"Tapos na kayong maligo?" nakangising tanong ni Dina sa amin dalawa ni Lester. Namula ang mukha ko dahil sa mga tingin ng mag-asawa. "Thanks sa pool nag-enjoy kaming dalawa." Sabay tingin sa akin ni Lester. Hindi naman sana ako mahihiya sa kanila dahil alam naman ng dalawa na mag-asawa kami. Nahihiya ako kay Lester dahil baka isipin niyang malandi ako kahit totoo naman, pero malandi lang ako kapag siya ang lalandiin. Lumapit si Dina sa akin at bumulong. "Nalunod naman ang pechay mo. Ang libog n'yo talagang dalawa. Pasimple ko siyang kinurot. "Gaga! Manahimik ka baka mahalata ka ng asawa ko." "Tse! Landi mo." "Magpalit muna kayo ng damit para hindi kayo lamigin. Marami akong mga bagong damit na kasya sa iyo. Ang As— Kikey, ay siguradong bibigyan ni Dina ng damit." Muntik ng banggiti