Dahan-dahan kong hinihimas ang mukha ni Lest weer habang mahimbing itong natutulog. Dumako ang mga mata ko sa kanyang mapulang labi kaya dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Nag-init ang mukha ko nang dumampi ang labi ko sa kanyang labi. Matagal ko ng pinapangarap na maangkin si Lester. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin mangyayari sa aming dalawa. Hindi ko inaasahan na mayroon pala silang kasunduan na mag-asawa. Marahil ginawa nila iyon upang hindi na madagdagan ang mga anak nila. "Ilang buwan lang naman akong magtitiis. Pagkatapos ay maangkin na kita, hindi na kita pakakawalan Lester. Akin ka na ngayon," bulong ko habang tulog siya. Nakarinig ako ng kalabog sa labas ng silid kaya lumabas ako ng kuwarto. Naabutan ko si Kikey na nakatakip ang mukha habang may kausap sa ka