Jackie Hindi ko na pinatulan ang huling sinabi nya sa akin. I just snorted and shook my head. Si Charlie ang taong kapag pinatulan mo ang sinasabi lalong humahaba. Kaya nga sila laging magkababag ni AJ noong high school kami while Caleb is more subtle although makulit din. Si Kris na girlfriend ni Caleb ay sa kabilang high school pumapasok kaya bihira kong makita. Nang matapos kaming maglunch ay nagpaalam na ako sa kanya. "I'll go ahead. Thanks for lunch." Hindi sya umimik pero tumayo sya at iginiya ako palabas. He walked me without holding my hand. Paminsan minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. I just ignored it. I hit the remote start at nabuhay na ang makina ng kotse ko. Nang abutin ko ang door handle ay hinapit nya ako sa baywang at saka niyakap. Hindi ako kumibo at hina