Hindi mawala ang ngiti ko nang huminto ang kotse namin sa harap ng malaking kumpanya. Unang bumaba ang bodyguard namin pagkatapos ay sumunod naman si Letser. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse pagkatapos ay tumingin ako sa paligid ko. Welcome back to me. Taas ang noo kong naglakad sa loob ng kumpanya namin "Good morning." Bati sa amin ng mga empleyado namin. Nauna akong naglakad kay Letser dahil hinarang siya ng kanyang manager. Okay lang naman sa akin iyon para mabilis akong makarating sa opisina. Nagpakendeng-kendeng ako habang naglalakad kaya naman kahit babae ay hindi napigilan na hindi tumingin sa akin. Makakita ba naman sila ng sexy at magandang babae. "Wait!" sigaw ko nang mapansin kong magsasara na ang elevator. Agad naman akong pumasok sa elevator. "Good morning, Ma'am,