TIME goes by so fast, just like what happened to Reymark. Labis na nagluluksa ang pamilya Lapeña dahil sa malupit na sinapit ng binata. Gusto man nilang isipin na nagpakamatay ito, subalit napakahirap sa kanila na maniwala sa isang bagay na imposibleng gawin ng kanilang anak. Kaya buong paniniwala nilang ibinibigay kay Chief Copper na malalaman nila ang totoong nangyari kay Reymark.
Mahinang pag-ulan at maambon na umaga ang sumalubong sa araw ng libing ni Reymark. Ayaw man ng karamihan ay kailangan na nila itong gawin, lalo na sa kalagayan ng pamilya ng binata. Halos dumalo ang lahat ng tao sa bayan ng Riverhills para sa araw na ‘to.
Nakatayo habang nakahawak ang lahat ng tao ng itim na payong na tugma sa suot nilang mga tuxedo at burial dress. Lahat sila ay nagdadalamhati sa nangyari at hinihiling ng bawat isa na sana ay ayos lang si Reymark kung nasaan man siya ngayon.
“And now, Reymark’s friend, Vanessa, would like to say a few words,” wika ng pare, at humakbang paatras mula sa lectern para bigyang daan si Vanessa.
“Um, I know that . . . most of us here knew Reymark was a good man. Magkasama na kami ni Reymark simula grade seven hanggang grade ten sa choir, pero naghiwalay din kami ng landas dahil nag-focus siya sa theater. He was a good friend, actor, and a son, for sure.” Vanessa can’t hold her tears from dripping. “May sinabi sa akin si Reymark na hindi ko malilimutan . . . sabi niya –”
Subalit hindi tinapos ni Vanessa ang kaniyang sasabihin na ipinagtataka ng karamihan. Tumigil siya at tiningnan ang kabaong ni Reymark. Hindi niya kayang titigan ang taong minsan na rin naging importante ng kaniyang buhay. Pagkatapos ay patakbo siyang umalis palayo sa lugar kung saan ginanap ang libing.
Sinundan naman agad siya ng mga kaibigan niya upang siguraduhin na ayos lang siya. Nakaukit sa kanilang mga mukha ang pagtataka at pag-aalala kung anong nangyayari sa kaniya, bakit bigla na lang itong tumakbo.
Nang maabutan nila si Vanessa sa daan kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng mga taong dumalo sa libing ay agad nila itong nilapitan at niyakap siya agad ni Kristine, sabay haplos sa likod nito. “Shh, it’s okay, bhie. Tahan na,” wika ni Kristine, at tiningnan niya sina Jake at Jefferson.
“Let’s get out of here,” suhestiyon ni Jake.
“I’ll just go get the car,” sabi ni Jefferson, at mabilis na umalis patungo sa sasakyan niya.
WHEN they arrived at the coffee shop, they ordered their usual food and drinks. Magkatabi sina Vanessa at Kristine, habang magkatabi naman sina Jake at Jefferson. Hindi nila pinilit na tanungin si Vanessa tungkol sa nangyari kanina sa libing. Hinihintay lang nila kung kailan niya gustong magsalita.
Dahan-dahan na inangat ni Vanessa ang kaniyang ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ni Kristine. Pinunasan niya ang kaniyang mga mata gamit ang itim niyang panyo at pagkatapos kumuha ng isang piraso ng potato fries.
“Okay ka na ba, bhie?” bakas sa boses ni Kristine ang pag-aalala para sa kaibigan.
Tumingin si Vanessa kay Kristine at tumango lang ito.
“Ano bang nangyari, Van? Bakit bigla ka na lang umalis?” tanong ni Jefferson.
Ito talaga si Jefferson, hindi makapaghintay o kayang kontrolin ang sarili. Inilipat ni Vanessa ang tingin kay Jefferson.
“N-Natatakot ako sa . . .” tugon ni Vanessa, at napayuko siya.
“Natatakot ka dahil?” wika ni Kristine.
“H-Hindi nagpakamatay si Reymark.” mahinang sabi ni Vanessa.
“Shh, paano mo nasabi na nagpakamatay si Reymark, babe?” bulong ni Jake, at inilapit ang kaniyang sarili sa mesa.
“Noong sinabi ko kanina, napagtanto ko na . . . hindi nagpakamatay si Reymark dahil alam naman natin, ‘di ba, na sobrang relihiyoso niya at alam niyang labag sa kautusan ng Diyos ang pagpapakamatay. Kaya –”
“You’re saying na hindi magagawang magpakamatay ni Reymark dahil he’s religious? So, ibig sabihin pinatay siya? Is that what you’re trying to say?” gulat na sabi ni Jefferson, at agad naman siyang inawat ni Jake.
“‘Yon nga sinabi niya. Paulit-ulit ka, Jeff.” naiinis na sabi ni Kristine.
Marahang tumango si Vanessa bilang pagsang-ayon sa konklusyon ni Jefferson.
“Ibig din sabihin, may posibilidad na inosente si Reymark sa pagpatay kay Jason?” wika ni Kristine. “So, anong gagawin natin ngayon?”
“Nothing. Hayaan na natin na ang daddy ni Jeff ang lumutas sa kaso na ito.” sagot ni Jake.
“Ano, seryoso ka ba, Jake?” hindi makapaniwalang tanong ni Jefferson.
“Oo!” mariin na wika ni Jake. “Kung isasali ang mga sarili natin sa kasong ito . . . baka posible rin na tayo ang isusunod na papatayin.”
“Kung natatakot ka, pwes, hindi ako!” naiinis na tugon ni Jefferson.
“Ay, oo nga pala. Nabanggit ni Jeff na kasali pala si Reymark sa suspect ng daddy niya sa pagpatay ni Jason. Ngayon, walang rason si Chief Copper upang paghinalaan si Reymark. Sino na ang isusunod ng killer?” sambit ni Kristine nang maalala niya ang tungkol dito. “Guys, hindi ngayon ang oras para magtalo kayo. Dapat ay magkaisa tayo,” saway ni Kristine. “Bhie, anong plano mo?”
Tumahan naman ang dalawa.
“What about . . . sabihin natin sa daddy ni Jefferson ang tungkol sa mga nalalaman natin?” suhestiyon ni Vanessa.
“No! Hindi naman tayo sigurado kung tama at totoo nga ba ang mga nagawa nating konklusyon. Makagugulo lang tayo sa imbestigasyon ni Chief Copper.” tugon ni Jake.
“O makatutulong,” mabilis na sagot ni Vanessa.
“Babe, I know that you’re still blaming yourself about what happened. And I’m telling you this for hundred times, wala kang kasalanan sa nangyari –”
“Troops, let’s stop this!” nagtila tagahatol si Kristine sa bilang ng kaniyang pagsaway sa mga kaibigan niya ngayon. “Let’s end this conversation. Walang magsasalita tungkol sa usaping ito. Kung gusto n’yo pang grumaduate. Naiintindihan n’yo ba ako?” naiinis na nitong sabi.
Hindi sumagot ang tatlo, tanda ng pagsang-ayon nila sa sinabi ni Kristine o wala lang talaga silang ibang choice kundi ang um-oo na lang kaysa pagalitan pa sila nito lalo. Umuwi sila pagkatapos kumain at walang sino sa kanila ang naglakas nang loob na kausapin ang isa’t isa.