"Guys! I have good news!" halos madapa na ako para lang makalapit agad sa kanila. Kasama ko ang mga kaibigan kong babae sa isang coffee shop malapit sa lugar namin. Ibinaba ko ang bag ko sa table at ininom ang juice na nakareserba sa akin. "Bakit ka naman kasi tumakbo?" natatawang sabi ni Cyndi. "Sobrang excited ko kasi sabihin sa inyo ang magandang balita." "Ano naman ang magandang balita 'yan?" ani Cyndi. "Hay, naku! Siguraduhin mo lang na maganda yan balita mo. Iniwan ko ang anak ko para sa good news mo," wika ni Dina. Tumingin ako sa kanila. "Girls, pinayagan na ako ng asawa ko!" Nagtitili ako sa sobrang tuwa. Pilit na ngumiti ang tatlo pagkatapos ay tinuon ang pansin sa kinakain nila. "Oh, bakit parang hindi kayo masaya? Ayaw n'yo na ba akong kasama?" "Hindi na kasi 'yan bag