bc

Thantophobia (COMPLETED)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
2.3K
READ
revenge
dark
drama
humorous
mystery
scary
asexual
like
intro-logo
Blurb

Monique Agustin is a model, anak ng isang sikat na artista. Masaya ang kanyang buhay kasama ang nanay at kapatid, ngunit nang masadlak sa isang matinding kontrobersiya ang kanyang ina ay napilitan silang magtago. To avoid people, to avoid hates. They chose this quiet but eerie place, na hindi nila alam ay pinamumugaran ng mga kilalang gangs. Monique met the dangerous and the most feared gang in that place, ang tahimik na buhay niya ay bigla na lang nagulo.

chap-preview
Free preview
ONE
I. Monique Gale Agustin Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinapakinggan sa earphone na nakakabit sa tenga ko ang balita. "Mary Agustin and Romeo Manzano were spotted together inside on one of the hotel at Manila. The photo was taken during the shooting of their movie called Last Cry. Some netizens accused Mary Agustin for being clingy at Romeo since then--" Pinatay ko 'yung phone ko at nagbuntong-hininga. Kailangan kong umiwas sa mga tao, sa mga schoolmates ko, sa mga kaibigan, sa lahat. Tumingin ako kay mama na natutulog sa kabilang dulo nitong kotse kung saan kami nakasakay, katabi ko ang kapatid ko na si Mira at nasa kabila naman si mama. Kahit hindi sya umiiyak ngayon ay bakas na bakas pa rin ang walang tigil nyang pag-iyak ng ilang araw, hindi ko alam kung ilang araw siyang nagkulong sa kanyang kwarto. Halos hindi siya kumain at umiyak lang ng sobra, mahal na mahal niya ang halos thirty years niyang showbiz career na inalagaan niya ng husto. Pero dahil sa issue na iyon na hindi naman totoo ay naglaho ang lahat. Sinagot ni Romeo Manzano ang tanong ng mga reporters. At ang sinabi niya ay meron nga silang relasyon ni mama, hindi ko alam kung bakit niya sinabi na gano'n. Kung bakit sinabi niya sa mga tao na may relasyon sila ni mama kahit ang totoo ay wala naman, kinamuhian ng mga tao si mama. Ang sandamakmak na fans niya dati ay biglang naubos. Mary Agustin, kabit ng asawa ng kanyang bestfriend na si Lyla Manzano. Napakagandang headline sa dyaryo. Sinubukan itanggi ni mama ang lahat pero huli na, galit na sa kanya ang tao at naniwala na silang lahat kay Romeo Manzano. Inis na hinipan ko ang buhok na nakaharang sa aking mukha. May tiwala ako kay mama, kahit ilang milyong tao pa ang hindi maniwala kay mama ay mananatili kaming dalawa ni Mira sa tabi niya. Alam kong alam ni mama kung gaano kasakit na mawalan ng asawa kaya hindi niya maaatim na kumabit sa iba, nakikita ko kung gaano siya nasasaktan kapag may nagbabanggit sa kanya ng pangalan ni papa. Nasasaktan pa rin siya. "Kuya Ronald, malayo pa ba? I need to pee." Tanong ni Mira sa driver namin. "Naku! Malayo pa, kung gusto mo ay titigil muna ako sa isang mall at maki-banyo ka na lang don." "Yes, kuya! Please. Lalabas na talaga." Ani Mira habang nakangiwi. Niliko ni kuya Ronald ang sasakyan sa isang mall. Sinuot namin ni Mira ang mask at sumbrero para hindi kami makilala ng tao, hindi pa artista si mama ay sikat na siya kaya pati kami ng kapatid ko ay kilala ng mga tao. Lumabas na rin kami sa ibang commercials at magazine dahil nagmomodeling kami ni Miracle. "Sasama ka pa?" Tanong ng kapatid ko. Umiling ako at hinintay na lang siya dito sa labas ng comfort room, ang daming tao sa loob kaya dito na lang ako. Tinanggal ko muna ang mask sa mukha ko at yumuko na lang. I was just looking at my phone when someone grabbed my shoulder and pinned me on the wall. "Aww." Daing ko dahil tumama talaga 'yung likod ko sa dingding. Tumingin ako sa lalake na nakahawak pa rin sa magkabilang braso ko, lumilingon-lingon siya sa paligid. I can almost feel his body leaning on me, naramdaman ko ang pag iinit ng aking mukha. Hinihingal siya kaya nararamdaman ko ang