A wearisome afternoon for most of the Riverhills’ students. Hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang na lumabas ng bahay simula noong nangyari kay Reymark. Ang karamihan kasi sa mga estudyante ay naniniwala na isang suicide lang ang nangyari o ang ginawa ni Reymark. Kaya, wala silang nakikitang rason para manatili sa kanilang kwarto at magmukmok lang, lalong-lao na si Kristine Camarino.
“Mom, I need to go out,” pagpipimilit ni Kristine. Sinusubukan niyang kausapin ang kaniyang ina upang lumabas ng bahay.
“Ilang beses ko ba uulitin sa ‘yo, Kris? Walang lalabas ng bahay hangga’t walang sinasabi sa atin si Chief Copper. Do you understand me?” mataas ang boses ni Mrs. Camarino.
“Mom, there’s no need for us to stay inside the house. Wala naman akong ginawang masama to harm myself.”
“Hanggang pangalawa ka lang, Kris. Kapag nagpumilit ka pa, makatitikim ka talaga sa akin. Naiintidihan mo? Now, go to your room. Right now!”
Padabog na umalis ng kusina si Kristine pabalik sa kaniyang kwarto.
She took her phone from the table beside her bed. Agad niyang binuksan ang message app at walang pag-aalinlangan na pinindot ang send button. “In the coffee shop. Right now!” Masyadong malaki ang kaniyang tiwala na pupunta ang kaniyang mga kaibigan. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila.
“Walang makapipigil sa akin.” Salitang nakatatak sa isipan ni Kristine.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at agad na dinampot ang kaniyang Genuine Leather Cute Purse. Binuksan niya ang kaniyang bintana at kung lalabas man siya mula rito ay makikita niya ang kaniyang sarili na nakatayo sa labas ng likod-bahay nila, na siyang walang pag-aalinlangan niyang gagawin.
For Kristine, it was like a slice-of-cake for her to sneaked out that easily from her own house, unlike to her other friend, Vanessa. Escaping from Vanessa’s house, I mean her parents exactly . . . is like a hellscape.
“You are not going anywhere, Vanessa! Do you hear me?” Mataas na boses ni Mrs. Gocela habang nagluluto ng ulam nila.
“Mom, please. Babalik din agad ako, kailangan ko lang talaga makausap ang mga kaibigan ko. Promise, I will keep myself safe. You’re my mom and you know me well. Okay? At saka napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba?” Lumapit siya sa kinatatayuan ng kaniyang ina at tiningnan ito sa mga mata.
Mrs. Gocela can’t hold herself from those pleasing eyes of her daughter. “Pero, ipangako mo sa akin na mag-iingat ka. You will make sure that you will be back here before your father came home from his work. Kuha mo? At ito na ang huling paalam mo na aalis ka ng bahay. Lumabas ka na noong nakaraang-araw with Kevin, tapos lalabas ka na naman ngayon? Aba! ‘Wag mo inuubos pasensya ko ikaw na babae ka.” wika ni Mrs. Gocela, sabay turo gamit ang kaniyang hintuturo.
Isang malaking ngiti ang puminta sa mukha ni Vanessa. “Thank you so much, mom!” masaya nitong tugon, at saka niyakap ng mahigpit ang kaniyang ina.
“Okay, go on. Bago pa magbago ang isip ko. Mag-iingat ka, huh?”
“Yes, mom. Goodbye. I love you so much!”
While these two boys, Jake and Jefferson have their own teen-boy’s ways to exit from their own house. One way or another. They will be there no matter what.
MAMA FEE’S COFFEE SHOP
“As I expected, pupunta talaga kayo . . .” masayang sabi ni Kristine.
“Well, I don’t have any choice. Minsan talaga, hindi na kita naiintindihan. Alam mo kung bakit? Kasi minsan, ayaw mo kaming mapahamak. Todo concern ka sa amin. Tapos ngayon, bigla ka na lang magte-text na papupuntahin mo kami rito, eh, alam mo naman na sobrang hirap makalabas ng bahay ngayon.” saway ni Jefferson, at saka umupo.
Pero binalewala lang ni Kristine ang sinabi ni Jefferson. “At ikaw naman, Jake? Anong excuse mo?” sarkastikong tanong niya.
“Hoy, hindi mo pa nga naririnig ‘yong excuse ko kung paano ako nakalabas ng bahay.” kunwari nagtatampong sabi ni Jefferson sabay nag-cross armed.
“Tsk. Mamaya ka na. Para may thrill. Gust mo ‘yon? Kaya ‘wag ka na magtampo diyan. Hindi bagay sa laki mong ‘yan.”
“Ang sama mo talaga sa akin, Tine.”
“Quite ka na!” saway niya kay Jefferson, at saka binaling ang tingin kay Jake. “Sige, Jake. Magkuwento ka na, dali.” excited niyang sabi.
“Akala ko magiging mahirap sa akin makalabas ng bahay pero, my grandpa allowed me to go out . . . basta dalhan ko lang daw siya ng burger at saka fries.” Sa tono nang pagkasasabi ni Jake ay parang malungkot siya, ayon sa pagkakaintindi ng kaniyang mga kaibigan.
“So, what’s the problem with that, bro? You make it sound like it’s a bad thing.” wika ni Jefferson.
“No. I mean, yes.” Napasinghap ng malalim si Jake. “Listen, I’m just hoping that my grandpa won’t tell my parents about this. May ano na kasi si lolo sa pag-iisip. Alam n’yo na?”
“Now, we get it.” wika ni Kristine, at saka tinawag si Mama Fee para um-order. “Nasaan nga pala si Vanessa?” pagtatakang tanong nito.
Hindi sumagot si Jake na siyang inaasahan ng mga kaibigan niya na sasagot sa tanong na iyon. He is the boyfriend. Kaya sinenyasan ni Kristine si Jefferson gamit ang mga mata nito.
“Bro?” tawag ni Jefferson sa atensyon ni Jake at lumingon naman siya. “Alam mo ba kung nasaan si Vanessa?”
“Um, I–,” hindi makapagsalita ng diretso si Jake marahil ay hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin nang maalala niya ang kaniyang nakita noong nakaraang-araw na magkasama sina Vanessa at Kevin.
“Okay ka lang ba? Okay lang ba kayo ni Vanessa? Is there something we can do to help you both?” nag-aalalang tanong ni Jefferson.
“W-We’re good. I am . . . good.”
“But you sound not fine. Just tell us, bro. Ano bang nangyari sa inyo ni Vanessa? The last thing I remembered was, magkasama lang tayo rito sa coffee shop noong nagtatalo tayo.”
“So, where’s your girlfriend then?” diretsong tanong ni Kristine.
“I don’t know! Okay?” Laganap ang boses ni Jake sa buong coffee shop, sabay tayo.
“Hey, calm down, bro! We’re just asking and trying to help you. Chill.”
“Hindi ko alam kung nasaan si Vanessa. Maybe, she’s out there . . . nakikipaglandian sa ex-boy best friend niya.” madiin na pagkakasabi ni Jake na may halong galit sa bawat salitang inilabas niya mula sa kaniyang bunganga.
His friends never expected that Jake would act like this, it’s just so different about him. Umalis si Jake mula sa booth nila at dumiretso sa cashier para kunin ang order niya. Pagkatapos, hindi siya nagdalawang-isip na lingunin ang mga kaibigan at tuluyang lumabas ng coffee shop.
“Jake, wait! Where are you going?” Sinubukang pigilan ni Kristine si Jake, pero huli na ang lahat nang nakalabas na siya ng coffee shop.
“Anong sa tingin mo ang nangyari sa dalawa?”
“I have no idea.” Kristine deeply sighed.
IN the meantime, Vanessa is doing research investigation on Reymark’s suicide case with her ex-boy best friend, Kevin. She used her troops as an excuse to get out from her house. Hindi naman talaga siya nagpaalam para lumabas at pumunta sa coffee shop upang kitain ang kaniyang mga kaibigan na mas pipiliin ang manahimik kaysa sa makatulong sa paglutas ng kaso ng kaklase nila.
Sa kabila ng nangyari sa kanila, hindi malilimutan ni Vanessa ang saya at pagmamahal nila bilang magkakaibigan sa ilang taon nilang pagsasama noon. She’s blaming herself about what happened to Reymark. Kasi kung hindi sana sila nagkahiwalay ng landas, siguro kasama niya pa ang kaibigan hanggang ngayon.
“Kevin, what are you doing here?” hindi makapaniwalang sabi ni Mrs. Lapeña nang bumungad sa kaniyang harapan si Kevin.
“Magandang araw po, tita. Puwede po ba akong pumasok sa kuwarto ni Reymark?”
“Ah, gano’n ba? Sige, hijo. Pasok ka lang. Umalis na naman ba ang mga magulang mo kahit may killer ngayon sa bayan?”
“Yes po, tita. Wala na pong bago sa kanila. Mas mahalaga pa yata ang business namin kaysa sa sariling anak nila.” Mapait na ngumiti si Kevin.
Napasinghal ng malalim si Mrs. Lapeña. “Sige, pumasok ka na. Ipaghahanda lang kita ng pagkain.” Aalis na sana siya nang muling nagsalita si Kevin.
“Um, tita –”
“Bakit, hijo? May problema ba?”
