"Hi, Mom!" nakangiti ako nang lumapit kay kay Mommy. "Veronica, mabuti naman at napadalaw ka? Nasaan ang asawa mo, bakit hindi mo kasama?" "Busy po sa kompanya." "Let's go pumasok tayo sa loob para kumain ng meryenda." Tumango ako at sumunod sa kanya. Eksakto ang punta ko dahil nagluto sila ng meryenda. "Hindi mo sinama ang kahit sa sa apo ko," sabi ni Mommy habang kumakain kaming dalawa. "Mom, hindi ba't umiinom kayo ng sleeping pills?" Tumango siya. "Yeah, kung minsan kapag sinusumpong ako ng insomia." "Lately kasi hindi ako makatulog agad puwede ba ako makahingi ng kahit isa?" "Bakit hindi ka na lang magreseta ng gamot?" "Bigyan mo na lang ako ng isang sleeping pills subukan ko lang kung epektibo sa akin." "Pero mas maganda anak kung magpapareseta ka ng gamot para maibigay sa