CHAPTER 1

1709 Words
Walang paglagyan ang tuwa ng pasyente ko habang pinagmamasdan niya ang kanyang mukha sa harap ng salamin. Ang laki na kasi ng pinagbago niya. Ang dating pangit ay naging isang magandang babae na siguradong hahangaan ng mga kalalakihan. Ang dating sarat niyang ilong ay naging matangos at perfect na hugis. Pinakortehan din niya ang labi niya dahil noon ay sobrang kapal pero ngayon ay kissable lips na, nagbawas din ng kaunting panga upang lumiit ang mukha niya, pinakinis ang mukha, at pinahaba ang eyelashes. Overall sobrang ibang-ibang na ang itsura niya ngayon. Siguradong pagdudahan na siya kapag ipinakita nito ang valid i’d niya. “Ang ganda-ganda mo na siguradong hahabulin ka na ulit ng ex-boyfriend mo ngayon,” sabi ko habang sinusuklay ko ang buhok niya. Tumango siya. “Dok, maraming salamat sa tulong n’yo sa akin,” naluluhang sabi nito. “Oh, dahan-dahan sa pagpunas ng mukha baka ma-deforme, “biro ko. Natawa ang pasyente ko. “Si Doktora talaga palabiro.” Ngumiti ako. “Enjoy your new looks.” “Salamat ulit, Doktora.” Pagkatapos niyang bayaran ang bill niya ay umalis na rin ito. Isa akong plastic surgeon na nag-plastic surgery ng mga gustong baguhin ang itsura ng mukha. Sa araw-araw ay marami akong nagiging kliyente na gustong gumanda kaya lagi akong busy. Bumalik ako sa table at sinandal ang likod ko sa swivel chair ko upang makapagpahinga. Ilang araw na rin akong walang pahinga dahil sa demand ng mga kliyente. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinilot ang sintido ko. Dalawang minuto kong ginawa iyon nang marinig ko ang katok mula sa pinto ng opisina ko at dumungaw ang sekretarya ko. “Dok, may deliver po sa inyo.” Lumapit siya sa akin at inabot ang isang plastic pagkatapos ay umalis na ito. Agad kong binuksan ito para makita ang laman ng plastic. Ano kaya ‘to? Nakita ko ang isang maliit na brown envelope. Binuksan ko iyon para makita ang laman. “Invitation for Alumni homecoming.” Bigla kong naalala ang naging karanasan ko noong college ako. Isa ako sa mga estudyante na tampulan ng tukso dahil sa aking itsura. Hindi ako maganda tulad ng ibang babae sa school kahit galing ako sa mayamang pamilya pinagbawalan naman ako ng magulang ko na baguhin ang itsura. Kaya noong college ako ay lagi akong pinagtatawanan. Hindi kasi pantay-pantay ang ngipin ko, malapad ang mukha ko at wala akong kilay. Gayunpaman, may bukod tanging estudyante noon ang nagbigay ng concern sa akin iyon ay si Lester Del Mondragon. Isa siya sa mga heartthrob sa university namin at kahit sa ibang school ay hinahangaan siya. Tinulungan niya akong tumayo nang itulak ako ng isang estudyante, hindi rin siya umangal nang maging partner ko siya sa prom namin. Simula noon nagsimula na akong magkagusto sa kanya. Lihim ko siyang sinusundan kahit abutin ako ng gabi at kahit noong nag-aaral siya sa Amerika ay sinundan ko siya doon para lang makasama ko siya. Si Lester ang dahilan kung bakit binago ko ang itsura ko, nagpaganda ako para sa kanya ngunit lahat ng sakripisyo na ginawa ko ay bigla na lang naglaho nang malaman kong nag-asawa na ito. Marahan kong tiniklop ang invitation saka ko nilagay sa aking maliit na box. Tumayo ako sa sumakay sa kotse. May bibisitahin akong matalik na kaibigan ngayon. “Ma’am, Sino ang bibisitahin n’yo?” tanong sa akin ng pulis na nagbabantay sa mga preso sa loob ng kulungan. “Rachelle Parchello.” “Pasok po kayo Ma’am,” Pagkatapos niyang inpeksiyunin ang laman ng bag ko ay tinuro niya sa akin ang visitor’s area kung saan puwede mong makausap ang bilanggo. May harang na salamin sa pagitan ng bisita at ng preso at ang tanging daan para makapag-usap kayo ay ang telepono sa gilid. Limang minuto pa ang lumipas pumasok sa silid si Rachelle na nakasuot ng kulay orange na damit. Halata sa mukha niya ang labis na hirap sa kulungan ang laki na rin ng pinayat nito sa loob. Nakasimangot siya nang makita ako. Umupo ito at kinuha ng telepono para makapag-usap kami. “Anong ginagawa mo rito?” Inis na tanong ni Rachelle. Ngumiti ako. “Nandito ako para bisitahin ka.” Tinititigan siya nito ng masama. “Hindi ko kailangan ng bisita lalo na sa isang traydor na katulad mo.” Pang-asar siyang ngumiti rito. “Hindi kita tinatraydor.” “Talaga? Iniwan mo ako sa panahon kailangan ko ng kakampi. Ang sabi mo sa akin noon maghiganti ako kay Veronica dahil siya ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Ang sabi mo tutulungan mo ako kahit anong mangyari bakit wala akong nakuhang tulong sa ‘yo!” “Dahil ayokong madamay sa kasalan mo. Ikaw naman ang may kasalanan kaya ka nakulong. Kung nag-iisip ka hindi mo dapat sinunog ang kumpanya gayon alam mong mahuhuli ka. Kung gusto mong patayin si Veronica dapat tinambangan mo na lang tapos na sana ang problema mo.” Nagsalubong ang kilay ni