hininga niya pisngi ko. Sino ito? Bakit nilalapit niya ang katawan niya sa'kin ng ganito? Napakurap ako nang bigla siyang lumingon sa gawi ko, napatigil ako sa pag hinga nang muntik nang tumama ang malaman niyang labi sa labi ko dahil sa ginawa niyang paglingon. "Oh, shit." Mahinang sambit niya at kinagat ang labi habang pinagmamasdan ang mukha ko. Pumasok sa ilong ko ang amoy ng hininga niyang amoy mentol. Tinulak ko siya palayo pero hindi siya natinag. Ngumuso siya at binitawan ang aking braso at mabagal na lumayo habang nakapako ang tingin sa'kin. Parang pang batang babae ang maamo niyang mata at mamula-mula ang balat niya dahil sa kaputian, malaman ang labi niyang halos hugis puso. Mataas ang kanyang ilong at sobrang tangkad niya. Six footer? Hindi ko alam. "Uh, sorry miss.." Kumamot siya sa ulo niya at ngumiti. "May tinatakasan lang ako." "Pero mali pa rin 'yung bigla ka na lang manghihila ng tao." Iritadong sabi ko at nag iwas ng tingin. "Pasensya na." Ngumiwi siya at tinuro ang pisngi ko. "Namumula ka, miss. Ang lakas talaga ng appeal ko.." Napasinghap ako. "Ang kapal mo ah? Namumula ako dahil galit ako!" Humalakhak siya kaya pinilit kong balewalain kung gaano kasarap pakinggan iyon. Tinignan ko siya ng masama at tinakip ulit ang mask sa bibig ko kaya napatigil siya sa pagtawa at kinagat ang labi. "Pwede bang mamaya mo na takpan ang mukha mo, miss? I want to see you more.." Nagulat ako sa sinabi niya. Parang lalo yatang nag-init ang aking mukha, natural lang na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Babaero ba ang isang ito? Sayang naman dahil mukha siyang anghel. "Pwede bang tigilan mo ako?" Ismid ko. Hindi siya sumagot at tinukod ang isang kamay niya sa dingding na sinasandalan ko at ang isa naman ay pinasok niya sa bulsa ng pantalon niya, yumuko siya para silipin ang aking mukha. Nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ng lalakeng ito?! "Ano ba!" Lumayo ako sa kanya habang tinitignan siya sa gilid ng aking mata. Kinagat niya na naman ang kanyang labi at nagmura ng mahihina habang pinagmamasdan ang galaw ko. Ang itsura niya ay para siyang na-aamaze sa nakikita niya. "Anong pangalan mo, miss?" Tanong niya. "Edna." Pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo niya. "Hindi Edna ang pangalan mo, sinabi mo agad e." Ngumiwi ako. "Fine! Bianca ang pangalan ko. Ayos na?" Siya naman ang sumandal sa dingding at bumungisngis, umirap ako kaya pinaglaruan niya ng kanyang daliri ang labi niya. "Anong pangalan mo, miss?" Huminga ako ng malalim. "Bianca nga.." "Sabi mo Brenda?" Tumaas ang isang kilay niya. Napangiwi ako. "I mean, Brenda.." Nagulat ako nang humalakhak na naman siya. Tuwang tuwa ba siya sa'kin? Ang saya saya naman niya! "Biro lang, ang sabi mo talaga ay Bianca." Napapikit ako ng mariin at nilingon ang daan na papunta sa comfort room. Ang tagal naman ni Miracle. Binalik ko ulit ang tingin sa lalake na ito na may maliit na ngisi sa labi niya habang nakatingin sa'kin. Huminga ako ng malalim. "I'm Jasmine.." Tumango siya at nilahad ang kanyang kamay. "Ako naman si Alladin." Kinagat ko ang labi ko. Hindi siya naniniwala sa'kin! Nagpamewang ako at pinasingkit ang aking mata. "Come on, miss. Pangalan lang naman." Tumaas baba ang kanyang kilay. "Mabait akong tao. Marangal, may prinsipyo, may takot sa Diyos.. macho pa." Napahawak ako sa noo ko. Hindi. Hindi ako naku-cute-an sa kanya. Hindi. "Lahat ba ng babaeng nakikita mo ay tinatanong mo ang pangalan?" Umiling siya at humalukipkip. "Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?" "Oo."ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ Pinikit niya ang isa niyang mata at humawak sa kanyang dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya, naka suot siya ng faded jeans at puting long sleeves. May bilog na hikaw na itim sa kaliwa niyang tenga, medyo messy ang kanyang itim na buhok na tumatakip ng konti sa maamo niyang mata. Napapalingon sa gawi niya ang mga dumadaan at mukhang sanay na sanay siya doon. "Ngayon ko lang ginawa 'to, miss." Aniya, lumambing ang kanyang mata. "I've never been this attracted to a woman at ayokong sayangin ang pagkakataon.." Uminit ang mukha ko. Mabuti na lang ay nakasuot ako ng mask kaya hindi niya makikita kung gaano ako kapula. Sigurado na ako na babaero ang isang ito, alam na alam niya kung ano ang dapat na sinasabi sa mga babae. Magsasalita na dapat ako pero nakita ko na si Mira na naglalakad palapit sa'kin, inaayos ang suot niyang cap. "Tara na?" Aya niya at nilingon ang lalake na ito na nakatingin na rin sa kanya. Pinandilatan ko ng mata si Miracle kaya ngumiti siya at hinawakan ang aking palapulsuhan. "Tara na, ate STEPHANIE." Malakas ang boses na sabi niya. Pinaparinig doon sa lalake bago ako hinila palayo. Nilingon ko ulit 'yung lalake na nakatagilid ang ulo at sinusundan kami ng tingin habang pinaglalaruan ang hikaw sa kanyang tenga. Hindi katulad kanina na magiliw ay walang emosyon ang mukha niya ngayon. Inayos niya ang kanyang tayo at tinatamad na dinaanan lang ng tingin ang isang lalake na lumapit sa kanya na may nakasabit na camera sa leeg. Ngumuso ako, ang bilis naman magbago ng mood. Umabot pa ng halos apat na oras ang byahe, sobrang sakit ng pwet ko dahil sa matagal na pagkakaupo kaya hirap na hirap akong tumayo nung dumating kami sa bahay na lilipatan namin. "Dito na talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay kuya Ronald habang pinagmamasdan ang lumang bahay sa harap namin. Gawa ito sa bato pero ang creepy na ng itsura dahil halatang matagal ng walang nakatira. "Wow. Bumyahe tayo ng ilang oras para dito. Are you sure na may mga nakatira pa dito?" Ani Mira habang nililibot ang tingin sa paligid. Nandito kami sa..ano ba 'to? Maayos naman, ang tanging nakakalat sa daan ay mga dahon ng puno. Maraming bahay, pero halatang lumang-luma ang mga ito. Wala pa akong nakikitang tao na dumaan dito, haunted place ba 'to o ano? "Anak, ayos na 'to. Mas kokonti ang tao mas maganda. Alam nyo naman ang sitwasyon ko, kung maaari ayokong nakikita ako ng tao." Malungkot na sabi ni mama kaya napatigil sa pagrereklamo ni Mira. Nagsimula ng ipasok ni kuya Ronald ang mga gamit namin sa isang dalawang palapag na bahay. Kulay cream and white, sobrang luma na talaga ito. "Anong lugar ito, kuya Ronald?" Tanong ni Mira na may bitbit na kahon. Maingat na ibinaba ni kuya Ronald ang sofa. "Ah, eto? Gangland daw ang lugar na 'to." Nanlaki ang mata ko. "Ibig sabihin ay puro gangs ang lugar na ito?" "Ay, wag kayo mag-alala. Pinagtanong ko na 'yan at sabi ay pangalan lang naman daw. Maayos naman daw ang lugar na'to." Umiling-iling siya at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. "Osya, maiwan ko na kayo ma'am." Tinanguan siya ni mama at binilinan na bantayan daw ng mabuti ang bahay namin. Wag daw magpapapunta ng kung sino-sino. Kapag may nagtanong kung nasaan kami ay wag daw sabihin. Makulit kasi 'yung ibang stations. Kinukulit si mama na magpa-interview sa kanila. Para saan pa? Eh wala naman naniniwala sa kanya. That's why she decided to hide kahit wala syang kasalanan. Alam kong duwag ang naging desisyon ni mama pero kailangan kong suportahan ang gusto niya, wala naman ako sa sitwasyon niya para pangunahan siya. "I think we need to clean." Sambit ni Mira pagkapasok namin ng bahay. Sabay-sabay kaming inubo dahil sa alikabok sa buong paligid, ang dulas ng sahig dahil sa mga dumi. Puro sapot ng gagamba sa bintana at kisame. Napabuntong-hininga na lang ako at wala sa loob na tumango. "Let's start then.."ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.5K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.3K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook