Masakit ang katawan ko nang bumangon ako. Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Paanong hindi ako aantukin? Alas-dos nang madaling araw na umalis si Lester ng kuwarto ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit sinabi kong one hundred thousand pesos ang bayad niya sa akin. Sinulit kasi niya ang one hundred thousand kagabi. Ang sakit tuoy ng katawan ko ngayon. Tumayo ako saka ginusot ang buhok ko habang papalapit sa pinto. Kanina pa kasi may katok nang katok sa pintuan kaya napilitan akong bumangon. "Bakit ang tagal mong buksan, Pangit ka?" pagtataray ng impostor ko. "Inaantok pa ako, bakit ka ba nambubulahaw ng tulog?" sagot ko. Hindi ko talaga kayang maging mabait sa kanya lalo na't nakikita ko ang mukha ko. Kahit siya ang amo ko, hindi ko mapigilan ang makipagtarayan s