Rachelle. “Tutulungan mo akong makalabas o sasabibin ko sa mga pulis na ikaw ang mastermind ng lahat ng ito.” Tinitigan ko siya ng masama. “Hanggang ngayon hindi ka pa rin nag-iisip. Akala mo ba may maniniwala pa sa ‘yo pagkatapos ng ginawa mo sa pamilya nila.” “Hayop ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa ‘kin,” galit niyang sabi. Matamis akong ngumiti sa kanya. “Kung ako sa ‘yo magpapakabait ako sa loob ng kulungan dahil oras na maubos ang pasensya ko, tatapusin ko ang buhay mo diyan sa loob kulungan.” “Hayop! Hayop!” sigaw ni Rachelle. Pang-asar akong ngumiti rito. “See you again.” Tumayo ako at lumabas ng silid na iyon. Galit na galit si Rachelle nang umalis ako. Hindi pa kita puwedeng tapusin dahil kakailanganin pa kita. Muli akong sumakay ng kotse at bumalik sa clinic ko. Nabungaran ko sa loob ng opisina ko ang nakababata kong kapatid na si Shanaie Gomez isang vlogger, screen name niya lang ang Shanaie Gomez dahil ang tunay niyang pangalan ay Shane Suarez. Pinaikot-ikot niya ang swivel chair ko. “Where have you been?” Inilapag ko ang maliit na bag sa lamesa. “Kumusta ang pinapagawa ko sa iyo?” “Nakita ko na si Lester Del Mondragon. Kaya pala obsessed ka sa kanya dahil ang guwapo at ang lakas ng dating niya.” Nagsalubong ang kilay niya. “He’s mine, ‘wag ka ng dumagdag sa mga kalat na wawalisin ko.” Sumimangot si Shanaie. “Sinabi ko lang ang nakikita ko pero hindi ko naman siya gusto.” “Pumayag ba siya na maging content ang kompanya niya sa vlog mo”? Umiling siya. “Nag-back out siya agad.” “Bakit?” “Siguro dahil sa asawa niyang pakialamera mukha kasing palaban ang asawa niya kaya si Lester sunod-sunuran sa gusto ng asawa niya. Hays! Alam mo Ate, maghanap ka na lang ng lalaking bagay sa ‘yo. Ang dami na niyang anak.” “No!” hinampas pa ko ang table niya sa inis. Nagulat naman ang kapatid niya sa naging reaksyon niya. “O-Okay, fine kung ayaw.” “Alam mong siya ang dahilan kung bakit ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko siya ang maging trophy sa lahat ng successful ko sa buhay ko.” “Ikaw ang bahala pero paano ka makakalapit sa kanya? Hindi ba’t nagawa mo na ang lahat para siraan sila pero hanggang ngayon matatag pa rin ang samahan nila.” “Mag-iisip ako ng magandang paaran para makasama ko na si Lester, gusto kong makasama siya na kaming dalawa lang.” “Makakasama mo lang siya kung magiging asawa ka niya.” Tumingala ako at tumingin kay Shanaie. “Exactly!” Nangunot ang noo ni Shanaie. “What do you mean?” “Bakit hindi na lang ako maging asawa niya. Kukunin ko ang mukha ng asawa niya at pagkatapos ay papatayin ko ang asawa para ako ang pumalit.” “You mean magiging impostor ka?” Tumango ako. “Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na ‘yon ‘di sana hindi ako nakipagtulungan kay Ramil at Rachelle. Natahimik ang bunso kong kapatid. Alam kasi niya ang tungkol sa dalawang iyon. Ako ang nagtulak sa magkapatid na sirain ang mag-asawa ngunit pareho silang hindi nagtagumpay. Bigla kong naalala ang huling sandali ni Ramil sa mundo. Limang metro ang layo ko sa mga pulis car. Nakapalibot sila sa hide out ni Ramil. Kinidnap niya si Veronica noon. Lumabas ako ng sasakyan upang tingnan ang ano na ang nangyayari. Ngunit nakaka sampung hakbang pa lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagkagulo ang mga pulis ang iba ay sumakay sa kotse. “Habulin n’yo baka makatakas!” sigaw ng pulis. Muli akong sumakay sa kotse at hinintay ang susunod na pangyayari. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago muling lumabas sa kotse ko. Mas magandang nag-iingat dahil baka madamay ako sa kaguluhan. Kaya ako nandito ay para tulungan si Ramil ngunit hindi nagig maingat si Ramil kaya natunton sila ng mga pulis. Huli na para tulungan ko siya. “Sana naman patay na si Veronica.” May mga ambulansyang dumating sa lugar na iyon, pagkatapos ay isa-isa nilang dinala ang mga sugatan. Nakita ko si Ramil na dinala ng ambulansya ngunit hindi kasama si Veronica sa mga dinala ng ambulansya. Ibig sabihin lang ay patay na ito. Nang araw na din iyon ay tuluyan ko ng pinatay ko si Ramil. Nagpanggap akong Doktor ng hospital na iyon upang makapasok ako sa loob ng kanyang patient room. Pinatay ko si Ramil upang hindi niya ako idamay sa katangahan niya. “Ate, Rafaela?” Bigla akong bumalik sa realidad. “H-ha? A-Anong sinasabi mo?” Huminga ng malalim si Shanaie. “Hays! Ang labo mo kausap.” Sabay tayo niya’ “Aalis ka na?” Tumango siya. “May pupuntahan pa akong party.” Nang umalis si Shanaie ay sinimulan ko ng pag-aralan ang mukha ng asawa ni Lester kailangan wala akong makaligtaan upang mas lalong maging kapani-paniwala ang pagiging impostor ko. Maghintay ka lang Lester dahil kahit anong mangyari ay magiging akin ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD