"Kosa, handa na ang lahat," sabi sa akin ng isang kasama ko sa bilangguan na babae. Ang pangalan niya ay Mariel. Nakulong siya dahil pinatay niya ang kaibigan niya dahil sa inggit. Ngumiti ako sa kanya. "Mabuti naman kung gano'n. Hindi ka ba sasama sa amin para tumakas mamayang gabi?" Umiling siya. "Wala na akong babalikan pamilya. Pinagtabuyan na nila ako kaya walang dahilan para tumakas." Bakas sa mukha ni Mariel ang lungkot. Iniwan na kasi siya ng pamilya niya dahil nakakulong siya. Hindi natuwa ang asawa niya at magulang niya sa mga naging dahilan niya kaya mula ng makulong siya walang dumalaw sa kanya. "Kung ayaw mo sa amin sumama na tumakas ikaw ang bahala basta huwag mo kaming ituturo." Tumango siya. "Oo, basta siguraduhin mo lang na tutupad ka sa pangako mo sa akin." "Huwag