Kuyom ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi ni Lester. Hindi ko akalain na kinuhanan ako ng video ng pakialamerang muchacha na iyon. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapaliwanag kay Lester. "Honey, anong oras ka uuwi? Promise magluluto na ako ng pagkain. Kukuhanan ko rin ng video," sabi ko sa kanya habang sinusundan ko siya palabas ng bahay para pumasok sa kumpanya. "Honey!" tawag ko. Ngunit hindi siya nag-abalang lumingon sa akin. Pinaharurot niya palabas ng mansyon ang kotse niya. "Damn it!" sigaw ko ng malakas. Kinuyom ko ang kamao ko. "Where's Kikey!" sigaw ko. "Ma'am, nasa kuwarto po niya baka natutulog pa siya." Mas lalong uminit ang ulo ko nang malaman kong tulog pa rin siya hanggang ngayon samantalang ako ay maagang nagising. Tinalo pa niya ang may-ari ng mansyon kung um