“May . . .” Lumingon siya sa kaniyang likuran at pumasok si Vanessa sa loob ng bahay. “Kasama po kasi ako. Si Vanessa po.”
“V-Vanessa? Hija, you’re here?” Marahang nagulat si Mrs. Lapeña nang muli niyang makita si Vanessa sa loob ng kanilang pamamahay. “It’s been a long time since your last visit here.”
“Hi, po, tita.” mahinhin na sabi ni Vanessa, at saka kinuha niya ang kanang kamay ni Mrs. Lapeña para magmano.
“What are you doing here?”
“Gusto ko lang po sana ulit makita at maalala ang mga panahon na magkasama kami sa loob ng kuwarto ni Reymark, tita. Sasamahan lang po rin sana ako ni Kevin. ‘Yon ay kung ayos lang po sa inyo.”
“Naku! Oo naman, hija. Hali ka, pumasok na kayo, at ipaghahanda ko lang kayo ng pagkain, huh. Sige, pumunta na kayo sa kuwarto ni Reymark at tatawagin ko na lang kayo ‘pag tapos na.”
“Thank you po, tita.” nakangiting tugon ni Vanessa, at saka niya niyakap si Mrs. Lapeña.
Pagkatapos ay dumiretso na sila sa itaas, kung nasaan ang kuwarto ni Reymark. Pagpasok pa lang ni Vanessa sa loob ay ramdam na niya ang pakiramdam na nandidito pa rin si Reymark. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sariling mga mata at tumulo ang mga luhang dulot ng pagsisi, at paghihinagpis.
“Hey, are you okay?” nag-aalalang sabi ni Kevin.
Hindi na sumagot si Vanessa at agad niyang niyakap si Kevin. Hindi inaasahan ni Kevin na gagawin ito ni Vanessa. Akala niya ay ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapanggap sa naiwang kahapon nila.
“I’m here. Just let it out.” Marahang hinahaplos ni Kevin ang likuran ni Vanessa.
Samantala, bumisita si Chief Copper sa bahay ng mga Lapeña para ipaalam sa kanila ang tungkol sa resulta ng autopsy ni Reymark.
“Mrs. and Mr. Lapeña, sana hindi kayo mabigla sa kung ano ang sasabihin ko.” wika ni Chief Copper, at saka napasinghap ng malalim.
“We’re preparing for this moment to come and . . . kahit may kutob na kami sa sasabihin mo, gusto pa rin namin marinig mula sa ‘yo ang tungkol sa resulta ng autopsy, chief,” tugon ni Mr. Lapeña. Napahawak siya sa mga kamay ng kaniyang asawa habang hinahaplos niya ang mga ito.
Huminga ng malalim si Chief Copper. “Ang sabi ng resulta sa autopsy ni Reymark ay . . . may mga pasa at bali-bali ang kaniyang mga buto. Sign na binugbog siya bago nagpakamatay o pinatay. Ginawa lang ng kung sino man ang gumawa no’n kay Reymark para ipalabas na nagpakamatay siya.”
Hindi mapigilang maiyak ni Mrs. Lapeña. Hindi niya kayang tanggapin na mangyayari ito sa nag-iisa nilang anak. Sa isang mabuti, masunurin, at mapagmahal na anak. “Totoo ngang pinatay ang anak ko.” Napaiyak siya ng malakas.
“Ayon po sa tinamo ng bata, malamang mga grupo ng estudyante lang ang gumawa nito sa kaniya. Pero iimbestigahan ko po pa rin ang dahilan kung bakit nila ito ginawa.”
“Mga estudyante? Ibig-sabihin may bully o gang sa loob ng school nila?” sambit ni Mr. Lapeña.
“Hindi po tayo sigurado tungkol diyan, pero may posibilidad po na mayro’n nga. At saka nga po pala, Mrs. Lapeña, may telepono po ba ang anak ninyo?”
Pinunasan munan ni Mrs. Lapeña ang kaniyang sipon bago nagsalita. “O-Oo, bakit, chief?”
“Wala akong natagpuan na telepono sa paligid ng crime scene at wala rin sa belongings na binigay mula sa funeral. Ibig-sabihin ay may kumuha o nakakita. Posibleng ang pumatay sa anak n’yo o . . . kung sino man ang may hawak ng telepono ng anak ninyo ay siguradong may alam o kasabwat sa pangyayari.”
“Naniniwala kami sa ‘yo, chief. Sana mahuli mo na ang gumawa nito sa anak namin. Demonyo siya!”
Parehong layunin pero magkaiba ang katayuan. Estudyante at tagapaglingkod ng batas sa publiko. Sino ang unang makalulutas ng kaso?