko kaibigan niyo at dahil sa kaniya nagbago ako." malungkot na wika ko at mabilis na tinungga ang alak. "Huwag ka muna mag-isip ng ganyan, Duke. Malay mo naman nagtampo lang 'yun basta magtiwala ka lang bukas nandiyan na 'yon. Mahal ka no'n kaya hindi ka matitiis nang mapapangasawa mo." Pilit na ngumiti lang ako sa sinabi ni Lia sa akin pero sa loob ko sinsisi ko sarili ko, dahil maliit na bagay lang yung gusto ni Geraldine pero hindi ko binigay. Ilang beses ng muntikan na may mangyari sa amin ako lang ang umaayaw talaga. Lumipas ang oras at nakaramdam na ako ng hilo at manhid na ang katawan ko dahil sa dami ng alak na nainom ko simula pa kanina. "Duke, halik na umuwi ka na lasing ka na. Kaso paano ka niyan uuwi? Lasing na lasing ka na hindi ka niyan makakapag-drive." Naririnig ko na salita ni Lia pero hindi ko na magawang sumagot at medyo nanlalabo na ang paningin ko sa paligid. "Sandali, iwan na lang natin kotse mo. Ipapaalam ko sa may-ari ng bar na 'to. Tapos ihahatid kita, isasakay na lang kita sa taxi, teka saan ba bahay mo?" Tumatawang sinabi ko 'kay Lia kung saan ako nakatira. At hindi ko na matandaan kung ano ang sumunod na nangyari sa paghatid sa akin ni, Lia sa condo unit ko. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD