Raven | Triple X Masyado akong focus sa laro ko kanina at alam kong manonood ang mga kaibigan ko. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa bleachers. Nireserve ko talaga ang walong upuan dahil kasama si Lexi. Kaya naman nagulat ako ng makita ko na wala ang makulit at instead ay si Rich ang kasama nila. Kailan pa ito bumalik? Madaming naglalarong tanong sa isip ko ngayon. Unang una, anong ginagawa nya sa stadium kanina? Free for all naman ang laro at kahit sino ay pwedeng manood pero alam kong alam nya na maglalaro ako dahil sasabihin yun nina Ate Nikki sa kanya ng inaya sya. Parang kailan lang ay iniiwasan nya ako. He didn't even bother to say goodbye. I was thinking we have at least a blossoming friendship. Talaga ba Raven? May magkaibigan bang naghahalikan? Tapos yun na nga, na